#Dreamers (LOVE)

2.1K 34 1
                                    

Nagising ako sa huni ng mga ibon, Dahan dahan akong nag angat ng tingin para makita ang gwapo nyang mukha.

Natutulog pa ito habang nakasandal sa puno at nakayakap sakin, Napangiti ako bigla....Akala ko di ko na sya makakasama ulit.

Lumapit ako sakanya para halikan sya sa labi, Smack lang dapat yun pero biglang kumilos ang mga kamay nya sa likod ko para itulak ako palapit sakanya......Mabilis na gumalaw ang mga labi nya na sinusundan lang rin naman ng mga labi ko.

"I love you...."He said between our kisses.

Sasagot din sana ako ng bigla nya kong halikan ulit....Napangiti ako, Napakapilyo talaga ng Boyfriend ko.

Oo boyfriend ko na sya! Bakit may angal? HahahaxD. Napakasaya ng araw na 'to.

"Wala na rin naman pala tayong dapat alalahanin eh" Agad kong naitulak si Austin nang marinig ko ang mga pamilyar na boses na yun.

"Beb!" Nanlalaki ang mga matang naibulalas ko....sila beb, jerome at ador ang nandito! Sh*t nakita nila yun!! Pakiramdam ko namumula na ko sa hiya.

"Nag aalala pa naman kami sayo dahil akala namin nawawala ka, yun pala nakikipag tukaan ka lang dito!" Straight to the point na sermon ni rose ann.

"Beb naman!" Namumulang sabi ko.

"Hoy! Llianizza guevarra sinong nagsabi sayo na lumayo ka nang tent!" Si kyna. Habang nakaduro sakin.

"Kasalanan ko!pasensya na..." Sabat ni Austin sabay akbay sakin.

Napansin ko naman ang pagtingin nilang apat sa braso ni Austin sa balikat ko....Napangisi sila beb pero yung dalawa wala pa ring emosyon ang mga mukha.

"So kayo na?!" Excited na tanong ni kyna.

Tumango lang ako saka ngumiti ng alanganin....meron pa nga pala kaming di pagkakaintindihan nila jerome at ador.

Aayusin ko nalang yun.

"Ayieee sabi ko na nga ba eh!! May forever! Yesss....." Si rose ann habang tumatalon talon pa.

Natawa nalang ako sa kakulitan nila, Nakakamiss din palang tumawa haha ilang araw na ba akong malungkot.

"Pre pwede ba tayong mag usap?" Napahinto kaming tatlo nila beb ng biglang lumapit ang dalawa kay Austin.

Kunot noo akong napatingin sa dalawa....Wala namang problema diba? What a stupid question! May gusto nga pala silang dalawa sakin.

"Sige" Sagot naman ni Austin.

Napatingin ako sakanya pero nginitian nya lang ako "I'll fix Everything...." Bulong nya then he kissed me again.

Sana nga maayos nya ang lahat....Napabuntong hininga ako nang hilain na ko nila beb palayo sa tatlo, sana maging maayos ang pag uusap nila.

"Ayos lang sila beb" Pag aasure ni kyna.

Ngumiti lang ako "Sana nga...." Sana nga, Ayos lang lahat.

----****----

STEVE AUSTIN FRANCO POV

Diko alam kung bakit kailangan pa naming mag usap, Alam ko naman na pareho nilang mahal si llian...Malinaw yun sakin pero kung hihilingin nila na layuan ko sya, Di ko kaya.

"Hindi na namin patatagalin to pre" Sabi ni jerome.

Nung una ay nagtaka pako pero nang suntukin nya ko sa mukha ay dun ko lang narealize kung anu ang gusto nilang gawin "Para yan sa pananakit at pang iiwan mo sakanya" Nakangising sabi nito pagkatapos nya kong suntukin.

Sunod naman na sumuntok sakin si Ador "Para naman yan sa luhang pumatak sa mga mata nya" Sabi rin nito pagkatapos nya kong suntukin.

Tumayo ako saka ngumiti "Salamat mga pare...." Sabi ko sabay punas ng kaunting dugo sa labi ko.

Tinapik lang nila ako sa braso "Walang anuman pre" Si Ador.

Natawa kami, Ganito siguro talaga mag usap ang mga lalaki kaunting sakitan lang....Maayos na lahat.

"So, kailan ka pa bumalik couz? Naayos muna ba yung sainyo ni nicole? Napanood ko kasi yung interview mo nang isang araw" Tanong ni jerome habang naglalakad kami pabalik sa mga tent.

"Kahapon pa ko bumalik at yung kalokohan sa pagitan namin ni nicole Tinapos ko na..." Ayoko na ring lokohin ang mga tao at paniwalain sila na si nicole ang gusto ko....Gusto ko na rin kasing makilala ng lahat kung sino nga ba talaga ang babaeng tunay kong mahal......Si llianizza "About naman dun sa Interview ko, Biglaan lang naman yun...Ni hindi nga alam nila nicole at manager na gagawin ko yun" Natatawang sabi ko......Yung interview kasi na ginawa ko ay ako lang ang nakakaalam pati yung reporter na pormal ko talagang pinakiusapan.

Sinabi ko kasi dun sa interview na di talaga kami ni Nicole, Na di talaga sya ang mahal ko....Sinabi ko rin na Pagkatapos ng kontrata ko ay titigil na ko sa pag aartista.

Alam kong maraming nalungkot sa mga sinabi ko pero yun ang tamang gawin, Galit na galit din noon si manager ng mapanood nya ang interview ko.....Sabi nya wala daw akong karapatang sabihin yun at diko daw dapat sinira ang kasunduan namin.

Pero anu bang magagawa ko, Mahal ko talaga si llianizza....Sya lang ang babaeng minahal ko, Ang saya saya ko nung sinabi nya na mahal nya rin ako....Naguluhan lang ako nung una pero napag isip isip ko na Dapat magpasalamat ako dahil Mahal ako ng babaeng mahal na mahal ko.

"Basta pre, wag na wag mo na syang sasaktan ulit" Si Ador.

Ngumiti ako....Diko na ulit hahayaang maghiwalay kami "Pangako pre...."

Sya ang buhay ko.

Handa kong gawin lahat para sakanya.

Ipagtatanggol ko sya at iiwan ko lahat para sakanya.

Ganun ko sya kamahal.

"Austin?...."

Napatingin kami sakanya.

Napakaganda nya talaga, Lalo na kapag nag aalala sya....Lalo ko syang minamahal tuwing makikita ko kung paano sya mag aalala sakin.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now