#Dreamers(OMG!)

3.4K 46 3
                                    

12:35 am na pagtingin ko sa oras, Nauuhaw ako! Nagdadalawang isip ako kung bababa ba ako O hindi, Baka kasi magising si mama kapag narinig nya ang mga yabag ng paa ko kaya lang baka mamatay naman ako dito sa uhaw.

Hmm iinom ba ako O hindi?!!!

Aist! bala na nga si batman!!

Dahan dahan ang bawat hakbang na ginawa ko papuntang kusina, Mahirap na! baka mamaya magising pa si mudra, Alam ko namang pagod na rin yun kahit di nya sabihin.

Bogsh!

Anu yun?

Multo?! Ghad! wag naman sana!

"Sh*t....." Sino yun? Ang lakas naman ng loob nung magmura!

Mukhang di yun multo ah? kaya lang kung di yun multo, Eh ano yun??!!!!

OMG!! Baka magnanakaw yun?!! Jusko! Paano nakapasok yun dito?!!!

Luminga linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng gamiting pangdepensa laban sa magnanakaw.

Ayos! May nakita akong Tubo sa tabi ng vase at kinuha yun, panu kaya nagkaroon ng tubo dun? Impossible namang kay mama to!

Bogsh!!

Anu yun? Sa kusina!!

Aba! Magnanakaw pa ata ng pagkain namin!! Humanda sya sakin!

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kusina, Huminto ako sa gilid ng pinto nang marinig ko ang mga hakbang nito palapit sakin.

Humanda ka sakin ngayun!!! Madilim kaya tanging ingay nalang ng mga yabag nya ang ginagamit kong instrumento para malaman kung malapit na ba sya sakin.

Itinaas ko ang tubong hawak ko at hinawakan ng mahigpit, Nang may nakita akong likod ay agad ko itong---

"WALANGYA KA!! BAHAY PA NAMIN ANG NAISIPAN MONG PAGNAKAWAN HA?!!" Sigaw ko habang sunod sunod syang pinapalo ng tubo.

"H-Holy sh*t!!"Mahinang bulong nito.

Nainis ako kaya lalo ko pang nilakasan ang bawat pagpalo ko sakanya Ha!! Akala nya makakaalis pa sya buhay dito!! "G*GO KA!! KUSINA PA TALAGA NAMIN ANG INUNAHAN MONG PAGNAKAWAN!!!" Sigaw ko ulit.

"D-Di ako m-magnanakaw!" Hirap na hirap nang sabi nito.

Napahinto sa ere ang tubong ipapalo ko dapat sakanya "SINUNGALING!! SINO KA?! AT PANU KA NAKAPASOK DITO!!"Singhal ko.

"Ako si----"

Di na nya natuloy ang sasabihin nya nang biglang bumukas ang mga ilaw at nag aalalang lumapit sakin si mama.

"Llian! Anung nangyayari dito? At bakit hawak hawak mo yang nasirang tubo natin?" Kunot noong tanong nya sabay turo sa tubong nasa ere pa pala hanggang ngayun.

Ibinaba ko na agad ang tubo, At napatingin sa taong nakahandusay na ngayun sa sahig at walang malay Tsk! Napasobra ata! Pero nararapat lang yan sakanya! Isa syang magnanakaw!

"May magnanakaw po kasi ma, Yan po oh!" Ako sabay turo sa nakabulagtang tao.

"Magnanakaw?!" Gulat na sabi naman nya sabay tingin kay mr. magnanakaw "Jusko!! Anung ginawa mo anak?!!" Nanlalaki ang mga matang sabi nya sabay lapit sa katawan nang lalaki, Oo lalaki sya!

"Pinalo ko po sya ng tubo ma" Ako habang nakatingin din sa lalaki, Mukhang wala nga talaga itong malay.

"Naku! Kang bata ka! Hindi ito magnanakaw!!" Sabi ni mama dahilan para Manglaki ang mga mata ko.

Hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakadapa ito, Yung nakaharap sya sa sahig! But w-wait! Di daw ito magnanakaw?!! Waaaaah! Patay ako! Mukhang napatay ko ata.

"S-Sino po ba y-yan ma?" Kinakabahang tanong ko.

Sinilip muna nya ang mukha nito bago ako sinagot "Jusko! kang bata ka! Si steve franco ito!" Balewalang singhal nya.

O

M

G!!!!

Waaaaaaaah!!! Jusko nga talaga!!!!

"Llian!!"

Waaaaah!! Huhuhu diko naman alam eh!!

"Llian!!"

Natulala ako at di makapaniwalang tumingin sa katawan ng sinasabing si steve franco daw!!! Hayup!! Mukhang Nadali ko! Leche!!

"Llian!!" Nabalik lang ako sa katinuan nang Abutin ako ni mama gamit ang tubo.

Waaaah! Patay talaga ako nito!!

"Anu pang tinatayo tayo mo dyan?!! Tulungan moko para madala natin sya sa kwarto nya at magamot agad?!!" Natataranta akong lumapit kay mama at tinulungan syang buhatin si---

"--OMG! Si Austin nga!" Gulat na naibulalas ko nang makita ko ang mukha nya.

Tiningnan naman ako ng masama ni mama "Buti nakilala mo pa sya?! Tingnan mo nga ang ginawa mo sakanya! Para sya binugbog ng husto!" Sermon ni mama habang dinadala namin si austin sa guest room na ngayun ay kwarto na nya daw.

"Sorry naman po, Akala ko kasi magnanakaw eh" Depensa ko.

"Tsk!" Umiling iling nalang sya saka binuksan ang pinto ng guest room at ibinaba sya sa kama.

****
"Di pa ba sya magigising ma?" Nag aalalang tanong ko, Magtatanghali na pero di pa sya nagigising.

"Hay naku! Bat mo ba kasi naisip na magnanakaw sya?" Kunot noong tanong ni mama.

Ngumuso ako "Di nyo naman po kasi ako ininform na may kasama pala tayo dito"

"Paano kita Ii-inform? Eh tulog Ka! saka di pa magaling yang sugat sa ulo mo diba?" Napahawak naman ako sa ulo ko, Hindi ko pa pala naaalis ang benda dito, Sumasakit kasi kapag sinusubukan ko.

Argh!!  Anu ba naman to!!! Aist!

Ang malas ko!!

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now