#Dreamers (CARE FOR HIM)

1.9K 35 2
                                    

"Austin?....."

Nag aalala akong lumapit sakanya saka ko dahan dahang hinawakan ang sugat sa gilid ng labi nya.

"Anung nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ko.

Ngumiti sya "Nadapa lang ako..." Dahilan nya.

Napatingin ako sa dalawa sa likod nya....Pasipol sipol pa ang mga loko "Hoy! Anung kolokohan naman itong ginawa nyo sakanya?" Inis na tanong ko sakanila.

Nagpatay malisya lang sila "Di ba sabi nya nadapa sya? Di naman namin siguro kasalanan na lampa pala yang boyfriend mo" Natatawang paliwanag ni jerome.

"Oo nga naman Vice! Lakas kaya nang impact nyan kanina" Natatawa ring sabat ni ador.

Pinaningkitan ko lang sila ng mata
"Hmp! Baka pinagtulungan nyo 'to" Naghihinalang sabi ko.

Aba! Gusto ata nilang matikman ang suntok ko....Hmmmp!

"Di ah!" Depensa naman nila.

Umirap lang ako saka humarap ulit kay Austin "Tara gamutin natin yang sugat mo" Sabi ko sabay hila sakanya.

Saktong sakto, May first aid kit akong nadala....."Nasugatan ka?" Nag aalalang tanong nito ng mapansin nya ang maliit na sugat sa likod ng palad ko.

"Wala yan....Natamaan yata yan sa bato nung niligtas mo ko" Kibit balikat na sabi ko.

"Tsk! Ang lapit lapit mo talaga sa disgrasya" Umiiling na sabi nya.

Sumimangot ako "Kaya nga dito kalang dapat sa tabi ko para kapag madidisgrasya ako nandyan ka para iligtas ako" Nakangiting sabi ko.

Napangiti rin sya saka huminto sa paglalakad para yakapin ako "Mula ngayon pangako....Di na kita iiwan" Sabi nito.

Gumanti rin ako sa yakap nya "Mahal na mahal kita Austin...." This time ako naman ang magsasabi sakanya kung gaano ko sya kamahal.

"Mas mahal kita..." sya. Saka ako hinalikan sa noo......Napapikit ako nang gawin nya yun, Akala ko di ko na mararanasan ang pagdikit ng labi nya sa noo ko.

Ang saya ko :) Nasa tabi ko na ngayun ang lalaking mahal na mahal ko.

"So? Totoo nga yung balita?"

"Wala na nga talaga sila ni nicole?"

"Ibig bang sabihin si Llian yung sinasabi nya sa interview na mahal na mahal nya?"

Napahiwalay ako kay Austin nang marinig ko ang bulong bulungan ng mga studyanteng nakakita saamin.

"Anung sinasabi nila?" Kunot noong tanong ko.

"Ipapaliwanag ko sayo mamaya, Sa ngayon gamutin na muna natin 'tong mga sugat natin ok?" Sabi nito na tinanguan ko lang.

Yumuyuko lang ako sa tuwing masasalubong ko ang tingin ng ibang studyante, Yung iba kasi ang sama sama ng tingin sakin...para akong kakainin ng buhay.

"Wag mo silang pansinin...Inggit lang sila" Pagpapalakas nito sa loob.

"Nakakacurious at nakakatakot kasi mga tingin nila" Sabi ko.

Humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya "Mahal kita. Yun lang ang gusto kong isipin mo" Seryosong sabi nya.

Tumango lang ako....Nasa mga tent na kami nang mapansin kong unti unti kaming lumalagpas doon, Kunting lakad nalang mapapalayo na kami sa mga kasama namin.

Tumigil muna ako sa paglalakad kaya napahinto rin sya "San tayo pupunta? Nandun ang tent namin?" Takang tanong ko habang nakaduro sa dinaanan namin kanina.

Napangiti sya "May tent ako malapit dito, Doon tayo pupunta" Sabi nito na nagpalaki ng mata ko.

"Talaga?" Tuwang tuwang bulalas ko.

Tumango tango sya, Saka ako biglaang binuhat....Yung pang kasal na buhat.

Napasigaw ako sa ginawa nya "Kyaah Austin naman eh!!" Natutuwang reklamo ko.

Bigla ka ba namang buhatin haha nakakagulat na sweet......hahaha Di ko tuloy maiwasang di isipin ang magiging kasal namin sa future.

Sana talaga tuloy tuloy na 'to....Ayoko nang magkagulo ulit kami, Di ko na kayang mapahiwalay ulit sakanya.


"I love you...." bulong nya ulit na ikinangiti ko.

---****----
Siguro pangit mga chapters ko noh! :( Sorry dreamers....Kahit ako minsan nag aalinlangan din sa mga gawa ko pero dahil andyan kayo para palakasin ang loob ko Ipupush ko na 'to haha Love you dreamers :)

Vote and Comment naman dyan :)

Dreamers _Secretly :)

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now