#Dreamers (WHAT TO DO?!)

4K 59 1
                                    

Tumingala ako sa kalangitan, Medyo madilim na rin pala at nagsisilabasan na rin ang mga bituin.

Nakakamangha talaga ang taglay na kagandahan at kaningningan ng mga ito, Para silang si Austin ngayun Kahit anung gawin ko hindi ko na maabot abot! Napakahirap na nyang abutin! Na kahit pagtingala lang para tingnan siya ay nakakangawit na....

Napangiti nalang ako habang inililibot ng mga mata ko ang bawat parte ng Park, Andami rin naming masasaya at malulungkot na alaalang nagawa rito....Isa na dun ang araw na Sinaktan ko sya.

Dito nangyari yun....

Dito!

I broke his heart!

And also mine.

Kung pwede ko lang ibalik yung dati, Yung dating mahal na mahal nya pa ako! Sana di ko nalang sya sinaktan, Siguro masaya na kami ngayun kung di sana ako natakot na mahalin din sya noon.

"Ang haba ata ng iniisip mo?" Napatingin ako sakanya at ngumiti "Oh? Ice cream mo"

"Thanks...." Kinuha ko na agad ang Ice cream na iniabot nya sakin, saka Bahagyang umusog para makaupo sya sa tabi ko.

"Anung iniisip mo?" Tanong nya.

Umiling iling ako "Wala..." Tumingala ulit ako sa langit "Tingnan mo ang mga bituin oh? Ang gaganda nila di ba?" May lungkot sa boses na sabi ko.

"May problema ba llian?" Di nya pagpansin sa sinabi ko.

Tumingin ulit ako sakanya saka ngumiti ng.....peke "Jerome?...." Nag iwas ako ng tingin "Possible bang magbago ang nararamdaman ng isang tao sa tagal na ng panahon?" Tanong ko sakanya.

Matagal syang di nakasagot pero naghintay pa rin ako, Gusto kong malaman! Possible bang mahal pa rin ako ni Austin?

"Para sakin hindi...." Sagot nya dahilan para mapatingin agad ako sakanya "May babae kasi akong mahal na mahal Dati pa! Matagal na yun pero hanggang ngayun hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sakanya" Ngumiti sya kaya napangiti rin ako, Possible kayang ako pa rin Austin? "Mula noon hanggang ngayun.....Mahal na mahal" Nag iwas sya ng tingin "Kita llian....." Natulala at nabitawan ko lang ang Ice cream na halos diko pa nagagalaw, dahil sa narinig ko mula sakanya.

Tama ba yung narinig ko?! O naga-assume lang ako?!!

What to do?!!!

What to do?!!

Sh*t What to do?!!

"Llian...." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko.

"U-Uwi na ko!" Tumayo nako at wala sa sariling naglakad palayo! Palayo sakanya! At sa katotohanan.

"Llian!" Tawag nya na diko na nagawang pansinin.

Anu ba tong nangyayari?!! Anu ba yung narinig ko?!! Haist! Naman Eh!!! What im going to do!!! Nakakainis naman!!

Sana di na ko sumama dito!!

Argggh!!!

"LLIAN!!!!" Tawag nya pa rin.

Hay naku!!!

Beeeeeeeeeeeeep!!!

Beeeeeeeeeeeeeep!!!!

Napatingin ako sa liwanag na nakatapat sakin, Di ako nakagalaw at tanging pagtakip nalang ng mata ang nagawa ko.

Sh*t nasa gitna na pala ako ng daan!! Gusto kong gumalaw at tumakbo pero diko magawa!

Mamamatay na ata ako.

Beeeeeeeeep!!!

"Ahhhhhh....." Sigaw ko nang biglang may humila sakin dahilan para matumba ako at tumama ang ulo ko sa maliit na bato.

"Llian!!" Ang sakit!! "Llian!! Tingnan mo ko please?" Napahawak ako sa bahagi ng ulo ko na masakit saka ako tumingin sa nag aalala nyang mukha "Ayos ka lang?" Tanong nya na diko na masagot, Papikit pikit ako at pilit inaalala kung anu bang nangyari "Sh*t your bleeding!!" Malutong na mura nito.

"Austin....." Mahinang bigkas ko sa pangalan nya, Akala ko ililigtas nya ko.

"Shhhh....wag ka na munang magsalita" Maya maya pa ay naramdaman kong may bumuhat sakin.

Fastforward

Pagmulat ng mga mata ko ay nasa pamilyar na ko ng kwarto, Pinilit kong makabangon kahit may kaunting kirot sa ulo ko.

"Gising kana pala?" Napatingin ako kay mama na kakapasok lang ng kwarto ko "Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong nito.

Ngumiti ako para di na sya masyadong mag alala "I'm ok ma, medyo masakit lang ang ulo ko" Sabi ko nalang.

Hinawakan ako nito sa pisngi "Pinag alala mo ko sweetie....."

"I'm sorry ma...." sabi ko rito.

Ngumiti ito "Shhhh....It's ok sweetie" Napangiti rin ako "By the way nagdala pala ako ng breakfast mo dito, Kain kana?" Masaya nitong ipinatong sa kama ang mga pagkaing dala nya.

"Thanks ma...." Sabi ko rito bago ako nagsimulang kumain, Di pa pala ako nakakakain mula kagabi.

Knock! Knock!

Sabay kaming napatingin ni mama sa pinto, Sino naman kaya yun? "Papasukin ko ba?" Tanong nya.

Ngumiti ako at tumango tango "Sige po ma...." Sabi ko.

Tumayo na ito at binuksan ang pinto,Ininom ko na muna ang gatas ko

habang naghihintay sakanila, Sigurado ako sila kyna at rose ann 'to! Maingay eh!

"BEBS!" Sigaw ni kyna saka ako sinugod ng yakap,Ganun din naman ang ginawa ni rose ann.

"Para namang ang tagal nating di nagkita?" Biro ko.

"Loka!Nag alala kaya kami sayo!!" si Rose ann habang Nagpupunas ng kunyaring luha sa pisngi nya, Tsk! Loka loka talaga to! Pati ba naman tubig idadamay sa kagagahan nya.

"Oo nga bebs! Anu ba kasing nangyari sayo?" Tanong nito saka umupo sa tabi ko.

Tiningnan ko lang sila isa isa saka pilit inalala ang nangyari kagabi, Dapat ko bang ikwento sakanila? O ililihim ko nalang? Pero mga kaibigan ko kasi sila......

"Wag kang maglilihim samin bebs!" Makahulugang sabi ni kyna.

Tama! Di dapat ako maglihim sa kanila!

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsimulang magkwento "Ganito kasi......" Ikinwento ko nga lahat lahat sa kanila.

Tahimik lang silang nakikinig sakin habang nakaupo sa tabi ko, Nakakapagtaka nga dahil parang di sila nagulat sa mga ikinukwento ko, Lalo na nung sinabi ko yung sinabi ni j-jerome sakin.


I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now