#Dreamers (STRESS OUT)

1.4K 27 0
                                    

Pagluluto ang nag aalis ng stress kay mama, kaya siguro parati syang nasa kusina at nagluluto ng kahit ano.

Alam kong sa simula't sapol stress na stress na si mama dahil kay papa at sa mga problemang dinala nya samin.

"Reyna talaga ng kusina yang nanay mo" bulong ni ninong sakin habang nakatingin kay mama.

Ngumiti ako "At ako ang prinsesa"  sabi ko na nagpahalakhak sakanya.

"O sige mahal na prinsesa, magbalat ka na nang bawang at sibuyas" natatawang Sabat ni mama.

Napakamot ako nang ulo, narinig nya pala ang sinabi ko haha "Opo mahal na reyna" Walang nagawang sabi ko.

"Ako nalang ang magdidikdik ng bawang" Excited na prisinta ni ninong.

Napatingin ako sakanya saka natawa "Wow! Hirap nun ah" biro ko.

Natawa lang rin sya at nagkamot ng batok "Yun lang ang alam kong gawin e"

"Tumigil na nga muna kayong dalawa, Tulungan nyo muna ako dito" Sita samin ni mama....Basta talaga pagluluto napaseryoso nya.

"Yes maam!" Sagot nito sabay saludo kay mama.

Natawa ako "Under" Natatawang bulong ko.

"Kung sa mama mo lang naman ako maa-under, why not di ba?" Ganting bulong nito.

Napahinto ako sa pagbabalat ng sibuyas saka ko sya matamang tiningnan "Gusto mo ang mama ko?" Seryosong tanong ko.

Napangiti sya....yung masayang ngiti "Matagal na llian at alam yun ng papa mo kaya nasuntok nya ko kanina" Paliwanag nya...Tumingin sya sakin saka yumuko "Sana di ka rin galit sakin, Malinis naman ang intensyon ko sa mama mo" Sabi nito saka ulit tumingin kay mama na nakatalikod saamin ngayun.

Nagkibit balikat ako "Natatakot na kong masaktan ulit si mama ninong, At kung dimo mamasamain pwede bang wag muna ngayun...." Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila mama at papa, Di ko alam kung handa na bang magmahal si mama ulit.

Hindi na ulit nagsalita si ninong kaya natahimik na kami, alam kong nagtaka si mama dahil nawala ang mga maiingay na hagikgikan namin pero binalewala nya nalang yun.

---***---

"Ang sarap talaga ng luto mo leticia" puri ni lola cristy kay mama.

"Anu ka ba cristy baka nakakalimutan mong reyna ng kusina itong si leticia natin" Papuri rin ni lola aneth.

Natatawa namang napailing si mama
"Hay naku...Binobola na naman nila ako" Nakangiting sabi nito.

"Aba! Hindi marunong magsinungaling ang matatanda leticia" Si lolo cristy habang takam na takam sa mga pagkain sa harap nya "Para tuloy akong di nabubusog sa sobrang sarap ng luto mo" Bola ulit ni lola.

"Wala po kasi kayong choice kundi kainin tong niluto ko kaya nyo yan nasasabi" Nakangusong sabi ni mama.

Natawa kami, nagiging isip bata na naman ang mama ko haha ang cute nya pa naman kapag umaakto syang ganun.

"Ang alat ng kare kare!"

Natahimik kami at tumingin sa tatlo na mukhang mas bitter pa sa ampalaya....problema nila? Di naman namin sila inaano ah.

"Oo nga napakaalat" Komento din ni nicole.

Napairap ako, nakikikain na nga lang sila aarte pa! "Ha? Hindi naman ah!" Inosenteng sabat ni ninong....Nga pala Michael (Mike) Martinez ang pangalan nya, diko pala sya naipakilala sainyo dahil sa dami naming problema.

Umismid ako at tinikman ang kare kare ni mama "Oo nga ang alat..." Tumatangong komento ko, halata namang nagulat ang lahat sa sinabi ko....Alam kong di yun ang inaasahan nilang marinig mula sakin pero....."Ang alat alat nyo! Mga bitter!" Pairap na sabi ko.

Halos mabulunan naman si mama sa sinabi ko "Llian nasa hapag tayo" paalala nya.

ibinaba ko na ang tinidor at kutsara ko "Im sorry ma..." Diko kasi mapigilang di patulan ang pag iinarte nila "Nakalimutan ko na hindi pala dapat ako bumaba sa mga level nila" Nakangising sabi ko.

Namula naman sila sa galit pero binalewala ko lang yun....Nagpatay malisya lang ako hanggang sa di makapag timpi sa galit si nicole "You slut" Nanggagaliiting sabi nito sakin.

Pinaningkitan ko sya "Hey! Young lady! Hindi ko pinalaking ganun ang anak ko" Sabat ni mama.

Sumabat naman ang mama nya "Paano ka naman nakakasigurado dun?! Malay mo palihim lang syang naglalandi at nagsusulot ng boyfriend ng may boyfriend! Like what she did to my daughter---"

"ENOUGH!" Isang malaking sigaw at maawtoridad na boses ang nagpahinto sa pagtatalo namin "Hindi na ninyo ginalang ang pagkain!" sabi nito na nagpataas ng kilay ko....Wtf! Galang? San naman nya napulot yun, sana inaply nya yun sa relasyon nila ni mama noon at ngayun  "Nicole at sally umakyat na kayo sa kwarto nyo!" Utos nya sa dalawa.

"But---" Tututol palang sana silang dalawa nang tingnan nya ito ng masama.

"I SAID GO TO YOUR F*CKING ROOM! Sigaw ulit nito na talagang nagpataas ng balahibo ko.

Langya! Nakakatakot pa rin pala sya kapag natyempuhan mo ang galit nya.

"FINE!" Tiningnan muna ako ng masama ni nicole bago ito padabog na umalis, sumunod naman ang walang imik imik at galit na nanay nya.

Natahimik kaming lahat pagkaalis nung dalawa, Nakakabingi ang sobrang katahimikan buti nalang at tumayo si ninong mike at nagpaalam na magpapahangin muna sya.

Nakahinga ako nang maluwag nang magsalita si pa-mr. Guevarra "I want to talk to my family"Sabi nito.

"Edi sundan mo yung dalawa sa kwarto nila" pagtataray ni mama.

"Kayong dalawa ang gusto kong kausap di sila" Sagot nito.

Palipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa, samantalang natahimik naman ang kanina pang tahimik na sila lola.

"WOW! Pamilya pala tingin mo samin! Akala ko kasi basura nalang kami para sayo na pwede mong itapon nalang basta basta!" Sabi ni mama with full of emotions.

Nag iwas ng tingin si papa "Hindi ako pipirma ng annulment! Dahil Gusto kong sainyo mapunta lahat ng pinaghirapan ko....si llian lang ang gusto kong humawak sa mga negosyo ko" Seryosong sabi nito.

Kumunot ano noo ko....Bat nya ba talaga to sinasabi?! "Di namin kailangan yang pesteng kayamanan mo! Ibigay mo nalang yan sa kabit mo at sa anak nyang maitim din ang budhi" Nanggagaliiti sa galit na sabi ni mama.

Hindi sya sumagot...Natahimik na naman kami hanggang sa lumapit si jenny kela lola "Oras na po ng pagtulog nyo lolas" Nakangiting sabi nito.

Tinanguan ko lang sya ng tumingin sa pwesto ko "Mas mabuti ngang matulog na kayo lola" Sabi ko.

Nagtanguan lang sila at tahimik na nagsialisan, Haaay....Kami kami nalang ngayun at pakiramdam ko napakasikip na ng mundo para samin.

"Yun ang desisyon ko....Im sorry"  Napatingin ako sakanya ng bigla bigla syang tumayo "Whether you like it or not" Sabi nito bago kami iniwang nakanganga doon.

"Ano namang pakulo ito ma?" Nagugulahang tanong ko.

Napabuntong hininga sya "I dont know llian...."sagot nito.

Napabuntong hininga nalang rin ako saka ko na tinapos ang pagkain ko.

Kung ano mang plano nya...I hope makakabuti ito samin cause after all kami pa RIN ang legal nyang pamilya.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon