#Dreamers (CARING)

3K 44 1
                                    

"Jerome di ka pa ba uuwi?Hapon na oh" Sabi ko sakanya, Aba! Ginawa nyang bakasyonan 'tong bahay namin.

Kanina pa syang umaga nandito, Naubos na nga nya ata lahat ng laman ng ref. namin eh! Takaw nya talaga.

"Grabe ka naman magpalayas" Reklamo nya habang ngumunguya ng popcorn.

Umupo ako sa tabi nya "Tigilan mo na nga yang kakakain mo ng ganyan! Tumataba ka na oh? Kumuha ka nalang dun ng prutas sa mesa" Kanina pa sya kumakain ng junk foods! Alam naman nyang masama yun sa health nya.

"Hayaan mo na ako, Minsan minsan lang naman eh" Sabi nya.

Umirap ako "Tama na yan jerome! Makinig ka nga sakin" Singhal ko sabay kuha ng popcorn sakanya "No junkfoods this month for you ok? Kapag nakita kitang kumakain ulit nito! Uupakan na talaga kita" Pagbabanta ko.

"Tsk!" Padabog itong tumayo saka tumakbo papunta sa kusina.

"Jerome? Anu na namang kakainin mo? Malilintikan ka talaga sakin kapag junkfoods na naman yan" Sigaw ko para marinig nya.

"YES MA'AM!" Rinig kong sigaw nito pabalik.

"tss" Sabi ko sabay kuha ng remote sa maliit na table.

Maya maya lang ay narinig ko na ang mga yabag nya palapit sakin, Di ako humarap, Sayang effort hahaxD.

"Uuwi na ko ma'am" Napalingon ako sakanya ng yakapin nya ko mula sa likod The same sweet jerome again.

"so, kailangan talaga may yakap?" Biro ko.

Natawa naman sya "Syempre para sweet" Proud na sabi nya "Bye llian" Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Bahagya ko naman syang tinulak "Namumuro kana jerome ha?" Sabi ko sakanya.

Natawa lang sya saka kumuway "Bye" Sabi nito sabay takbo palabas.

Napapailing nalang ako, Ang lalaking yun talaga! Napaka kulit.

Napatingin ako sa oras, Hapon na pero wala pa rin si Austin Asan na kaya sya? May interview kaya yun ngayun? Kasama nya kaya si nicole *Sigh* Syempre kasama nya yun I'm sure.

Sumandal ako sa upuan saka kumain ng kaunting popcorn na nakuha ko kay jerome.

Hay! Di pa rin mawala sa isip ko yung tungkol kanina, Para kasi akong nabuhusan ng malamig na tubig pag alis ni Austin.

Bakit kasi kailangan nya pang umaktong nagseselos eh! Lalo tuloy akong umaasa na pwede pa syang bumalik sakin.

Alam kong kasalanan 'tong naiisip ko pero diko lang mapigilang ang sarili ko na hindi humiling sa diyos na Sana magbreak na sila ni nicole! Haist! Ang sama sama ko nang mag isip diba? Ganun nga siguro talaga kapag nagmamahal ka.

Hinawakan ko ang benda sa ulo ko saka ko pinakiramdaman kung masakit pa ba, Thanks ghad! Hindi na.

Pwede ko na naman sigurong tanggalin 'to diba? Ayos na rin naman daw ako sabi ng family doctor namin.

"Aist! Bala na nga" Kinapa ko ang dulo nito para mas madali kong matanggal, Medyo kumikirot pa kapag natatamaan ko yung mismong sugat.

Nang mahanap ko na ang dulo ng benda ay sinimulan ko na ang dahan dahang pagtanggal nito "Sh*t" pero wala pa ko sa kalahati ng makaramdam ako ng kirot.

Peste! Pinapahirapan ako ng sugat na 'to ha? "Llianizza?"

Napatingin ako sakanya saka alanganing ngumiti "uy! Andyan kana pala?"

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon