#Dreamers (STARING)

2.2K 40 1
                                    

Tumayo na ko at lumapit sa kinaroroonan nya, Alam kong maraming matang nakasunod sakin ngayun....But I don't care saka alam naman ng lahat ng bestfriend ko si jerome.

"Saka isang macaro---" I cut him.

"----Isang plato ng fruits and vegetable ate ang ibigay mo" Nakangising sabi ko.

Tiningnan ko sya saka pinagtaasan ng kilay "Kung ano ano nalang ang kinakain mo" Sermon ko sakanya, Kung di junkfoods, Mga pagkaing walang nutrients ang kinakain nya....Haay naku!

Napakamot sya ng ulo "Baka makalusot lang"

"Tsk! Pinapatawag kayo dun" Sabi ko sabay turo sa table namin nila bebs.

Kinuha nya muna ang inorder ko para sakanya saka nya niyaya ang mga kasama nya.

Buti nalang at malaki ang table na kinuha namin kanina.

Steve franco's POV

"Kasama na naman nya yung jerome na yun!" Inis na bulong sakin nitong si ador.

Diko sya pinansin, Masyadong naokupa ni llianizza ang utak ko....Kanina!  Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na wag syang kausapin at lapitan....pero sh*t habang tumatagal lalo akong nahihirapan!

"Stop staring at her Steve! Baka may makapansin sayo!" Inis namang bulong ni nicole sakin.

Isa pa 'to!! Dikit sya ng dikit sakin nakakairita na!!!

"Wag mo kong pakielaman nicole!" Inis ding bulong ko habang nakatingin pa rin kay llianizza na masayang nakikipag kwentuhan ngayun kay jerome.

"Anung wag pakielaman? Im your girlfriend steve baka nakakalimutan mo!" Inis nitong sabi dahilan para maagaw namin ang atensyon ni Ador.

"May problema ba?" Takang tanong nito.

Umiling iling lang ako saka ko tiningnan si nicole, Nanggagaliiti itong nakatingin sakin.

Tss....Hindi ko alam kung paano ko nasisikmurang makipaglaro sa babaeng 'to! Ni walang wala sya kumpara kay llianizza.

Lumapit ako sa tenga nya saka bumulong "Peke lang ang lahat diba? Pumayag lang ako dahil sa manager ko! So, Don't assume na may responsibilidad ako sayo!" Pagsampal ko nang katotohanan sakanya.

Yung Girlfriend-boyfriend thingy are all fake, Pinalabas lang namin na kami para makuha ang award! Sa totoo lang diko naman gustong makha yung pesteng Best couple award na yun! Pinilit lang ako ng manager ko.

"Ang sakit mo namang magsalita" Halos pabulong na sabi nito.

Nagkibit balikat lang ako at ibinalik ulit ang tingin kay llianizza....Mas maganda na yun maaga palang alam nya nang impossibleng maging kami ng totohanan....May iba akong mahal.

Kunting panahon lang ang kakailanganin ko, Para maayos lahat lahat ng pwedeng makasakit sakanya.....Tatapusin ko na rin ang pekeng relasyon na 'to! At kapag maaayos na ang lahat........


...........Babalik na ko sakanya :)

Napakuyom ako ng kamao ng niyakap nya si jerome.

Mahihintay mo pa naman ako diba?

Sandaling panahon lang llianizza....

Please hintayin mo ko.....

Wag ka munang mafafall sa iba! Baka di ko kayanin.

Napaiwas ako ng tingin ng mapadako ang tingin nya sakin, Gulat itong napatingin sakin na parang di nya inakalang andito ako.

Llianizza's POV

Napayakap ako kay jerome nang bigyan nya ko ng bracelet, Ang ganda ganda kasi tapos may pangalan ko pa.

Nung tinanong ko naman kung para san 'to, Sagutin ba naman ako ng "Para yan sa babaeng kilala kong pandak at makulit" Diba? My lait pang kasama hehe pero kahit ganun, Thankful pa rin ako sa bigay nya.

Maya maya pa'y napadako ang tingin ko sa isang table sa may sulok ng canteen, Nanlaki ang mga mata ko nang masalubong ko ang dalawang mata nya.

Andito pala sya? Bat di ko yun napansin kanina?

Nag iwas ito ng tingin na tila nagulat din sa biglaan kong pagtingin sakanya.

Bakit ba sya tingin ng tingin?

"Hahaha...." Napahiwalay ako sa pagkakayakap ko kay jerome nang marinig ko ang tawanan ng mga kasama namin.

Kanina pa sila nagtatawanan, Parang ang tagal na nilang magkakakilalal....Grabe talaga ang mga beb ko basta pogi ang bibilis makipag close.

"Thank you talaga dito jerome ha?" Pasasalamat ko ulit.

"Your welcome" Sabi nya sabay kurot sa ilong ko.

Agad ko namang hinawi ang kamay nya, Sakit eh!

Napatingin ulit ako kay Austin,  Nakaramdam ako ng panlulumo ng makita kong paalis na sila.

Kumain na ba sya?

Haist! Bat ko ba iniisip yun! Sh*t llian itigil mo nga muna yan!! Kainis.

"Kain ka na muna" Napatingin ako kay jerome.

Parati syang nandyan para sakin, Mahal nya ko....Minamahal nya ko.

Siguro panahon na rin pala mahalin ko rin sya.....Wala namang masamang sumubok di ba?

Alam kong di ako sasaktan ni Jerome......di nya ko iiwan, At alam kong aalagaan nya rin ako.

" Llian bakit?" Nag aalalang tanong nito ng bigla ko syang yakapin.

Umiling iling ako "Wala...." Salamat jerome...Salamat sa pagmamahal.

Pangako susubukan kong mahalin ka rin.....Susubukan ko ring alisin si Austin sa puso ko para sayo.

"Uyyyyyy....."

"Ayiiiiiieeeee....."

Sita nila.

Sinamaan lang namin sila ng tingin, Mga echusero't echusera! Ganda na ng moment eh.....Naninira pa!

"Hatid kita sa room mo mamaya" Sabi ni jerome.

"Di na...May practice ka pa diba?" Baka malate na naman kasi sya sa practice nya.

"Mamayang hapon palang naman yung practice namin.....hatid na kita please?"

Hmmmm "Sige na nga....." Nakangiting sabi ko.

Napa-Yes naman sya kaya natawa ako.....Para kasi syang nanalo sa lotto eh! Hahahahahahahaha

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon