Chapter 20

8.9K 101 5
                                    

SANDRO

Ang sarap asarin ng bubwit!

Kanina ko pa pansin sa bahay pa lang na may malalim siyang iniisip. At noong puntahan ko nga siya sa kwarto niya ay narinig ko pa ang pagpapapadyak niya mula sa labas. Ang nang tuluyan kong buksan ang pinto, narinig at nakita ko siyang paulit ulit na sinasambit 'yong No!

Nang makita niyang nakapasok ako sa kwarto niya ay bigla siyang nahiya at nanahimik. Actually sa sobrang tahimik niya ay hindi na niya narinig 'yong mga sinasabi ko. Kaya niloko ko siyang iniisip na naman niya si Denver. 'Yon ang panloko ko sa kanya sa tuwing matutulala siya eh. Paano, bigla siyang mag-i-snap back sa reality at itatangging iniisip niya si Denver.

Pero kakaiba ngayon dahil imbes na itanggi niya, tumango siya. I guess, iniisip niya talaga si Denver. But I'm not so sure. Pero p-in-ush ko pa rin. Ang sarap nga kasing asarin ng isang 'to. Lumalabas 'yong totoong feelings niya eh.

Lalo na sa parking lot! Hanep p’re! Hindi ko na i-k-kwento dahil alam ko namang nakwento na sa inyo ni Leslie sa previous chapter. At hula ko, sobrang naasar siya sa akin dahil sa pan-t-trip ko sa kanya. Can't help it. I'm born to tease her.

Noong magsimula kaming magpractice for the play... ewan ko kung anong nangyari doon. Hindi ko naman siya tinitingnan eh. Sa iba ako nakafocus. Pero noong tingnan ko siya noong medyo last part, ayon, muntanga siya. Paano, nakangiting nakatingin sa kawalan eh. Seryoso? Iyon ang sinasabi ni Miss Ong na effortless acting? Magpapakabaliw na pala ako para sa play na ito. Baka maging kasing effortless ako ng bubwit na 'to.

That happened yesterday... Day seven na ngayon ng rehearsal.

Sa totoo lang, hindi ako masyadong nakapaghanda sa rehearsal ngayon. Ni hindi ko nga nareview ng masinsinan ‘yong eksenang gagawin namin ngayon eh. Kaya laking gulat ko nang bigla akong halikan ni Jamie sa pisngi.

Takte! First kiss ko 'yon. Loko, ang gay ng tunog. Pero totoo, first kiss ko 'yon. Kahit pa sabihing sa pisngi lang. First kiss pa rin 'yon. Oo na! Paulit ulit na ako. Para na akong sirang plaka. Pero first kiss ko 'yon mga p’re! Galing kay Jamie.

Lumapit muli si Jamie sa akin matapos ang eksena namin. Bumulong siya sa may tenga ko. I can feel her hot breath on my face.

Namumula ka Ace Sandro,” bakas sa boses niyang tinutudyo niya ako but I don't care about that. Biglang nag-shutdown 'yong utak ko sa ginawa niya eh. I never saw it coming. Binasa ko naman 'yong script, pero bakit hindi ko alam na may eksenang hahalikan pala ako ni Jamie sa pisngi? Nabigla tuloy ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko eh.

Alam ko pala. Kinilig ako.

Takte, ang gay!

Walanghiya, ganito ba umakto ang magpinsan? Kinikilabutan ako ah. Takte lang 'to.

Napatingin ako kay Jamie at ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko. Konting isod na lang at mahahalikan ko na siya sa labi niya. Hindi pwede, oh tukso, layuan mo ako! Kasalanan 'to.

Pumikit na lang ako. Nang makapikit ako, narinig ko pa ang marahang pagtawa ni Jamie. Ligayang ligaya siyang nahihirapan ako. That's nice of her.

Matapos 'yon ay napatingin naman ako sa tatlong musketero. They are all looking at me—at us. Umiling sila nang magtama ang mga mata namin. Alam ko na kung anong iniisip nila.

That this is all wrong.

Of course I know this is wrong! Takte, akala ba nila hindi ko nilalabanan 'to? I'm trying the hardest here. Kahit hindi halata, but I always fail... Everytime lapitan ako ni Jamie. She's a walking sin. Naaasar na talaga ako sa puso ko.

Bakit kasi walang babaeng pumasok sa eksena eh. Wala tuloy akong pagbalingan ng atensyon ko. Tutok na tutok ako kay Jamie. God, magpaulan naman po kayo ng chikababes diyan oh. Hirap na hirap na po ako.

How can I be truly happy if my happiness is unreal? Out of my grasp. Kahit anong pilit ko, she'll never be mine. Kahit makipagpatayan ako, she's not bound to be mine. Because we are bound by the same blood na nananalaytay sa mga ugat namin.

Why do I have to love one of my own?

Hindi ba pwedeng familial love ang maramdaman ko sa kanya? Bakit kailangang eros ang maramdaman ko sa kanya. 'Yong totoo!? Ito ba ang kapalaran ko? O isa lang siyang pagsubok sa buhay ko? At kailangan ko siyang maovercome bago ko makilala ang babaeng magbibigay saya sa buhay ko?

I really don't know what to think.

I just know that this fucking heart of mine beats for only one person.

That's her.

Jamie.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now