#Dreamers (THIS IS NOT THE END)

2.3K 26 0
                                    

Sabay naming tinatahak ni Austin ang mahabang pasilyo ng ospital, pupuntahan namin ang isang taong gusto naming magbago.

Kumatok sya ng isang beses bago nito binuksan ang pinto, naabutan naming nakikipag usap ito kaya angelo.

Ngumiti ako na mabaling samin ang paningin nila "kamusta ka na?" Nakangiting tanong ko.

"Ayos na ang pakiramdam ko"

"Mabuti naman kung ganun" pinagmasdan ko itong mabuti, kalahati ng mukha nya ay nasunog samantalang nasunog naman ang kalahati ng mga kamay nya.

"nasa labas pa ba ang mga reporter?" Tanong ni angelo.

"nasa labas pa rin sila pre" si austin na ang sumagot.

"Ibig sabihin pa nila akong guluhin"

"Hindi na nicole. Kinausap na namin ang mga guard na wag magpapasok ng kahit sinong reporters" sabi ko.

Tama. Buhay pa sya, isang napakalaking himala talaga ang nangyari. Siguro marami pa syang misyon sa buhay.

Maayos na rin kaming dalawa. Nakita ko ang unti unti nyang pagbabago kahit naguiguilty pa sya sa mga ginawa nya.

"Hmmm pwede ko bang madalaw ang puntod ni mama?" Tanong nya.

Mula nang magising sya ay mama nya na ang bukambibig nya. Talagang nadeppress sya sa nangyari muntik na ngang umabot sa punto na muntik na syang magpakamatay, buti nalang naagapan iyon ni angelo na kasalukuyang binabantayan din ang lolo nya na inatake ng blood pressure.

Napakalaking himala din ang pagkikita nang dalawa lalo na ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Si angelo siguro ang misyon nya kaya sya binuhay ng diyos.

"Sige na llian, miss na miss ko na talaga si mama" pagmamakaawa nito.

Gusto ko syang payagan pero delikado, Baka kapag nakita sya ng mga reporter ay baka magtaka ang mga ito kung bakit sunog ang kalahati ng mukha at katawan nya.

"Nicole diba nag usap na tayo tungkol dyan?" Lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi nya "Maraming reporters ang pakalat kalat sa paligid, Baka may makakita pa sayo. Konting tiis nalang, pangako kapag natapos ang operasyon mo, ako na mismo ang sasama sayo" nakaplano syang operahan sa ibang bansa bukas, Ibabalik ang dati nyang ganda. Kasabay nun ang pagbabalik ng buhay nyang muntik nang mawala.

Di alam nang mga tao na kagagawan lahat yun ni nicole at mama nya ang trahedyang nangyari sa pamilya namin. Pinalabas nalang namin yun na isang aksidente, ayaw na naming malaman pa iyon ng publiko dahil sigurado kaming magiging laman yun ng balita araw araw at mas lalo kaming mahihirapang mag move on kung ganun.

"Sana kasi sinabi nyo nalang na ako ang may kagagawan nun"

"Nicole walang may kasalanan nun ok? Aksidente lang yun" yan ang parati kong itinatatak sa isip nya. Gusto kong makalimutan nya na rin ang araw na yun. Alam kong nasaktan lang sya ng lubos kaya na nya yun nagawa.

Di na sya sumagot kaya natahimik na kami. Nagkatinginan nalang kami ni austin. Pabor sya sa desisyon ko na bigyan ng isang pagkakataon si nicole maski sila lola at parent ko ay sang ayon din.

Tok! Tok!

Napatingin kami sa pinto ng magbukas ito pagkarinig namin ng dalawang katok. Iniluwa nun sila beb kasama ang mga bf nila. Sa likod naman nila ang mama at papa ni Austin.

"Hello po tita, tito" nakipagbeso ako sakanila.

"Hello din dear" nakangiting sabi ng mama nya sakin.

Napangiti ako at sinabayan silang lumapit kay nicole.

"Kamusta kana?" Tanong ng mama ni Austin.

"Ayos lang po ako tita" pasasalamat nya "Salamat sa pagdalaw"sabi nito sakanila beb.

"Naku wala yun" Sagot ni rose ann.

"Nagdala nga pala kami ng pizza at donut!" Sabi ni kyna.

"Tamang tama kanina pa kami gutom" tuwang sabat ni angelo na ikinatawa naming lahat.

"Takaw talaga nito" Biro ni anthony.

"Sus! Para namang hindi ka rin matakaw" banat din ni mike.

Nagkatinginan sila ng masama "nagsisimula ka na naman"

"Di kaya! Tahimik ko nga dito eh"

napairap nalang ako ng magsimula na naman silang mag away, hay naku! di na talaga sila nagbago.

"mabuti pa siguro kung isama ko muna tong dalawa sa labas,bibili lang kami ng inumin" Sabi ni austin sabay hila sa kwelyo ng dalawa.

napapailing nalang kaming lahat sa mga kalokohan nila, hanggang ngayun di talaga ako makapaniwalang mga superstar sila. Napakakulit at napaka ingay tsk! Mabuti nalang at mahal ko ang isa dun hihi Austin.

"Simulan na nating tirahan tong mga dala namin para naman lalo tayong sumaya dito" excited na sabi naman ni kyna.

Pinaglabas na nilang dalawa ni beb ang mga pagkaing dala nila. Tama lang ang dami nun para saamin o baka sobra pa nga.

"Nga pala llian sasama ka ba saamin bukas para sa operasyon ni nicole?" Biglang tanong ni tito.

Napatingin ako kay nicole na nakatitig lang rin sakin. Ngumiti ako "Napag usapan na po namin yan tito. Hindi po ako makakasama sainyo pero si angelo po oo" Sinulyapan ko si angelo.

Nagkatinginan naman sila tito at tita saka nagngisian. Alam ko ang mga iniisip nila kaya napangisi nalang rin ako.

"Kapag tumibok ang puso wala ka nang magagawa kundi sundi ito--lalala*

Natawa kami nila tito at tita nang kumanta sila beb, mga loka loka talaga mana sa mga bf nila.

"A-Anu ba kayo" halata sa boses ni nicole ang hiya. Haha langya kinikilig ata ang bruha.

Napatingin ako sa namumulang mukha ni angelo. "Mainit ba angelo?" Tukso ko sakanya.

Lalo naman syang namula dahilan para lalo akong matawa, natawa na lang rin sila beb at parents ni austin samantalang nanatili namang tahimik ang dalawa.

Mukhang nahanap na talaga ang isat isa. Masaya ako para sakanila.....Alam kong masaya rin si jerome kung nasan man sya.

Nagkunwari nalang ako kumukuha ng pagkain para maitago sa masasaya nilang mga mukha ang kaunti pa ring kalungkutang namumutawi sa damdamin ko.

Marahil ay napansin yun ni nicole kaya pinakatitigan nya ko, nginitian ko lang sya. Ayokong maramdaman nya ulit ang pagkaguilty dahil sa mga nangyari.

Bumalik na rin nun sila austin kaya agad nilang naagaw ang atensyon ng lahat, may lungkot pa rin sa mga mata ko kaya marahil ay napansin din yun ni austin.

Nilapitan nya ko at tinanong kung ayos lang ba ako, Isang matipid na ngiti lang ang binigay ko sakanya. Alam kong kilala nya ko, kaya wala na rin akong dapat pang sabihin sakanya.

hinalikan nya lang ako sa noo saka ibinulong ang mga salitang lagi nyang sinasabi sakin at tanging nagpapakalma.













"Magiging maayos din ang lahat"

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now