#Dreamers(SIMPLE US)

5.6K 72 4
                                    

"Ang tahimik mo ata?" Tanong ni rose ann.

Tiningnan ko sya saglit "Tahimik naman talaga ako diba?!" ako.

"Di kaya! Alam mo namang sating tatlo ikaw ang pinakamagulo, maingay at pinakamadaldal!" Sagot nito na ikinanguso ko.

"Mas magulo, maingay at mas madaldal kaya si kyna kesa sakin!" Nakabusangot na sabi ko, Napatingin naman samin si kyna.

"Bat pati ako nadamay?" Sabat nito.

"Ewan ko dito kay llian" si rose ann. Habang nakaturo sakin.

Pabiro akong umirap "Ewan ko rin sayo!"

"Manahimik nga muna kayo!" kyna. Habang kinakalikot ang tablet nya.

Anu kayang pinagkakaabalahan nito? "Anu ba yang ginagawa mo?" Tanong ko.

Tumingin ito samin saka iniharap ang tablet nya "It's confirmed llian......." Sabi nito.

Nakatitig lang ako sa screen ng tablet nya, Inaasahan ko naman ito diba? Pero bakit ang sakit pa rin?! Si nicole at Austin Sila na talaga! Inamin na nila sa media! At naghalikan pa sila! Yun ang pinakita sakin ni kyna.

"Llian bebs!!"

"Llian! San ka pupunta?"

Tinatawag nila ako pero diko na sila nagawang lingunin, Ayokong makita nila 'tong itsura! Nakakaawa ako! Para akong bata na inagawan ng lollipop at umiyak! Ang hina hina ko.

Yumuko ako at pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko, Para akong naglalakad sa madilim na lugar kung saan wala nakong pag asang makahanap pa ng ilaw! Ang dilim dilim na ng mundo ko ngayun!

Hinintay ko sya! Hinintay ko syang bumalik! Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na Wala na pala akong hinihintay ! Ganun ko sya kamahal!

Boogsh!

Muntik na kong ma out of balance ng may nakabangga ako, Diko agad sya napansin dahil sa panlalabo ng mga mata ko, buti nalang nahawakan nya ko sa baywang kaya di ako tuluyang bumagsak sa sahig.

"S...Sorry" Nahihiyang sabi ko.

Naku Naman!! di kasi ako nag iingat eh!

"Ayos ka lang ba llian?...." Napatingin ako sakanya ng banggitin nya ang pangalan ko, Kilala nya ko?

Napanganga at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko sya "Jerome?" Gulat pa ring bulalas ko.

"Oh?bat parang gulat na gulat ka?" Natatawang sabi nito.

Sumimangot ako saka ko sya pinalo sa braso "Loko ka! Di ka man lang nagpasabi na ngayun ang punta mo dito! Nabigla tuloy ako!"

Tumawa ito "Balak ko po kasing sorpresahin ka!" Sabi nito sabay pisil sa ilong ko.

Hinawi ko naman agad ang kamay nya "Wag mo ngang pisilin 'tong ilong ko!" Reklamo ko na tinawanan nya lang.

"Ang cute mo talaga!" Loko talaga to! "Tara?" Inakbayan ako nito at hinila sa kung saan.

"Sandali nga?! San naman tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Sa principal's office" Nakangiting sabi nito.

"Anu namang gagawin natin dun?"

"Kukunin ang sched. Ko" Napahinto ako at lalong nagulat sa sinabi nya.

"Sched.?! What?!" Teka! Nabingin ata ako.

Umirap ito "Don't be stupid ok?! Dito na ko mag aaral mula ngayun!" sabi nito.

What the hell!!!

"No! You're NOT!!" Tutol ko.

"And why not?! Iyo ba tong school?!"

"Basta!" Nagcross arm ako "Panu ang farm nyo?Ang lola mo sa probinsya?" Tanong ko.

Nagkibit balikat sya "Andun si mang nick para asikasuhin ang farm at aling marie para asikasuhin si lola! And Don't worry maayos ang lahat bago ako umalis dun!" Ngiting sabi nito.

Bumuntong hininga nalang ako...Wala na naman akong magagawa! Andito na rin naman sya eh.

"Bat ka pala umiiyak kanina? May nanakit ba sayo?" Alalang tanong nito.

Oo! May nanakit sakin! Nasaktan ako dahil nagmahal ako!

Umiwas nalang ako ng tingin, Ayoko munang pag usapan ang tungkol dun! "Ito na ang principal's office! Pasok kana" Sabi ko sabay tulak sakanya sa pinto.

Humarap sya sakin "Panu ka? Samahan mo nalang ako sa loob" Pakiusap nito.

Umiling iling ako "Di na! Hihintayin nalang kita dito" Sabi ko.

Aapila pa sana sya ng itulak ko sya sa papasok sa loob, Ang kulit talaga nito! Haay.....

Sumandal ako sa pader malapit sa pinto at tumingin sa langit, Pareho lang naman kami ng langit na tinitingnan diba? Pero bakit pakiramdam ko magkaibang magkaiba kami?

Napabuntong hininga ulit ako saka yumuko, Ang tanga tanga ko!! Pinakawalan ko pa kasi sya nung mga panahong halos magmakaawa na sya para lang mahalin ko.

Kung di sana kami iniwan ni papa, Sana di ako nawalan ng pag asa sa LOVE, Sana Di ako natakot noon na mahalin rin si Austin.

Siguro masaya na kami ngayun!

Kinapa ko sa bulsa ng skirt ko ang C.P ko ng maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

Kyna bebs calling.......

Iniwan ko nga pala yung dalawa kanina, Sigurado ako nag aalala na ang mga to.

*Hello bebs?......* Bungad ko sakanila.

*BEBS!!!*

*San ka bebs??!!*

*Bebs? Ayos kalang?*

*Bebs?*

*Bebs!! Magsalita ka naman!!*

Napairap lang ako sa kawalan *Teka nga!! Pwede isa isa lang?! Di kasi ako makasingit sainyo!!*

*Opss sorry.....* Rinig kong sabi ni rose ann.

*San ka ba kasi nagpunta? Nag aalala kaya kami dito!" May pagkairitang sabi ni kyna.

*Sorry na po....* Ako *Ikukwento ko nalang sainyo later ok?* Dagdag ko.

"Ok bebs bye!* Sabi ng dalawa before they hanged up.

Ang iksi ng convo. Namin diba? Haha ganyan kami kaclose ng mga bebs ko! Hehe

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now