#Dreamers (BUSHERS)

1.3K 20 0
                                    

"San mo gustong kumain?" bulong sakin ni Austin.

"Kahit saan, basta yung makakatiis sa kaingayan nila beb" Seryoso ako sa sinabi ko, Akala ko pa naman titino na sila kapag kasama na nila yung dalawa pero parang mas lumala pa ata....well!Ganun na talaga sila at kapag di kayo nasanay iisipin nyo nalang na baka nagpapatayan na sila haha.

Pumasok kami sa isang restaurant na kaunti palang ang tao, Hindi ito pangit pero diko rin naman masasabing maganda, kumbaga tama lang at presentable ng kainan.

"Mag order na kayo boys" Tila nang uutos na sabi nung dalawa...take note: sabay pa sila haha.

Nagkatinginan naman sila at nagngitian saka nag irapan, Haay mga baliw talaga sila hahah

Tumayo na yung mga boys at sabay sabay na lumapit sa cashier, Nagtilian naman yung ibang customer na mga haliparot.

"Ang sarap manira ng mukha dito!' Iritang sabi ni rose ann.

"Oo nga! Nangangati na nga 'tong kamay ko na makasampal ng mga malalandi eh!' Sabat naman ni kyna.

"Hayaan nyo na sila mga beb, hanggang tingin lang naman sila eh" Saway ko sakanila kahit na ang totoo ay inis na inis na rin ako.

"Kahit na beb! Nakakaakit din kaya kahit tingin lang" Nakangusong reklamo ni rose ann.

"Sayo lang naman tumitingin si mike rose ann" sabi ko na ikinapula nya.

"Kahit na! Basta naiinis pa rin ako!"

"Oo nga naman beb, Lam nyo ba nabasa ko sa instagram kanina yung tungkol sa tatlo" biglang sabat ni kyna.

Nacurious naman kami kaya inilapit namin ang mukha namin sa mukha nya "Anu ba yun beb?" Kunot noong tanong ni rose ann.

Lumapit pa sya lalo samin, Yung parang ayaw nyang marinig ng iba "Nabasa ko kasi na pinagkakalat nung isang club nila na mukhang tuko daw ang mga girlfriend nung tatlo" mahinang sabi nito na rinig naman namin.

"What the!' Inis na napasinghal si rose ann dahilan para mapansin kami ng mga haliparot na nagpapantasya sa apat.

"Lower your voice beb! Di naman totoo eh, ganda ganda kaya ntin" Bilib na bilib sa sariling sabi ni kyna.

"Kahit na! totoo man yun O hindi, Sinabihan pa rin nila tayong mukhang tuko, Aba sa ganda nating ito ni mga dyosa nga mahihiyang lumapit satin" Mas bilib si rose ann sa sarili nya.

Take note: di yun confidence, Kayabangan po yun.

"Grabe! Hiyang hiya naman daw ang mga magaganda at diwata sa inyo" Umuulan na kasi ng kayabangan eh hahaha

"Dapat lang beb" pairap na sabi ni kyna.

Napapailing nalang ako, Ako? Ayokong pumatol sa mga club club na yan O sa mga nang iinsulta samin, di naman ako warfreak tulad nung dalawa.

"Oh anung nangyari sainyo?" Napatingin kami kay jerome na umupo sa kanan ko.

"Hay naku! Pinainit lang naman ang ulo namin ng mga fans nung tatlo" si rose ann.

"Anu bang ginawa sainyo"

"Sinabihan ba naman kaming mukhang tuko" naiinis pa rin na sabi ni rose ann.

Natawa nalang si jerome "Wag nyo nalang silang pansinin, mga bitter lang mga yun"

"Hindi sila bitter! Mga assumera sila hmmmp! Langya sa ganda kong 'to sasabihan akong mukhang tuko!" Haay, I know, hindi hihinto sila beb sa kakabunganga hanggat di nilalagyan ng pagkain ang mga bibig nila.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon