Chapter 47

5.4K 132 27
                                    

SANDRO

Ewan ko ba kung anong meron sa akin at sinunod ko ang sabi ng bubwit kanina nang ihatid ko siya sa department nila. Tinakbo ko nga ang daan ko patungo sa department namin. Medyo malayo rin kasi ‘yon sa department ng bubwit eh. At gaya ng inaasahan ko, hapong hapo ako nang marating ko ang pintuan ng first subject ko.

Buti na lang at wala pa ‘yong terror naming prof. Terror na, tapos lagi pang extended kung magdiscuss. Akala mo wala ng bukas kung magturo. Sagad na sagad sa oras eh. Lampas pa nga kung minsan! 

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa silid. Nakita kong prenteng nakaupo na ang dalawang gago sa mga upuan nila sa tabi ko. Nakatingin sila sa akin. ‘Yong mga tingin nila, parang nang-aasar. Bahagya pang nakaangat ‘yong mga gilid ng labi nila. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa bakanteng upuan sa tabi nila.

Saktong pagkaupong pagkaupo ko pa lang ay dumagundong na ang silid, senyales na dumating na ang terror naming prof. As usual, nagpaquiz muna siya bago simulan ang lectures niya. Nagkibit balikat na lang ako. 

Matapos ang isa’t kalahating oras na kalbaryo, tumayo na ako sa upuan ko at tutungo na sa kasunod kong klase nang tawagin ako ni Miguel.

Slow motion ko siyang hinarap. Tumatawang lumapit naman siya sa akin at tsaka ako inakbayan. 

Okay. Awkward?

“Bilis mong maglakad Sandro. Para kang hinahabol ng sampung pagong ah? Hintayin mo naman kami ni Charlie.” Cool na cool na sabi niya. Pagkabanggit niya sa pangalan ni Charlie ay tumingin siya rito at nakipagtanguan. Hindi na lang ako umimik at binagalan na lang ang paglalakad para makasabay sila. Nakakahiya kasi sa kanila. 

“Yo p’re. Galit ka pa rin ba sa amin?” tanong naman ni Charlie makaraan ang ilang minutong idle moment.

Napatingin ako sa kanila dahil sa tanong niyang iyon. Awtomatikong napaangat ang isang kilay ko sa kanila. Ako? Galit sa kanila? Bakit naman ako magagalit? Ah, dahil doon sa ginawa nilang pambabakod sa bubwit dahil sa kautusan ni Denver? Hmm. Dapat na ba akong magalit dahil doon? Hindi naman ako nagalit eh. Nainis lang ako ng sobra dahil parang ang unfair naman. Sinabi kasi nilang sinunod lang nila si Denver kasi kaibigan nila ito. Medyo na-offend lang ako doon kasi parang sinasabi nilang mas kaibigan nila si Denver at mas pinapaboran nila ito. Eh kung tutuusin naman, magkakasabay lang kaming lahat lumaki. 

Hay.

“Tss, ako? Bakit naman ako magagalit sa inyo?” napapantastikuhang tanong ko kay Charlie. Hindi ko na sila hinintay sumagot at dinugsungan ko na ulit ang sinabi ko. “Nah. Hindi ako galit sa ginawa n’yo. Medyo nainis lang ako. Ang gago n’yo eh.” 

Ilang sandaling nagkatinginan pa ang dalawang gago at tsaka nagkibit balikat.

Tinapik ni Miguel ang balikat ko. 

“Sorry pare ah. Alam naman naming nagtampo ka ng kaunti. Hayaan mo, babawi kami sa’yo. Libre na namin ang lunch mo mamaya.”  Hindi na ako nagkomento doon sa nagtampo ng kaunti at pinalampas na lang iyon. Tutal, hindi naman masyadong big deal eh. Kaya ang ginawa ko, tumawa na lang ako para malessen ang thick air sa aming tatlo. Nang gawin ko ‘yon ay huminga ng maluwag ‘yong dalawa at nakitawa na rin.

Matapos ng kaunting dramahan ay pumasok na kami sa next subject namin. 

**

Matapos ang isa pang subject ay dismissal na. Hindi ko na namalayang lunch break na pala kung hindi ko pa marinig ‘yong beep ng phone ko. Tiningnan ko kung sino ‘yong nagtext at napatigil naman ako. Bihira lang kasi magtext ang isang ‘to sa’kin ngayon eh. 

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now