#Dreamers (ENCOUNTER WITH EVIL)

1.7K 31 0
                                    

Malapit na kami sa bahay nang huminto sya sa pagmamaneho.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Is that nicole's car?" Kunot noong tanong nya habang nakatingin sa harap ng gate namin.

Tiningnan ko rin ang kotseng sinasabi nya...It's a green *****car! Kay nicole nga yun...That bitch! Ang kapal naman ng mukha nyang pumunta dito.

"Wag mo syang kakausapin Austin!" Seryosong sabi ko sakanya.

Nginitian nya lang ako saka tumango, Pinagpatuloy nya ulit ang pagmamaneho nya hanggang sa makarating na kami sa harap ng gate.

Una akong bumaba ng kotse dahil na sakin ang susi ng bahay "What the f*ck are you doing here?!" Inis na tanong ko sakanya.

"Gusto ko syang makausap" Sagot nito.

Ngumisi lang ako saka tumalikod para buksan ang gate "Hindi sya pwedeng makipag usap sa di tao" Mahinahong Sabi ko.

Binuksan ko nang malaki ang gate namin para makapasok sa loob ang kotse ni Austin, Buti nalang at di gaanong nakaharang ang bulok at cheap na kotse ni nicole sa gate namin.

"Bakit hindi?! Girlfriend nya ko kaya may karapatan ako!" Inis na bulalas nito.

"Correction! FAKE GIRLFRIEND!" Pagtatama ko sa kabaliwan nya "Saka tapos na kayo diba? Wala na syang responsibilidad dyan sa punyetang pagpapanggap nyo!" Kainis! Pagkukunwari lang pala lahat sakanila! Kung magselos pa naman ako noon!

"No! Di pa kami tapos! Di pa ko pumapayag!" Giit nito.

Natawa lang...baliw talaga sya "Wala akong pakialam kung pumayag ka man O hindi! Just go to hell and leave us alone!" Singhal ko sakanya bago ko sya tinalikuran at iniwang nakanganga doon.

Tsk! Napaka baba nya!

"Tapang ah" Biro nya.

Umirap ako "Ewan ko sayo! Kung gusto mo syang puntahan! Puntahan mo...Kainis bat ba nya pinagsisiksikan ang sarili nya sayo" Naiiyak na singhal ko sakanya.

Kainis kasi eh..kahit alam kong fake lang lahat ng tungkol sakanila di ko pa rin magawa ang hindi magselos!

Binubuksan ko na ang pinto ng bahay ng bigla nya kong yakapin patalikod.

"Wag ka nang magalit...kahit naman ilang ulit nyang ipagsiksikan ang sarili nya sakin, sayo pa rin ako babalik" Bulong nya "Mahal kita...Yun lang ang gusto kong paniwalaan mo" Seryosong sabi nya.

Napahinga ako ng maluwag....Pero kahit ang tindi ng pagseselos na nararamdaman ko di ko pa rin magawang magalit ng matagalan sakanya.

Hinarap ko sya "Mahal kita Austin at kahit takot pa rin akong pumasok sa relasyong 'to....Sumugal pa rin ako" kahit alam kong masasaktan din naman ako ng husto...sumugal pa rin ako "Sana...Sana wag mo kong iwan ulit" Sabi ko.

Napangiti sya saka ako niyakap ng mahigpit "Kahit buong mundo kakalabanin ko para sayo....Ayos lang kahit mawala lahat ng meron ako ngayun basta dito ka lang sa tabi ko" Bulong nya.

Niyakap ko rin sya ng mahigpit, mahal na mahal ko sya...kahit mahirap mamahalin ko pa rin sya.

"Please Austin...Wag mo na syang kakausapin ulit! Ang sakit kasi...Ang sakit sakit kasing makitang kasama mo sya" Di ko na kayang makitang may kasama syang iba, Ang sakit! Naiisip ko pa lang na naging sila kahit fake lang....Nasasaktan pa rin ako.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi nya sa buhok ko "As you wish my princess" bulong nya.

Napangiti ako.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now