#Dreamers (AM I HAPPY?)

4.6K 59 1
                                    

"So? Seryoso kana talaga na dito kana mag aaral?" Tanong ni kyna kay jerome.

Natawa naman ang loko "Oo nga! Ang kulit nyo...."Natatawang sabi nito.

"Naninigurado lang! Baka mamaya isa na naman to sa nga nakakaasar mong jokes!" Kyna.

"Grabe ka naman!" Sagot ni jerome.

"Panu nga pala yung farm nyo jerome?" Tanong din ni rose ann.

"Si mang nick muna ang mag aasikaso dun" sagot nito.

"Eh? Ang lola mo?"Tanong nya ulit.

"Ibinilin ko muna sya kay aling marie" Sagot ulit nya.

Magtatanong pa sana sila ng sumabat ako "Anu to pageant? Question and answer lang ang pegg?!!" SarKastikong sabi ko "Tigilan nyo nga muna si jerome! Kararating lang nang tao eh! Dagdag ko pa.

"Sorry naman, Nakakabigla naman kasi tong si jerome eh! Akalain mo ba namang sinundan ka pa hanggang dito sa maynila" Si rose ann, Pinanlakihan ko lang sya ng mata.

"Bebs! Pumunta si jerome dito para mag aral ok?! Di para sakin" Adik talaga to.

"Para sayo kaya bebs!!" Sabat naman ni kyna sabay tingin kay jerome "Diba jerome?!" Napailing nalang ako.

"Mga sira talaga kayo!" Sabi ko nalang.

Tiningnan ko si jerome ng mapansin ko ang pananahimik nito, Tinaasan ko sya ng kilay ng mapansin ko ang pamumula ng magkabilaang pisngi nya.

Aba! Nagbablush ang loko.....Bwahaha

"Ayieeee namumula si jerome!" tukso ng dalawa.

Di nalang ako umimik, Mga kalokohan talaga ng dalawang 'to!

"So totoo ngang sinundan mo dito si llian bebs?" Tukso ni kyna "Ayieee aminin mo na" sabi nito na sinabayan pa ng napakalakas na tawa ni rose ann.

"H-Hindi ah!" Namumulang pagtanggi nito "T-Tigilan nyo n-nga ako....." Diko na napigilan ang hindi mapasabay sa tawanan ng dalawa, Nakakatawa kasi ang itsura ni jerome haha para syang bakla! Na may blush on.

"Tama na nga mga bebs!" Natatawang sabi ko.

"Tsk! Pinagti-tripan nyo na naman ako...... " Sumimangot naman sya saka agad tumayo "Dyan na nga kayo! Bibili muna ako ng makakain natin!" Nakasimangot pa rin na sabi nito sabay alis.

"Pikon!" Sigaw ni kyna.

"Shhh....Anu ka ba nasa canteen tayo! Wala ka sa bundok! Bawal ang sumigaw dito" Pagbabawal ni rose ann.

"Kayong dalawa ha?! Pinagti-tripan nyo na naman yung tao!" Sermon ko sakanila.

"Tinatanung lang naman namin bebs...." Nakasimangot na sabi ni rose ann.

Umiling iling nalang ako, Ang kukulit talaga ng dalawang 'to!

"Hmm beb? Alam kong ayaw mong pag usapan ang tungkol kay steve pero......" Nag aalangang sabi ni kyna "N-Naisip ko....Panu kung magkita kayo? Anung gagawin mo?" Napaisip ako sa sinabi nya,Panu nga ba kung magkita kami? Nung una gusto ko syang yakapin pero ngayun.....Ewan ko nalang.

Napabuntong hininga ako "Baka tumakbo ako palayo....." Wala sa sariling sabi ko "Baka diko makayanan...." Baka diko makayanan kapag nakaharap ko sya ulit,Lalo na ngayun na may nicole na sya.

Nanahimik silang dalawa sa naging sagot ko, Di siguro nila inaasahan na sasabihin ko yun!Alam kasi ng mga ito kung gaano ko kamahal si Austin.

Maya maya pa'y bumalik na si jerome sa table namin na may dalang mga pagkain.

"Para namang andami mong pinapakain jerome" Biro ni rose ann.

"Pinapataba ko kasi tong kaibigan nyo" Nakangiting sabi nito sabay tingin sakin.

"Bakit payat ba ko?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

Tumawa lang sya at nagkibit balikat "Kain kana?" Yaya nito sakin.

"Kami jerome di mo yayain?" Sabat ni kyna.

Natawa naman kami "Sige!Kain na rin kayo....." Natatawang sabi ni jerome.

umiling iling nalang ako, At kumain na....Masamang paghintayin ang grasya.

"Gusto nyo bang magbakasyon sa hacienda namin?" Tanong nya bigla.

Napatingin ako sa kanya at napakunot noo "Kararating mo lang dito?! Gusto mo na agad umuwo?!" Sabi ko.

"Di naman sa gusto ko na agad umuwi ms. Sungit!" Umirap lang ako "Diba taon taon tuwing Agosto may fiesta sa hacienda? Hindi naman pwede na wala tayo dun" Paliwanag nya.

Oo nga pala! Tradisyon na nga pala yun doon, Hmmm Nung huling pagdalo ko nang fiesta doon nahulog ako sa putik nang matumba kami ni Nizza (Yung kabayong bigay sakin ni jerome) Napangiti ako ng maalala ko ang scenaryong yun.

"Sige! Pupunta kami" sabi ko.

"Kami?!" Sabay na sigaw ni kyna at rose ann.

"Oo kayo! Tayo!!" Madiin na sabi ko.

"Bat pati kami kasama dyan?!!" Rose ann. Tsk! Tamad lang sila kaya ayaw nila.

"Di kami pwede bebs! May mga apointment din kami" Tutol din ni rose ann.

Umirap nalang ako to the highest level Hmmp. "Bahala nga kayo! Kung ayaw nyo edi wag!" May pagtatampong sabi ko.

"Next month pa naman yun Girls, Pwede nyo pang pag isipan" Nakangiting sabat ni jerome.

"Will try....." Sagot naman ni rose ann.

Umismid lang ako at bumulong "Kj.."

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now