#Dreamers (HURT TO SEE THEM)

2.6K 40 1
                                    

Napatingin ako sa oras, 2 hours pa bago magsimula ang unang klase namin.

Natapos ko na lahat ng dapat kung gawin, Pati na rin yung iba wala na ring trabaho kaya patulog tulog nalang sila Samantalang ako kahit anung pagpikit ang gawin ko di pa rin ako madalaw dalaw ng antok.

Nakakabored! Di ako sanay ng ganito, Yung walang ginagawa! Di naman ako pwedeng lumabas dahil tirik na tirik na ang araw baka mahilo pako....Di pa kasi masyadong naghihilom ang sugat ko sa ulo.

Tiningnan ko si Ador, Buti pa sya pabasa basa lang ng kung ano anong libro.

Haaay! Boring.....

"Oh bat ganyan itsura mo?" Takang tanong nya ng mapansin nya sigurong parang Down-to-earth ang mukha ko.

"*Sigh* Nakakabored kasi" Sagot ko.

"Tapos mo na bang Ireview ang mga binigay ko sayo?" Tanong nya.

Tumango naman ako "Oo..."

"Bat dimo Icheck yung mga facilities?"

Gusto ko! Kanina ko pa gusto pero......."Wala akong kasama" Nakangusong sabi ko.

Napangiti sya "Bat di mo ko subukang tanungin?" Nakangising sabi nya.

"Pwede ka ba? :)" Excited at tuwang tuwang tanong ko.

Natawa naman ito saka lumapit sakin "Pwede naman basta may libre akong lunch" Naka cross arm at nakangising sabi nito.

Nag akto naman akong nag iisip "Hmmm pag iisipan ko"

"Haha Tara..." Natatawa nitong inilahad ang kamay nya.

Malugod ko naman itong tinanggap "Tara na mister president" Biro ko.

---***---

"Anung una sa listahan mo?" Tanong nya paglabas namin ng office.

Tiningnan ko muna ang list of facilities na hawak ko bago ko sya tiningnan ulit "Yung Studio malapit sa office ni madam principal" Sabi ko.

Tumango tango lang sya "Tara..."

Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa studio, Bakit kaya pinapa check pa 'to ni madam? Wala naman akong nakikitang problema sa mga facilities.

"Kailangan pa ba nating pumasok?" Tanong.

"Hmm oo, Kailangan daw kasing tingnan kung may sira ba madumi sa loob" Sagot ko habang nakatingin sa listahang bigay nya kanina.

"Ok! Tara! Mukhang wala pa namang tao sa loob" Yaya nya.

Tumango nalang ako at sumunod sakanya, Saktong bubuksan na nya ang pinto ng biglang may tumawag samin mula sa likod.

"Bakit?" Tanong ko.

Si mila pala, Assistant ni madam principal "Pinapatawag po kayo ni madam" Nakangiting sabi nito.

Para saan? Hmmm Im sure may ipapatrabaho naman ito saamin "Nasa office ba sya?" Tanong naman ni ador.

Tumango naman si mila "Oo....Pasok na kayo"

Tumango nalang kami at pumasok na sa office, Anu kayang ipapagawa samin?

"Oh, There they are" Si madam, habang nakaturo saamin.

Napatingin ako sa dalawang taong kausap nya kanina, Hanggang dito ba naman hinahabol ako ng malas?!! Di ba talaga ako matatahimik.

"Hi" Nakangiting bati ni nicole.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now