#DREAMERS (STAY WITH HIM)

3.2K 40 1
                                    

Para sa mga bff at love ones ko:) hihi

---***---

"Hahaha Tingnan mo ang dumi dumi mo na" Haha grabe epic yun, Haha Nahulog kasi sya sa kanal kanina.

"Ah ganun?" Ngumisi sya saka inispread ang mga braso nya, Tumakbo ako nang akmang yayakapin nya ko.

"Yuck! Ang baho mo" Natatawang sigaw ko.

Tumakbo naman sya palapit sakin kaya napasigaw ako lalo "Waaaah jerome" Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ko para di nya ko maabutan.

Napaka isip bata talaga ng taong 'to hahaha "Huli ka!" Natatawang sabi nito nang mahuli nya ko sa braso.

Napatakip ako ng ilong "Ehhh Ang baho" Totoo :) mabaho talaga sya, Wala naman kasing putik na mabango eh haha.

"Ah ganun ha?" Napasigaw ako ng bigla nya kong hilain palapit sakanya saka niyakap.

Waaaah! Amoy putik na rin ako "Waaah jerome!Ang baho baho ko na rin!" Sabi ko sabay tulak sakanya palayo.

"Hahaha....." Natatawa naman syang napahiwalay sakin "haha ngayun parehas na tayo hahaha" Natatawang sabi nya habang nakahawak pa sa tiyan nya.

Napangiwi ako ng maamoy ko ang sarili ko Hmp!Ang baho! "Umuwi na nga tayo! Ang baho baho ko na oh?" Nakasimangot na sabi ko.

Natatawa naman syang lumapit sakin saka ako kinurot ulit sa ilong "Ang cute cute mo talaga" Napasimangot lang ako.

"Ewan ko sayo! Halika na nga!" Nauna na kong naglakad sakanya, Tumatawa tawa pa kasi ang loko doon *Pout* Tsk! Ang baho baho ko na.

"Ang saya di ba?" Biglang tanong nya ng mahabol na nya ako.

Kunot noo naman akong napatingin sakanya "Ang alin? 'To bang amoy putik tayo?"

Natawa ulit sya sa sinabi ko *Pout* anu bang nakakatawa sa sinabi ko? "Haha I-I mean....Ang saya nito, Yung malayo tayong gawin kung anong gusto natin"

Napatingin ako sakanya "Ah..." Sabi ko sabay himas sa kumukulo kong tiyan "Nagugutom na ko jerome" Nakasimangot na sabi ko.

Napa "aray" ako nang kurutin na naman nya ang ilong ko Hubby nya na siguro ang pagkurot ng ilong ko "Di ka po kasi kumain ng breakfast kanina"

"Hmp! Alam mo namang nauumay ako sa nicole na yun eh!" Pagmamaktol ko.

Umiling iling lang ito saka ako inakbayan "Tss halika na nga, Iuuwi na muna kita" Sabi nito sabay hila sakin.

Magdidilim na rin pala, At di lang breakfast ang nalampasan ko pati na rin ang lunch ko.

Hay naku! Bat ngayun lang ako nakaramdam ng gutom? Nadistruct siguro ako sa pakikipag laro sa mga bata kanina.

"Jerome?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmmm?" Sandali itong sumulyap sakin, Saka ulit tumingin sa daan.

"Thanks for staying beside me" Sa totoo lang, Diko ine expect na magiging kaibigan ko pa rin sya after what happened between us, Akala ko magagalit sya sakin.

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat llian, Kaibigan muna ako nung una palang at di na yun magbabago kailanman" Nakangiting sabi nito.

"Thank you pa rin...." Sagot ko.

Huminto kami sa tapat ng gate namin "Di ka na ba papasok?" Tanong ko.

Umiling iling sya saka tinuro ang t-shirt nyang punong puno ng putik "Hindi na. Kailangan ko na rin kasing magbihis"

Tumango nalang ako "Sige! Thank you ulit"

Pumasok na ko sa loob ng bahay, Buti nalang at malapit lang ang bahay ng mokong na yun dito.

Napangiwi ulit ako ng tuluyan na kong makapasok sa loob ng bahay "Ang baho!" Hmp! Kainis naman kasi si jerome eh! Dinamay pako sa sa problema nya.

"Nandito kana pala?"

"AY PUTIK!!" Napasapo ako ng dibdib dahil sa sobrang gulat.

"Bat ka ba nanggugulat?" Gulat pa ring singhal ko.

Tumaas naman ang kilay nya "Kanina pa kita hinihintay! San ba kayo nagpunta?" O_O hinihintay nya ko? Aru jusko! Kaswet na baby ko hahaha

Napangiti ako "Bat mo ba ako hinihintay? May sasabihin ka ba?" Excited na tanong ko.

Kakausapin nya kaya ako tungkol sa nakaraan NAMIN, Kahit papano naman merong KAMI.

Kumunot ang noo nya "Don't assume llianizza (Yanizza)" Ouch! Sakit nun ha?! Sagad sa heart!

"Sorry ha?! Assumera kasi ako eh!" Iritang sabi ko.

Aalis na sana ako nang magsalita ulit sya "Pumunta pala sila mama at papa dito, Sinundo ang mama mo" Sabi nya sabay upo sa sofa.

"Bakit? San daw sila pupunta?" Takang tanong ko, Ang dalawang magbestfriend talaga na yun.

"I dont know" Walang ganang sagot nito sabay tingin ulit sa librong binabasa nya.

Di pa rin sya nagbabago? Mahilig pa rin pala sya sa libro.

"Ah ok" Hanggang kailang kaya mawawala si mama dito? Well ayos lang naman sakin kung kami lang ni Austin dito, Atlis marami kaming time para mag usap.

"Teka...." Napatingin ako sakanya "Bat ang baho?" Kunot noong tanong nito sabay tingin sakin "What the hell happened to you?" Takang tanong nya habang pinapasadahan ako ng tingin.

Napakamot naman ako ng batok "Ahmm mahabang kwento....."

Nakakahiya sh*t "S-Sige" Tumalikod na ko at tumakbo paakyat sa kwarto ko.


Grabe ka llian!! Nakakahiya ka! Puro nalang kamalasan ang pinapakita mo sakanya.

Mukha ka pang dugyot!!!

Waaaaaah Nakakahiya.....Ang baho baho ko pa!

Pero ilang araw kaya kami magkakasama ng kami lang? Sana magkalakas ako ng loob sabihin sakanya ang lahat.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now