Chapter 19

9.3K 113 6
                                    

LESLIE

I shouldn't be thinking of Kuya Denver but why the hell am I thinking about him now!?

Kanina pa ako nagpapapadyak dito sa loob ng kwarto ko dahil sa isiping iyon. Hell! Kahapon kasi eh, that's one stupid mistake I ever did. Bakit ba kasi ako umiyak? Eh ano naman kung may chemistry si Kuya Sandro at Ate Jamie? Natural lang 'yon sa dalawang tao!

Pero hindi eh! Magpinsan kasi sila! At... at... mahal ko si Kuya Sandro!

Aish, naman oh! Ngayon, hindi ko tuloy alam kung paano ko haharapin si Kuya Denver. I swear, I saw something in his eyes. Natatakot lang akong pangalanan 'yon kahit alam ko na kung ano 'yon. Basta! Ugh!

No! No! No! No! N—” natigil ang No Chant ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nasalubong ko ang nagtatakang mukha ni Kuya Sandro. Takte! Can earth swallow me whole now?

Kuya... He-he...” awkward na bati ko sa kanya. He still has this confused look on his face. Takte lang. Bakit ba kasi pasok ito ng pasok sa kwarto ko nang hindi man lang kumakatok? Ah right. That's because he is Ace Sandro Salvacion. He can do whatever he likes. Psh.

Lumapit siya sa akin pagkaraan at pinitik ang ilong ko, a habit that became familiar to me. Bwisit! Nakakakilig kaya 'yong paganun ganun niya!

Ano 'yang no no no no na naririnig ko ha, Leslie? Wala ka namang ganyang linya sa play ah?” nakangising tanong niya sa akin matapos akong pitikin sa ilong ko. Kung kanina ay nagtataka 'yong mukha niya, ngayon naman ay napaltan iyon ng mischievous smirk niya. Takte talaga. Nakakapangilabot itong si Kuya Sandro eh! Ang lakas pa mandin nitong mang-asar. Taob si Kuya Denver eh. Pero parehas lang akong naiinis sa kanila kapag inaasar nila ako. Grrr.

Minsan nga naguguluhan ako kay Kuya Denver eh. There are times that he treats me like a queen. May mga panahon ding princess ang pagtrato niya sa akin. If you know what I mean. Queen 'pag minsan dahil tinuturing niya akong isang babae. I mean, you know. Princess naman dahil tinuturing niya akong bata. You see the difference? Ugh. And I would always hate him during the times when he treats me like a princess. Duh.

Natulala ka na diyan. Iniisip mo si Denver ano?” I was snapped back to reality when I heard Kuya Sandro mention Kuya Denver's name. Ano raw sabi niya? Anong meron kay Kuya Denver?

Dahil lutang ang isip ko, tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung anong sinasabi niya. At alam mo 'yong nakakaasar? Sumipol pa siya eh!

Sabi ko na nga ba! Darating at darating din ang panahong ito.”

Ha? Ano raw? Natural lang na darating ang panahong ito dahil hindi pa naman end of the world pero ha? Hindi ko talaga siya nagets. Kaya ang ginawa ko? Kinunutan ko siya ng noo. 'Yong tipong pwede nang pagbaunan ng kayamanan sa sobrang lubog 'yong noo ko. Ganun.

Stop crinkling your forehead. Magkakawrinkles ka agad.” naiiritang sabi niya sa akin.

Ay, ang saya niya! Kaya nga ako nakakunot dahil tinatanong ko kung anong ibig niyang ipahiwatig doon sa sinabi niya kanina eh. But what did I get? Ang nakakaasar na komento niya tungkol sa pagkunot ko ng noo. Hanep.

Seriously Les? Grow up.” asar na talaga siya.

Hmp. Kung sinasagot mo lang kasi 'yong unspoken question ko edi sana masaya na tayong lahat diba? Pang-asar ka kasing sumagot palagi eh.” nakakunot pa rin ang noong sagot ko sa kanya. Ngumuso pa ako para iparating na naaasar na talaga ako sa kanya.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now