Chapter 16

10.2K 111 19
                                    

SANDRO

            Second day ng researsals at si Jamie ang kaeksena ko ngayon. Kahapon lang, nilait lait na ako ng mga supportive kong kaibigan tungkol sa pag-arte ko. Si Leslie ang kaeksena ko noon. Hindi naman ako kinabahan noong isinalang na kami agad ni Miss Ong right after noong speech workshop daw kung tawagin. Panatag naman kasi ang loob ko kay Leslie eh. Alam kong kahit hindi ako magaling umarte ay madadala niya ako. Ang galing niya eh.

            At nang magsimula na nga kami ng praktis namin ay napatunganga na lang ako sa kanya. Grabe, ngayon ko lang nakita face to face si Leslie habang umaarte siya. Walang halong biro, ang galing niya talaga. Hangang hanga na ako ngayon sa bubwit. Natural na natural na para sa kanyang ideliver ‘yong mga linya niya. Parang sinasambit niya ang mga ‘yon on a daily basis. Eh samantalang ako, sobrang stiff noong pagsasalita ko. Hindi ko nga alam kung napansin ba ‘yon ni Miss Ong eh. Malamang na napansin niya, hindi lang siguro siya nagkomento kasi tolerable pa? At tsaka, alam naman niyang hindi ako umaarte.

            Pero alam kong hindi excuse ang pagiging walang experience ko sa pag-arte para hindi mag-try. Nag-e-effort din naman ako. Sinusubukan ko naman talaga. Nagpapatulong na lang din ako kay Leslie.

            At ngayon ngang si Jamie ang kaeksena ko, akala ko ay handa na ako. Hindi pala.

            Unang sabak pa lang namin ay kinabahan na agad ako. Sobrang nagulat ako sa kanya. Natural na pagkagulat ang naramdaman ko at hindi lang for the sake of acting. Totoo. Nagulat talaga akong makita si Jamie. Kahit na practice lang 'to for a play, nagagawa niyang pakabugin ang dibdib ko at her mere presence. Ang isa pang similarity namin ni Yie XiangLun ay 'yong epektong meron si Lu XiaoYu sa kanya. Ewan, ganoon yata talaga when you come face to face with the girl of your dreams.

Ahh! I shouldn't be thinking this way. This is one hell of a wrong thing. I should stop this now para maisagawa ko ng maayos ang play na 'to. Nilait pa mandin ako ng tatlong musketero kahapon sa day 1 ng rehearsal namin. Buti na lang daw at si Leslie ang kaeksena ko, nadala raw ako noong bubwit. Somehow, medyo nasagi nila 'yong ego ko doon. I wanted to prove them na may ibubuga rin ako sa pag-arte at hindi lang ako pang-musika lang. After all, play ito at hindi lang basta musical thing. Ugh.

Pero magagawa ko bang magconcentrate kung ang katulad ni Jamie ang nasa harap ko ngayon?

Nailing na lang ako sa itinatakbo ng pag-iisip ko. Nawawala na yata ako sa katinuan. Hindi na ako makapag-isip ng tama.

Okay! That's a wrap. Break muna ulit,” narinig kong sigaw ni Miss Ong. Kahit tapos na 'yong rehearsal, oblivious pa rin ako sa pangyayari sa paligid ko. Dalawang bagay lang ang tumatak sa isip ko all throughout the practice.

'Yong titig niya. At 'yong ngiti niya.

Ate Jamie, what are you doing to me?

**

             I was drowned in her stare and her smile.

Wala sa sariling bumaba na ako ng stage at nagtungo sa gamit ko. Lunch na rin pala, hindi ko na namalayan. Hindi pa kasi ako nakakaramdam ng gutom eh.

May tumapik sa likod ko at paglingon ko, I was poked by Jamie's forefinger. Kagaya noong ginawa niya sa rehearsal. Nakangiti siya sa akin. Ang laki ng similarities nila ni Lu XiaoYu ng play. Simple pero sobrang lakas ng dating.

Ang cute talaga noong gesture na 'yon, diba Baby Ace?” tanong niya sa akin pagkatapos. Inaayos na rin niya ang gamit niya. Ngumiti ako sa kanya.

Oo. Bagay na bagay nga sa'yo eh,” tipid na sagot ko sa kanya. Ngumiti lang ulit siya sa akin. Kapagkuwan ay lumapit sa amin si Leslie. Oh shoot! Ang bubwit! Nalimutan ko na siya.

Twisted Happiness (Sanlie, #1)Where stories live. Discover now