#Dreamers (SUNDAY)

2.8K 44 1
                                    

Humihikab akong bumaba ng hagdan, Grabe! Kahit tanghali na kong nagising inaantok pa rin ako.

"Mukhang napuyat ka kagabi ah?" Tanong nya.

"A-Ah..." Tanging nasagot ko lang.

Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape, Bat kasi di ako makatulog kagabi eh! Kasalanan 'to ni Austin, Di nya nilubayan ang utak ko kagabi.

"Hindi ka pa nagbebreakfast at lunch tapos magkakape ka? Di kaya sumakit tiyan mo nyan?" Tanong nya, Sumunod pala 'to sakin.

"Sanay na 'ko" Sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Ako hindi" Nagtataka akong napatingin sakanya, Bakit sya ba ang iinom? Di ba ako naman? "Here. Yan dapat ang inumin mo" Nakangiti nitong inilapag sa harap ko ang isang baso ng gatas.

Tsk! Lalo akong aantukin nito huhuhu "Ayoko nyan!" Pagpoprotesta ko.

Umiling iling lang ito at kinuha ang kape ko saka ito binuhos sa lababo "WHAT THE!!!" Gulat na sabi ko.

"You're not allowed to drink coffee anymore" he command.

"Why?! Sino ka ba?" Inis na singhal ko sakanya.

Tinitigan nya lang ako saka nag iwas ng tingin "Oo nga pala, Sino nga ba naman ako sayo" Makahulugang sabi nya.

Humupa bigla ang inis ko nang makita ko ang lungkot sa mukha at sa mga mata nya "I-Im sorry....Im n-not----" Pinutol nya ang sasabihin ko.

"---N-No its ok" Sabi nito saka na sya umalis.

Napapikit  at napasapo nalang ako ng noo, Gosh!!Anung ginawa ko?!!! Sinaktan ko na naman sya!! Sinaktan mo na naman sya llian!!!

Nagmamalasakit lang naman yung tao eh!! Nagmamalasakit lang sya tapos pagsasalitaan mo pa sya ng ganun? Haist! Llian anung ginawa mo?

Napatingin ako sa gatas na pinapainom nya sakin, Hindi ko naman gustong sabihin yun, Nainis lang ako at sadyang puyat lang.

Ininom ko na muna ang gatas bago ako sumunod sakanya sa sala, Nanunuod na naman sya ng DvD :) Haist! Panu ba ako magsosorry sakanya? tss! Baka pagtabuyan nya lang ako.

Bumuntong hininga muna ako bago ako lumapit sakanya.

Umupo ako sa sahig katabi nya, Diretso pa rin ang tingin nya sa T.V, Galit nga talaga sya!Waaah panu ako hihingi ng sorry sakanya.

"A-Austin....I-Im..." Napakagat labi ako ng bigla syang tumingin sakin.

"--I said its ok llianizza" bored na sabi nito.

Sumimangot lang ako "Alam ko galit ka, Sorry na kasi..." Pangungulit ko.

Di nya ako pinansin "I'm watching llianizza...." Cold na sabi nya.

Lalo akong ngumuso "Austin...." Niyoyogyog ko sya sa balikat nya, Pero binalewala nya lang yun at di ako pinansin "Uy!Sorry na kasi!" Pangungulit ko ulit.

Di nya pa rin ako pinapansin kaya sa inis ko ay pinatay ko ang T.V "What the f*ck llianizza!" Singhal nito sakin.

"Sorry na kasi" Sabi ko.

Napahilamos ito ng mukha "My ghad!! I said it's ok!" Inis na sabi nya.

"Galit ka eh!!" Pagpupumilit ko.

"Im not!" Madiing sagot nya.

Sumimangot at nanahimik nalang ako, Tsk! Di talaga ako mapalagay kapag ganyan sya, Yung tipong kunting asar mo lang galit na agad sya.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now