#Dreamers (BAR'S GRAND OPENING)

1.6K 29 0
                                    

Hi dreamers :) Thanks for reading and following me guys. Love you :)

Vote and comment naman dyan :)

Dream_Secretly :)

----****----

Isang blue dress above the knee ang sinuot ko para sa pagdalo ng grand opening ng bar ni mike.

Simple lang pero di kabastos bastos baka kasi magwala si Austin kapag mas maiksi pa dito ang sinuot ko.

Ngumiti muna ako sa harap ng salamin bago ako lumabas ng kwarto ko...Alam ko naghihintay na sya sa labas.

"Beautiful..." Sabi nya na ikinapula ng buong mukha ko.

Nilahad nito ang kamay nya para alalayan ako sa pagbaba ng hagdan, Ang sweet nya talaga At BOLERO haha

"Let's go" Nakangiting sabi nito.

Tumango lang ako at sumunod sakanya palabas hanggang sa kotse nya.

Sakto lang ang pagdating namin sa sinasabing bar ni Mike...May mga iilang reporters kaming nadaanan na talagang pinagkaguluhan si Austin.

"Nasaktan ka ba?" Tanong nya pagpasok namin ng bar.

Umiling iling ako "Di naman....Siguro Kailangan ko lang talaga masanay na maraming suporters ang boyfriend ko" Nakangiting sabi ko.

Tumawa lang sya saka ako inakbayan at inalalayang makadaan sa maraming tao....Maraming dumalo sa grand opening ng bar ni mike mapa-artista man O simpleng tao na hindi kasali sa showbiz.

Sa tingin ko sisikat din ang bar na 'to dahil bukod sa sikat ang may ari, Maganda at Maaliwalas din ang lugar........Maingay din at punong puno ng tao sa dance floor, Mukhang nagkakasiyahan na sila.

"Nandun sila?" Sinundan ko ang tinuturo nya....Nakita ko sila mike at anthony sa bar counter, Kung saan nandun yung dalawang bartender "Tara" Aya nya.

"Sayang wala sila kyna at rose ann dito" Sigurado ako na matutuwa silang makita ang dalawang artistang iniidolo nila.

Oo! Patay na patay yung dalawa kela mike at anthony....At sa maniwala man kayo O hindi halos buong kwarto nila picture nung dalawa.

Rose Ann Corro & Mike Miranda

Kyna Cristobal & Anthony abuan

Kung kilala nyo lang silang dalawa, Naku! Baliw na baliw yung mga yun sa mga gusto nila.

"Hey!"

"Buti naman nakarating kayo"

Agad kaming lumapit sakanila, and As usual may gestures na naman sila sa kamay na di ko pa rin maintindihan haha siguro for boys lang talaga yun.

"Congrats mike" Nakangiting sabi ko sakanya.

Napangiti sya "Thank you llian..." Sabi nito at ng akmang hahalikan nya ko sa pisngi ng bigla naman akong hinila ni Austin papunta sa likod nya.

"Subukan mo!" Banta nya sabay pakita ng kamao nya.

Natawa nalang silang dalawa samantalang napapailing nalang ako "My possesive boyfriend..." Natatawang bulong ko.

Hinapit nya ko sa baywang palapit sakanya "You're only mine!" Bulong nito "At walang pwedeng gumawa sayo nang mga ginagawa ko" Seryosong sabi nya.

Napangiti ako "Opo boss" Kung puro kasweetan nya rin naman ang susundin ko, Aba! Im willing to follow his command :))

Nagtagal lang kami ng ilang minuto doon bago kami niyaya ni mike sa VIP room na pinagawa nya talaga para daw sa mga kaibigan nya.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now