#Dreamers (FIESTA O DELUBYO)

1.3K 22 0
                                    

8 pm nagsimula ang party at Tulad ng nakagawian may disco kaming inayos kanina sa malaking kwarto sa first floor. Kami nila beb at boys ang inatasang Iorganize ang nasabing disco.

"Sayaw tayo?" Yaya ni Austin sakin.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya para marinig nya ko, malakas kasi ang music dito "Mamaya nalang Austin masakit na kasi ang paa ko"

"Gusto mo na bang magpahinga? Gusto mo ihatid na kita sa kwarto mo?" nag aalalang tanong nya.

Napangiti ako at umiling iling "Hindi na! Nakakahiya naman sa bisita kong iiwan natin sila dito saka konting pahinga nalang naman 'to at mawawala na rin yung sakit"

"Sigurado ka?"

"Yeah Im fine" paninigurado ko.

Tumango naman sya saka ako inakbayan, Napangiti nalang ako at hinanap sila beb, nagsasaya sila habang nakikipagflirt naman si jerome sa mga babae....tsk! Dumadamoves ang bestfriend ko.

"Austin?.." bulong ko sakanya.

Tiningnan naman nya ako kagad "bakit?" Tanong nya.

"Nagugutom ako" sabi ko.

"O sige ikukuha kita basta wag kang aalis dito maliwanag?"

"Opo master...."

Tumayo na sya at nakipagsiksikan sa mga nagsasayawan para ikuha ako ng makakain. Kinawayan ko sila beb at jerome nang tingnan nila ako.

Niyaya nila akong sumama sakanila pero tumanggi ako at sinabing masakit ang paa ko, Tumango naman sila saka ulit nagpatuloy sa pagsasayaw.

"Excuse me ma'am?" Napatingin ako sa gilid ko nang kumalabit sakin.

Si mang teddy lang pala, sya ang security guard dito sa mansyon. Mabait ito at masayahin kaya nga siguro sya nagtagal sa trabaho dito.

"Bakit po?"

"Hmm may naghahanap po sainyo sa labas"

Kumunot ang noo ko, sino naman kaya ang maghahanap sakin? Napatingin ulit ako sa dance floor, ang tanging wala lang naman dito ay sila lola, mama, si nicole at mama nya pati na rin si mr. guevar-papa.

"Sino po manong?"

"Ayaw pong magpakilala ma'am"

"Ganun po ba?"

Tiningnan ko ang dinaanan ni austin at nagbabakasakaling baka bumalik na sya pero di sya mahagilap ng mga mata ko.

bumuntong hininga muna ako bago tumayo at sumama kay manong sa labas, Di naman siguro magagalit si austin.

"Asan po ang naghahanap sakin manong?"

"Nasa labas po"

Tumango ako, At sumunod sakanya. Nagtataka akong napatingin kay manong nang hindi kami dumaan sa garden sa tutuusin mas mabilis pa nga kung doon kami dadaan.

"Bat di nalang po tayo dumaan sa garden manong?"

"Baka po kasi madistract ang mga tao doon"

Napatango ako. nasa garden sila mama, sinasamahan ang mga bisita namin na mga matatanda at walang mga hilig sa disco.

Nasa gate na kami nang huminto si manong at tiningnan ako na para bang humihingi ng tawad.

"Sorry po ma'am diko po sinasadya"

Sabi nito na lubos kong pinagtaka. Magsasalita sana ako nang may maramdaman akong kamay sa braso ko at may tumakip ng panyo sa ilong at bibig ko.

Nakaramdam ako ng pagkahilo nang mga sandaling yun, alam kong sandali na lang makakatulog na ko.

"Patawad po ma'am"

"Dalhin nyo na yan"

"Hoy! Wag kang magkakamaling magsumbong dahil pwedeng pwede naming patayin ang anak mo"

Yan nalang ang mga huling salitang narinig ko before everything went black.

Ito na ba ang katapusan ko? Sa tingin ko hindi ito fiesta kundi isang delubyo. kung sinunod ko lang si Austin di siguro ito mangyayari sakin.



Steve Austin Franco POV

Pumili na ko ng kakainin ni llianizza ng makaalis na si nicole, Oo kausap ko sya kaya natagalan ako. Ayaw nya kasi akong tigilan at pinipilit nya akong makipagbalikan sakanya pero di ako pumayag.

Mahal na mahal ko si llianizza at di ako makakapayag na saktan ko sya ulit, sya na ang buhay ko ngayun at alam kong di ako mabubuhay ng wala sya.


"NASUSUNOG ANG TUBOHAN!"

"NASUSUNOG ANG TUBOHAN!"

"NASUSUNOG ANG TUBOHAN!"


Naagaw ng mga sumisigaw ang atensyon ko, pati ang music at mga nagsasayang tao ay tumigil din dahil sa isang sigaw. Paulit ulit na sigaw.

Nakita ko ang mga nag aalalang mukha ng mga magsasaka namin, Pinaghirapan nila na itanim yun kaya paniguradong magagalit sila.

Pero anung nangyari?

Nandito naman lahat ng tao? Paano yun masusunog?.

Sa gitna ng aking pag iisip ay biglang pumasok sa isip ko si llianizza.

Sh*t!

Nabagsak ko ang pinggan na hawak ko dahilan para maagaw ko ang mga atensyon nila pero diko na yun nagawang punahin pa dahil sa kabang namumuo sa dibdib ko.

"Pre bakit?" Salubong nila jerome pero di ko sila pinansin sa halip ay nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at nagmamadaling pinuntahan ang table na pinag iwanan ko sakanya.

"Sh*t!"

Di ko na mabilang kung ilang mura ang lumabas sa bibig ko nang makita kong wala sya. F*ck! Asan sya? Llianizza nasan ka?

diko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, Ito na ba? MangyaYari na ba ang kinatatakutan ko?

"Steve anung nangyayari? Asan si llian?"

Napailing ako, pati sila ay nag aalala na rin. Napatingin ako kay jerome, at tinanguan sya bago ako patakbong lumabas ng kwarto. Di ako makakapayag na may mangyaring masama sakanya.

Paglabas ko mga nag aalalang mukha nila lola, mama at papa ni llianizza ang bumungad sakin.

"Steve nasusunog daw ang tubuhan ngayun, nasaan si llian?"

Bumalik ulit ang kabang namuo sa dibdib ko kanina lang dahil sa tanong ng mama nya.

Nag aalalang napatingin ako sa papa nya "don't tell me--"

"---I'm sorry  sir"

Napamura din ito, At tumakbo palabas. Sumunod ako pati ang mama ni llian kahit wala syang maintindihan.

unti unti nang nilalamon ng apoy ang tubuhan, nilapitan ko sila anthony na nandito na rin pala.

"pumasok si jerome sa loob pre"

"steve nasa loob si llian at jerome"

"Tulungan mo sila"

Lalo akong kinabahan nang makita kong umiiyak na si rose ann at kyna. Di nga ako nagkamali, ang tanga tanga ko sana diko nalang kinausap ng matagal si nicole. Sh*t alam kong pinlano nya ito.

Walang sabi sabi ay tumakbo din ako papasok ng tabuhan, di ako papayag na may manakit sakanya. Babawiin ko sya sa mga hayop na yun.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt