#Dreamers (TOUR GUIDE)

2.3K 35 1
                                    

"Gamitin nyo nalang itong payong ko" Alok ni ador sakanila.

"Talaga?! Naku! Salamat ha? You are so mabait talaga" Ngayun malandi na naman ang attitude na pinapakita nya, Grabe!! Unti unting lumalabas ang mababaho nyang ugali.

"Salamat pre, pero panu kayo?" Tanong ni Austin.

Tumingin ako sakanya, Malas! Nakatingin na naman sya sakin....Inirapan ko nga! Kala nya ha?! Pagkatapos nya kong sagutin ng I dont know Sarap lang nyang upakan.

"May payong si llian....Share nalang kami" Sagot ni ador.

Sinamaan ko sya ng tingin "At sinong nagsabi mr. dizon?" Pataray na sabi ko.

Ngumisi sya "Ako! Dimo narinig? Saka payong lang pagdadamot mo pa?" sabi nito.

"Tsk! Watever!" Inis na sagot ko sakanya.

"Alam mo kanina ko pa napapansin na parang ayaw mo kaming samahan" nicole. Painosente 'to! Halatang halata naman sa kilos ko diba?

"Alam mo naman pala eh! Edi mag tour kayo mag isa" Nakakairita!! Hindi ko naman pinangarap maging tour guide ng mga yan! Ni ayoko nga munang makasama sila O makita man lang.

"Llian" Pagbabawal ni Ador.

Tumingin ako sakanya saka ko inihagis ang nakapulupot ko pang payong "Mr. President pwede ba bago ka umo-o, Tanungin mo muna ako kung ayos lang ba sakin! Di yung nagdedecide ka na lang mag isa" Inis na sabi ko sakanya.

Tumalikod na ko sakanila at sinuong ang mainit na sikat ng araw, Bwisit kasi eh!! Nagagawa ko yung bawal dahil sakanila.

"Sorry...." Rinig kong bulong nya.

Agad nya kong pinayungan ng mahabol nya ko, Matutuwa na sana ako eh kaya lang nakakita ako ng pangit na view.

Si Austin yung may hawak ng payong samantalang nakakapit naman na parang tuko si nicole sakanya....sweeet nila noh ? Sarap paghiwalayin!

"Uy! Sorry na...." Pangungulit ulit nya.

Diko sya tiningnan, baka lalo lang akong mainis "Oo na!" Bulong ko sakanya.

Bwisit pa rin ako!pero di pwedeng dalhin dalhin ko yun hanggang sa pagchecheck ko nang facilities.

Huminto kami sa pangalawang studio, May tao sa loob kaya kumatok muna kami.

"Magchecheck lang ako ng studio" Sabi ko.

Dalawa lang silang nandito, Si ricardo at sherwin, Kilala ko sila dahil ilang beses ko na rin silang nakasamang magperform.

"Aba! Aba! Andito si pandak" Pang aasar ni ricardo.

Tiningnan ko sya ng masama, Aba! Lakas ng loob nyang mang asar ah!

"Uy! Tigilan mo nga sya" Pagbabawal naman ni sherwin "Musta llian? Long time no see" Nakangiting sabi nito.

"Ayos lang" Sagot ko saka ako tumingin sa likod "May mga kasama ako, Kayo na muna bahala sakanila" Sabi ko saka na ko nagsimulang magcheck.

"Ito ang pangalawang studio blah blah blah blah blah......"

Nagconcentrate lang ako sa ginagawa ko, Alam kong nakatitig sya sakin, Nakikita ko sya sa peripheral vision ko.....Di dapat ako magpaapekto dun....Tingin lang yun di ako mapapatumba nun.

Haaaay....Pero aminin ko man O hindi naaapektuhan talaga ako sa presensya nya, Mahal ko eh at Kahit nasaktan ako mahal ko pa rin sya.

Bumalik na ko sakanila pagkatapos ko "Tapos kana?" Tanong ni Ador.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now