#Dreamers(I WANT HIM BACK!)

3.6K 41 1
                                    

"Akala ko magiging maayos ka kung hahayaan ko syang dumalaw sayo.....Mali pala ako!" Sabi ni mama ng Ihatid nya sakin ang Lunch ko.

Di ko nagawang tumingin sakanya, Nanatili lang ang tingin ko sa puting kisame ng kwarto ko"Ayoko na syang makita ma!! Lahat ng sakit! Parang mas nadadagdagan pa kapag nakikita ko ni anino nya!!" Puno ng galit na wika ko.

"Hindi kita masisisi kung ganyan kalala ang galit mo sakanya pero....Sana wag mong kalimutan na sya pa rin ang ama mo" Sabi nito.

"Mahal mo pa ba sya ma?" Tanong ko nang hindi tumitingin sakanya.

"I always love your father llian..." Halos pabulong na sabi nya "Walang araw na diko sya naiisip, Minsan nga pumupunta pako ng patago sa bahay ng kabit nya para lang makita ko kung ayos lang ba sya O kumakain ba sya ng maayos.....Ganun ko sya kamahal anak!" Pareho lang pala kami ni mama, Pareho lang pala kaming nagmamahal ng patago sa isang lalaking malayo na saamin.

"Ang sakit magmahal ng ganun ma!" Sabi ko.

"No sweetie..." Tumayo na ito sa kama saka ipinatong ang lunch ko na dinala nya "Masarap magmahal lalo na kung Mahal ka rin ng mahal mo...." Dagdag nya na lalong nagpalungkot sa mukha ko.

Hindi na ko mahal ni Austin, Yun ang nakikita ko! Ni maging magkaibigan nga di na ata pwede....

"Wag ka na munang mag isip ng kung ano ano dyan llian!...." Sabi ulit nito "Kumain kana muna para makapaghanda kana para mamaya"

Kumunot ang noo ko "Anu pong meron mamaya? Di po ba pwedeng dito nalang din ako maghapunan?" Sabi ko sabay upo.

"May mga bisita kasi tayo mamaya anak, Di mo pa ba kayang tumayo?" Sa totoo lang medyo nahihilo pa ko, Di pa kasi ako nakakapagpahinga ng maayos.

"Medyo masakit pa po ulo ko ma, pwedeng dito nalang po muna ako?" Paki usap ko rito.

Ngumiti sya at bahagyang tumango "Ok! Ako nalang ang haharap sa kanila....Pahinga ka nalang muna dyan ok?" Sabi nito.

"Thanks ma!" Nakangiting sabi ko.

"Your welcome sweetie...." Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago sya lumabas ng kwarto ko.

Haaaay!

Hinawakan ko ang ulo ko saka sinubukang tanggalin ang bendang tumatakip sa sugat ko "A-Araaay!" Reklamo ko nang makaramdam ulit ako ng kirot sa ulo.

Sh*t! bat masakit pa din?!!! Gaano ba kalala ang sugat ko!! Peste! P-Parang nahihilo ako! Bat bigla akong inantok? Ang sakit....Nakakahilo!

Humiga ulit ako sa kama saka pumikit, Kusa nang bumigay ang mga mata ko kaya diko na rin napigilan ang hindi magpadala sa Antok.

******
"Austin!!!" Umiiyak kong inilibot ang mga mata ko sa bawat parte ng Airport.

Huli na ba ako? Diko na ba sya nahabol? "*Sob* A-Austin!!" Bat di nya ko hinintay?! Akala ko ba mahal nya ko?!

"Llian? Anung ginagawa mo dito iha? Bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ng mama nya.

"T-Tita!" Lumapit ako dito saka sya niyakap ng mahigpit "H-Huli na po ba ako t-tita? Di ko n-na ba sya n-nahabol?" Humahagulgol na sabi ko.

"Shhh....Mas makakabuti ito para sainyo llian" Malungkot na sabi nito "Just trust and wait my son....Kung talagang mahal ka nya babalik at babalik sya sayo" Dagdag nito.

Umiling iling ako... No! What if makahanap sya ng iba?! what if kalimutan nya na ako ng tuluyan!!!

No! Diko kayang magmahal sya ng iba!!!

"A-Austin!!!" Hingal na hingal akong napabangon sa kama ko.

"Argh! what a sh*t dream again?!!" Inis na sabi ko habang sapo sapo ang dibdib ko.

Napahilamos nalang ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay dahil sa depression at laki ng problemang dinadala ko.

Kung nung una excited akong makita sya ulit, Ngayun parang hindi na! Natatakot ako! Sa Isang libong pagkakataon NATATAKOT NA NAMAN AKO!! Bullsh*t!

Diko na alam kong anong gagawin ko! Hirap na hirap na ko!

Gusto ko nang sabihin sakanya na mahal ko rin sya pero panu? Lalo na ngayun at sikat na sya And worse may mahal na syang iba!! Ang hirap Austin.

Ang sakit isipin na yung taong nagmamakaawa sayo noon para mahalin mo lang ay yung taong poproblemahin mo na ngayun.

Ang tanga tanga ko kasi! Inuna ko pa kasi tong takot ko kesa ang tanggapin sya! Nawala tuloy sya sakin, Ang masakit pa nito diko na alam kong maibabalik ko pa sya sakin.

I want him back!

Kahit anung mangyari I want him back!!

Kahit masakit!!

Kahit masakit na masakit na!!

Still!! I want him back!!

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon