#Dreamers (STILL LUCKY)

1.4K 26 0
                                    

Unti unti akong napamulat dahil sa sinag na araw na tumatama sa mata ko.

"Gising na sya!" Napatingin ako sa paligid ko nang marinig ko ang boses ni Jerome.

Pinalibutan nila akong lahat si Ador, Si kyna, rose ann, jerome At si Austin na nasa tabi ko na ngayun.

"Pinag alala mo kami" Bulong nya.....Si Austin.

"Oo nga beb! pinag alala mo kami"

"Anu bang nangyari sayo?"

"Sinong may gawa nito sayo"

Sunod sunod na tanong nila...Ngumiti lang ako "Ayos lang ako, Salamat sa pag aalala" Di na nila kailangang malaman pa kung ano ang nangyari sakin, Ayos lang naman ako.

"Alam mo beb ang swerte mo pa rin" Si rose ann, Napatingin ako sakanya "Kasi sabi ng doktor kung di ka daw agad nadala dito baka nalumpo ka na daw" Sabi nya na nagpakalma sakin....Akala ko tuluyan na kong mawawalang ng paa.

"Buti nalang nadala ka kagad ni Angelo dito" Sabat ni kyna.

Si angelo nga pala, Bat wala sya dito "Nasan sya?" Tanong ko.

"Bumaba lang sandali para bumili ng makakain" Si ador na ang sumagot.

"Im sorry wala ako dun" Napatingin ako kay Austin ng magsalita sya sa tabi ko.

Ngumiti ako "Ayos lang....Di naman malala 'tong nangyari sakin" Sagot ko.

"Di malala? Muntik ka na daw malumpo llian! Alam mo ba yun?!!" Biglang sabat ni Ador na nagpapikit sakin, Alam ko naman yun.... "Kasalanan mo to franco! Nung una muntik na syang malumpo dahil sa paghabol nya sayo noon sa Airport! Ngayun naman muntik na naman syang malumpo na alam kong dahil sayo din!" Sabi nito na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Di alam ni Austin na hinabol ko sya noon sa Airport at lalong di nya alam na naaksidente ako dahil dun.

"Anung sinasabi mo?" Galit pero naguguluhan tanong ni Austin.

Napatingin ako sa tatlo para humingi ng saklolo, Di ko kayang makipag usap sa dalawang taong nag uusok na ngayun sa galit.

"Mabuti pa pre, Lumabas muna tayo" Sabi ni ador kay jerome.

"Oo nga jerome hayaan na muna natin na makapag usap yung dalawa" Sabat ni kyna.

"Mabuti nga sigurong lumabas muna ako bago pa ko makagawa ng kasalanan dito!"

Tiningnan muna nang masama ni jerome si Austin bago lumabas ng padabog, Agad namang sumunod sila beb at ador sakanya.

"Anung sinasabi nya? Anung naaksidente ka daw noon dahil sakin?" Tanong nya agad pagkalabas nung tatlo.

Nag iwas ako nang tingin "Narinig mo naman diba?  Di ko na kailangang ulitin pa" Past na rin naman yun di ko na dapat inuungkat pa.

"Gusto ko pa rin yung manggaling sayo" Giit nito.

Napabuntong hininga ako "Pinuntahan kita Nung araw na umalis ka, Sinubukan kitang abutan pero nabigo ako...Nakaalis kana pagdating ko nang airport ang mama at papa mo nalang ang naabutan ko kaya umalis na rin ako kagad pero nang pauwi nako dun ako naaksidente" Paliwanag ko "Wala kang kasalanan sa nangyari, Kasalanan ko yun" Sobrang bata ko pa nun para magmaneho, Ninakaw ko lang nga yun sa garahe namin para makaalis ako.

Tiningnan ko sya pero nakayuko lang sya habang may mga luhang walang tigil na tumutulo sa mga mata nya "T-Tapos ngayun?...." Nakaramdam ako nang awa sakanya nang mag angat sya nang tingin para tingnan ako "S-Sinong may g-gawa nito s-sayo?" Napakagat labi ako, Kailangan pa ba nyang malaman? Baka lalo lang nyang sisihin ang sarili nya sa nangyari "Sino L-Llianizza?!" Sabi nito in a soft voice.

Napabuntong hininga ako "Kakauwi ko l-lang nung maabutan ko si n-nicole at m-mama nya" Napakuyom sya nang mga kamao kaya napahinto ako....Galit sya! alam ko galit na galit sya ngayun "A-Ayos lang ako A-Austin...." Ayokong nakikita syang ganito! yung parang sinisisi nya lahat sa sarili nya....Kasalanan ko rin naman kasi di ako lumaban, Naging mahina na naman ako.

"No! you're not ok!" Pasigaw na sabi nito "Tingnan mo yang ginawa nya sayo!....That bitch! She will pay for this!" Tumayo sya kaya nataranta ako, Baka anung gawin nya...Natatakot ako na baka masama ang puntahan ng galit nya.

"Austin wag...." Pigil ko sakanya saka ako umiling iling "D-Dito ka lang sa tabi ko.....Please" Hindi naman malala ang nangyari sakin, kaya di nya na kailangan sugurin pa ang mag inang yun "W-Wag mo kong i-iwan...." Mas mapapanatag ko kung nandito lang sya sa tabi ko.

Napabuntong hininga lang sya saka ulit bumalik sa pagkakaupo "Hindi nya dapat ginawa 'to sayo! Di ka dapat nya sinaktan" May galit pa ring sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko "Im sorry....Di kita napagtanggol" Malungkot na dagdag nya.

Ngumiti ako "Ayos lang....Basta dito ka lang sa tabi ko sapat na yun sakin" Kahit nangyari ito sakin, Maswerte pa rin ako dahil nandito sya sa tabi ko....Isa sya sa mga taong sigurado akong hindi ako iiwan.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko saka ito hinalikan "Dito lang ako....I promise" Naluluhang bulong nya.

Ang swerte nang babaeng iniiyakan ng lalaki, Katulad ko ang swerte ko dahil umiiyak ang lalaking mahal ko......Pero di dahil sa sakit kundi dahil sa pag aalala.

---****---

Pangalawang araw ko na dito sa ospital, Di naman ako nabobored dahil halos lahat sila nandito para samahan ko....Hindi na rin nga sila pumasok tulad ko.

Ang sweet nila noh? pero minsan naiisip ko na kaya siguro sila nandito para magkaroon lang nang dahilan para di makapasok haha Talino talaga nila kung ganun hahaJoke.

"Gusto mo bang kumain?" Tanong ni angelo na kanina pa nakaupo sa tabi ko.

Ngumiti ako saka umiling iling "Di na...Salamat" Sabi ko.

Tumango nalang sya, Nakakatuwa dahil sya na nga ang nagdala sakin dito, nandito pa sya para dalawin at alagaan ako....Ang bait nya diba.

"Anu ba jerome!ang daya mo naman eh!"

"Di kaya!"

"maglaro ka nga ng matino!"

"Kainis 'to!"

Napatingin kami sa apat na nagtatalo na ngayun, Naglalaro kasi sila ng snake and ladder (Childish sila kaya ganyan ang mga larong trip nilaxD) At itong jerome naman ay ilang beses nang naghahagis ng dice...kaya tuloy nauuna sya sa iba.

Napatingin ako kay Angelo (Sir angelo lusterio) Natatawa itong nakatingin sa apat, May pagkachildish din naman 'to minsan "Bat di ka sumali sakanila?" Tanong ko.

Nakangiti itong napaharap sakin "Ayoko nang makigulo sa mga yun" Natatawang sabi nya.

Natawa na rin ako saka napatingin sa paa kong nakataas pa rin hanggang ngayun, Kanina ko pa sinusubukang tumayo pero diko talaga kaya....Nahihirapan ako "Sinabi naman kasi sayo na ingatan mo yang paa mo, Dimo tuloy magamit ngayun" Sabi nya.

Napatingin ulit ako sakanya "Iniingatan ko naman eh, kaya lang lapitin talaga ako ng disgrasya" Nakangiting sabi ko.

"Bat kasi iniiwan iwan ka pa ng Austin na yun!" Inis na sabi nya...Speaking of Austin, May pictorial nga pala sya ngayun kaya wala sya dito.

"Alam mo namang busy sya diba?" Pagtatanggol ko kay Austin.

Nagtaas sya nang isang kilay "Tsk! showbiz nga naman" Umiiling iling na sabi nya.

Ngumiti lang ako, Sandaling panahon nalang naman ang hihintayin ko, Sabi ni Austin Next year na daw matatapos ang kontrata nya at pagkatapos daw nun ay di na sya pipirma pa nang panibago.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now