Chapter 5

13K 178 29
                                    

SANDRO

That girl is testing my temper.

At alam kong kilala ninyo na 'yong babaeng tinutukoy ko. 'Yong Bitch daw ang pangalan. Ha! Bitch nga talaga siya. Mukha niya! Akala niya sobrang ganda at sexy niya? Oo kaya! Akala rin niya sobrang kinis niya? Oo! Leche eh. Kaya ang lakas mang-ganoon kasi alam niyang maganda siya. Leche lang mga p’re. Ngayon lang ako napahiya sa campus dahil lang sa babaeng 'yon.

The three musketeers laughed at me at the locker incident. Nakakabwisit. Kaya badtrip din ako buong umaga sa school eh. Muntik ko pang di masundo sa lunch si Leslie dahil nga badtrip ako. Sus. Kaya naman noong kumain mag-isa. Isa pa, may dala naman siyang pagkain eh. Ako nga eh wala. Tsk. Pero in the end, kasabay ko naman siyang kumain. Pinagdala pala niya ako ng pagkain ko. Aww, ang sweet ng bubwit na ito.

“Kuya Sandro naman! Grr. Kung di pa kita sunduin dito sa building ninyo eh di mo pa ako sasamahan kumain! Grr ka! Tara na. Gutom na gutom na ako oh.”

Ayan 'yong bungad sa akin ng bubwit kanina. Nakabusangot pa ang mukha habang sinasabi niya 'yan sa'kin. Imagine-in ninyo na lang. 'Yong usual na hitsura ni Leslie na nakakunot ang noo tapos nakanguso pa. Imbes na matuwa ka, maiinis ka pa. Gaya ngayon, badtrip na nga ako dinagdagan pa niya. Siya tuloy ang napagbuntunan ko ng badtrip ko.

“Aish. Malaki ka na Leslie. Kumain ka mag-isa mo.” tinabig ko na siya paalis sa harap ko at nagdiretso na paglakad papunta sa kung saan. Ewan ko rin kung saan ako pupunta. Bahala na. Basta 'wag ko lang makita ang pagmumukha noong Bitch na 'yon. Oo, I sound rude pero diba 'yon naman ang pakilala niya sa akin? Masunurin lang naman ako.

Iniwan ko na nga si Leslie doon sa corridor ng building namin at wala na akong pakialam sa kanya. Mag-text na lang siya kapag nasa panganib na siya na imposible namang mangyari dahil nasa tabi tabi lang naman si Denver. Magpapaka-knight in shining armor 'yon kay Leslie,. 'Yon pa. Gustong gusto noon 'yon.

Dinala ako ng kabadtripan ko sa cafeteria. I guess, gutom na nga rin ako. Hay. At pagkabukas ko pa lang doon sa pinto ay tingnan mo nga naman ang kapalaran ko. Siya pa itong nabungaran ko. Napatigil ako ng ilang segundo siguro at napatitig lang sa kanya. Kahit naman may attitude siya, hindi mo talaga maipagkakailang sobrang ganda niya. Mukha siyang anghel eh. Looks can be deceiving talaga.

Napatitig din siya ng bahagya sa mukha ko na parang walang recognition sa mga titig na 'yon at matapos ang ilang segundo rin ay mukhang narecognize na niya ako dahil ngumisi pa siya sa akin tapos inirapan ako. Nag-flip pa ng hair sa mukha ko mismo. Naamoy ko tuloy 'yong buhok niya. Ang bango. Shit.

Ah, lintik p’re. Nakakagago ang babaeng 'yon.

Woops. Did I just curse? Tama, nakakapagmura na pati ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi, biro lang. Namana ko lang sa tatay ko. Hay. Siguro, kung si dad ang nasa posisyon ko ngayon, nakuha na niya agad ang atensyon ni Bitch. Eh 'yon pa, girl magnet 'yong si dad eh. Tindig pa lang niya, malalaglag na ang panty mo. 'Yon ang description ni Tito Gio sa akin. Oo. Si Tito Gio. 'Wag na kayong magtaka. Kung minsan talaga ay may sayad 'yong si Tito eh.

Hay. Ngayon ko kailangan ng advice ng isang tatay eh. Pogi points tapos damoves tips ba. Nakakainis kasi eh. Ngayon lang ako nainsecure sa sarili ko. Dati naman marami rami ring babaeng nagkakandarapa sa akin pero bakit ngayon? Ugh! Oh for Pete's sake! Si Bitch lang 'yon. Ano naman kung maganda at sexy siya? Marami diyang mas maganda at sexy sa kanya. Ano naman kung flawless siya? Marami ring mas flawless pa sa kanya. Eh ano naman kung mukha siyang angel? Eh ugaling demonyo naman siya. Hay. Nakaka-tangina lang talaga.

Di ko na namalayang sumunod na pala sa akin si Leslie kung di ko pa naramdaman ang pagtapik niya sa balikat ko. Hinihingal pa nga siya eh.

“Kuya Sandro... Ang bad bad mo. Isusumbong kita kay Mommy! Grr.”

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon