#Dreamers (NAKAKAASAR)

1.5K 22 0
                                    

Sumimangot ako at Umirap, Naiinis na ko na natutuwa sa pang aasar nya sakin.....Hanggang ngayun kasi di nya pa nakakalimutan ang kahihiyang ginawa ko sa kwarto nya.

Kasalanan ko bang naexcite ako sa biglaan nyang pagdating? Diko naman alam na halos hubo't hubad na sya nun....Kainis!

Tinusok tusok nya ko sa tagiliran saka humagalpak ng tawa "Halika na kasi llianizza....Bihisan muna ako!" Panunukso nya pa na lalong nagpapula sa pisngi ko.

Nagtakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan "Argh! Langyang buhay pag ibig 'to!" Nakabusangot kong sigaw sakanya.

Pilit kong hinuhuli ang kamay nya, Tulad ng pagpipilit ko rin sa sarili ko na wag humalakhak.....Matalinong superstar! Alam na alam nya talaga kung saan ang kahinaan.

"I love you too!" Natatawang sagot nya sa sigaw ko.

"Hmmmp! Tigil Tigilan mo muna ako Austin! Masasapok kana talaga sakin!" Inis na banta ko.

Tumigil na sya sa pagkikiliti sakin ng makita nya ang nakabusangot kong mukha....Nakakabanas sya na nakakainlove sh*t! "Ang cute naman ng baby ko" Malambing na sabi nya habang niyayakap ako patalikod, Nakaupo kami ngayun sa harap ng swimming pool nila dito sa loob ng mansyon.

lalo akong bumusangot at nagkunot ng noo "Wag mo nga akong tawaging baby! Di ako baboy ok?!" Inis na singhal ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya ng ipatong nya ang baba nya sa balikat ko "Di ka naman talaga baboy......Kasi walang damit yun ikaw meron" Sabi nito....Ok! Maiinis na ba ako! Alam ko kasi kung anung tumatakbo sa utak nito! O baka sa utak ko lang? Ahhh sh*t! "Pero kung gusto mong magtanggal ng damit ay ayos lang basta sa harap ko at di sa ibang tao!" Sabi nito na nagpapula na naman ng pisngi ko.

Tiningnan ko sya at sinugod ang kanyang ilong "Kainis ka!" Sabi ko sabay kurot sa ilong nya.

"Aray!" Natatawang reklamo nya saka lumayo sakin.

"Tumigil ka na nga!" Iritang singhal ko na tinawanan nya lang.

"Steve!" Napahinto sya sa pagtawa at kunot noong tiningnan ang tumawag sakanya, Tiningnan ko rin kung sino yun pero nabadtrip lang ako lalo "Pwede mo ba akong samahan sa bayan ngayun?" Nakangiting tanong nito sa BOYFRIEND ko nang di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Kay mang carding nalang" Sagot ni Austin.

Sumimangot si nicole "Wala si mang carding at wala ring ibang sasakyan dito kundi ang sasakyan mo" Sabi nito.

Napataas ako ng kilay at pasimpleng tumikhim para mapansin nya ko "Sana aware ka na naaasiwa sayo ang BOYFRIEND ko! Saka bat isasama mo pa sya kung pwede ka namang maglakad mag isa" Pagsusungit ko.

"Llianizza...."Hinawakan ako ni Austin sa kamay at pasimpleng inaawat ang pagsabog ng inis ko.

"Pasensya na kung nagpapasama ako sayo Austin, Kailangan ko lang kasi talagang bumili ng gamot ni mama" Baling nya kay Austin at di pagpansin sakin.

Napairap ako "Napaka-kati talaga dito" Pagpaparinig ko na di nya pinansin pero alam kong nagpipigil nalang sya ng galit ngayun...Hmp! Bagay sayo!

tumayo si Austin kaya kumunot ang noo ko "Sige maghintay ka nalang sa kotse" Sabi nya kay nicole na nagpanganga sakin.

"WHAT THE!!" gulat na singhal ko.

"Salamat...." Nang makaalis si nicole ay saka naman nya ko hinarap at tinulungang tumayo.

Hinawi ko ang kamay nya sa braso ko "Sasamahan mo sya?!" inis na sigaw ko sakanya.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now