#Dreamers (INTRAMS)

2.2K 36 1
                                    

Maingay pero masasayang mga studyante ang naabutan ko pagpasok ko nang school.

Nakikita ko sa mga mukha nila ang Excitement at tuwa habang lumilibot sa school....Di ko naman sila masisisi dahil napakaganda talaga ng ginawa namin.

Hindi ko maintindihan, Kasi diba dapat masaya rin ako? Lalo na at isa ako sa may contribution dito, Pero bakit di ko magawang makaramdam ng tuwa?!! Bakit diko magawang maexcite?!!! Bakit nasasaktan ako!

Mula nang makausap ko kahapon si Austin bago sya umalis ay wala na kong ibang nakausap, Para kasing nawalan nako ng ganang makipag usap sa ibang tao...Maski kay jerome at kela bebs di ako nakipag usap.

"Llian!" Napatingin ako kay ador na nasa harapan ko na ngayun, Nag aalala ang mga mata nitong nakatingin sakin "May sakit ka ba? Hindi na kasi kita nakausap mula kahapon" Oo ador, masakit ang puso....Sobrang sakit! Pakiramdam ikamamatay ko 'to! Naguguluhan ako! Naguguluhan ako kay Austin!

Umiling iling lang ako saka ko na sya nilagpasan, Ayokong magsalita, baka diko mapigilan ang pagbaba ulit ng mga luha ko.

"Llian please...." Napahinto ako ng hawakan nya ko sa braso "Tell me...Anung problema?" Alalang alalang sabi nito.

Ayokong may makaalam sa nararamdaman ko, Mas ok lang na kimkimin ko 'to mag isa kesa naman idamay ko pa ang ibang tao.

"Wala...." Walang emosyong sabi ko sabay tanggal ng kamay nya sa braso ko.

"Kung ayaw mong sabihin.....Ayos lang, basta nandito lang ako kapag kailangan mo ng kaibigan" Tila dismayadong sabi nito na nagpaguilty sakin.

Naguiguilty ako dahil nadismaya ko ang isang tulad nya, mabait syang kaibigan pero diko talaga kayang ilabas ito! Akin nalang! Sakin nalang ang sakit na 'to.

Tumalikod na ito kaya tumalikod na rin ako, Kahit ngayun lang gusto ko munang lumayo kanino man....Promise just this time.

Napatingin ako sa oras, 6 na oras pa bago ang laban ni jerome....Siguro maaayos ko na ang sarili ko sa anim na oras na yun.

Haaaay....Sana nga maging maayos na ko.

---****----

Nakipagsiksikan ako sa mga tao para makita ko si jerome, marami nang tao sa court di pa nga nagsisimula ang labang, mukhang ito ang pinakahinihintay sa lahat ng laro.

Hinanap sya nang mga mata ko, Asan na kaya yun? Hmmm, Ayun! Nakatayo sya sa gitna, mukhang magsisimula na :) tamang tama lang pala ang dating ko.

Alam kong hinahanap nya ko kaya naman kumuway ako nang tumingin sya sa direksyon, Sumilay ang ngiti at excitement sa mukha nito ng makita ako.

Ngumiti ako at nag ok sign "Good luck" I mouthed.

Nagthumbs up lang sya at nag focus na sa laro.

(Guys sa totoo lang wala akong alam sa basketball :( konti lang kaya diko maipapaliwanag sainyo kung paano ang takbo ng laro nila...Alam ko boring yun pero sorry talaga)

Halos mabingi na ko sa sigawan ng mga manunuod sa kaliwa at kanan ko, Grabe! Sa totoo lang maganda talaga ang laro :)) parating si jerome ang nakakapunto.

Magaling talaga sya.

Asan kaya sila bebs? Nagalit kaya sila nung iniignore ko bawat calls nila? Wala pa nga pala silang alam tungkol sa nangyari kahapon.

"Wooooaaaah!"

"Galing mo papa jerome!!"

"Wooooaaaah jerome kami dyan!"

"Go jerome!"

Napangiti ako nang marinig ko ang mga sigawan ng mga tao, mukhang sisikat na ang loko :) Pogi kasi eh hahaha

"Yesss!! Time na!! Panalo sila"

"Galing talaga ni jerome!"

"Pogi pa!"

Tama! Nanalo sila......Halos lahat ng tao sa covercourt ay masaya at halos nagwawala na dahil sa pagkapanalo ng grupo nila.

Ngumiti ako nang tumingin sakin si jerome at nagwink :) Loko talaga sya! Kahit nanalo sila napakapilyo nya pa rin.

Kinongratulate sila ng mga judges pagka announce ng pagkapanalo nila, Pagkatapos nun ay dinumog na sila ng mga tao :))

Haay....Nagawa ko na ang pangako ko, Nanuod ako ng laban nya at magpakasaya.

Lumabas na ko ng covercourt at dumiretso na sa parking lot, Kailangan ko na ring umuwi, May Field trip pa pala kami bukas.

Field trip! Yung sinabi ni ador na yun ang kapalit ng mga araw na dapat para sa intrams.

I text jerome first bago ako tuluyang umalis ng school, Tinext ko rin sila bebs para mangamusta at magsorry..........Marami din akong kasalanan sa dalawang 'to.

Pero wala pa kong oras para makipag usap sakanila....

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now