Chapter 52

4.1K 104 48
                                    

SANDRO

When I woke up one morning, I felt a hollow feeling in my chest; As if a huge chunk has been taken away from my body. I would’ve said that I don’t know what’s happening to me but I’d be a hypocrite if I say that. I do know. It only takes a quick glance at the calendar to do so.

March 25th.

Kung normal ang mga kaganapan, ngingiti ako sa kaalamang March 25 ngayon. Pero dahil marami nang nangyari sa buhay ko, ni ang ngumiti ngayong araw na ‘to ay hindi ko magawa. 9 years na pero ganito pa rin ang nararamdaman ko. Babangon ako sa kama kong parang nawasak ang buong pagkatao ko. Parang sariwa pa ang mga sugat sa puso ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng ito.

March 25 was the wedding anniversary of my mom and my dad. Unfortunately, it is also the death anniversary of my dad. Simula nang mamatay si dad, nag-iba na ang pananaw ko sa araw na ito. Gone are all the excitement I feel at the thought that we’ll be preparing something romantic for my mom. Napaltan lahat ‘yon ng kapighatian. 

Noong ika-isang taon ng pagkamatay ni dad, ni hindi ko nagawang dalawin ang puntod niya. Imbes, nagkulong lang ako sa kwarto ko at tumitig sa kawalan. Katabi ko lang ‘yong pianong ibinigay niya sa akin noong 7th birthday ko pero hindi ko rin ‘yon nagawang galawin. I loathe it. Nakakatawang isiping kinamumuhian ko na ang tanging bagay na mahal ko simula pagkabata. Masakit kasi eh.

Hinayaan kong maglakbay ang utak ko sa pangyayari sa nakaraan ng ilang sandali. Nang kumalma ako ay tsaka ako bumaba sa kama at dumiretso sa banyo. Nag-ayos lang ako ng sarili ko. This is one particular day of the year kung kailan sobrang sama ng timpla ko. Isang tingin lang sa akin ay alam na agad nina Tita Jen at Tito Gio ang nangyayari. Hahayaan lang nila ako buong araw.

Only, this year, I felt as if I’m ready. For what, I don’t exactly know. I just shrugged the thought away and headed downstairs.

Pagkakita ko pa lang sa bubwit na nakasalampak ang mga paa sa center table habang nanonood ng cartoon, alam ko na kung saan ako handa. Handa na akong pakawalan ang lahat ng sakit at pait ng nakaraan. Handa na akong balikan ang isang bagay na tinalikuran ko. Handa na akong tingnan ang pagkamatay ng mga magulang ko bilang isang biyaya. At least they didn’t abandon me when they were still alive. At least they’ve given me all the love I need back then. Aksidente ang lahat. Walang may gustong mangyari ang lahat ng ito. Nagkataon lang talagang maagang kinuha sa akin ang mga magulang ko. Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit Niya ‘yon ginawa sa buhay ko at alam ko ring hindi ko man ‘yon maintindihan ngayon, darating din ang tamang panahon para lubusan ko ‘yong maintindihan.

I’ve long sought for happiness. Pero paano ko nga ‘yon makukuha kung ako sa sarili ko, hindi ko mapakawalan ang pait na nararamdaman ko? Paano ako tuluyang sasaya kung pinanghahawakan ko pa rin ang sakit ng nakaraan?

It took me 9 years to finally grasp the understanding of the word happiness. It took me one girl to do it. Leslie. Bubwit. Tumitingin pa ako sa malayo, nasa tabi ko lang pala ang babaeng magpapasaya sa akin all along. I’m such a jerk, right?

Nakapagkit ang tingin ng bubwit sa TV screen. Engrossed na engrossed siya sa cartoong pinapanood niya. Ngunit nang maramdaman niya ang presensiya ko ay bumaling siya sa akin at ngumiti ng malawak. My day brightened because of that simple smile. Siyempre, galing sa kanya eh.

I held her gaze for a moment. Siya ang unang nagbawi ng tingin at natuon na naman ang atensiyon sa pinapanood. Umiling na lang ako at dumiretso na sa kusina para kumain. Sinalubong naman ako nina Tita Jen at Tito Gio, masayang kumakain ng agahan nila. Somehow, napangiti na lang din akong panoorin sila.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now