#Dreamers (PARTY GIRL)

1.4K 21 0
                                    

Hi dreamers :)

   Iwan na MUNA natin si llianizza at steve franco :) Humihingi kasi ng time yun dalawa sakin hihi..So, punta muna tayo sa dalawa nilang kaibigan si rose ann at mike.

Dream_Secretly :)

---***---

Hi rose Ann corro here: )

Napangiti ako nang makapag park nako sa parking lot ng bar na pupuntahan ko ngayung gabi.

Bumaba nako ng kotse ko at  isinuot ang coat na sadyang dinala ko talaga....Alam ko kasi malamig sa labas.

"Good evening ma'am" Bati sakin ng Bouncer.

Tinanguan ko lang sya at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa loob....Napangiwi ako sa sobrang ingay, Maraming tao ang nagkakasiyahan dito, Di na rin ako nagtaka nang may mga nakilala akong ibang sikat sa industriya....Isang sikat ba naman kasi na superstar ang may ari nito tiyak na sisikat talaga ang bar na 'to.

Inilibot ko ang buong paningin ko sa paligid at nagbabakasakaling may mahanap na kakilala pero wala.

Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa bar counter......"Bigyan mo nga ako ng isang pinakamalakas mong alak dyan kuya" Sabi ko sa bartender ng hindi tumitingin sakanya.

Nakatutok lang sa dance floor ang buong atensyon ko, Asan kaya si mike? Hmmm! Sya pa naman ang sinadya ko dito.

"Nandito kaya yun?" Bulong ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang baso sa harap ko, Hindi nagsalita yung bartender pero narinig ko ang pagbaba ng basong to sa harap ko "Juice to ah?" Takang naibulalas ko.

Langya! Dont tell me ito ang pinakamalakas nilang alak? Di naman conservative si mike ah?

Tiningnan ko yung bartender na nakatalikod na ngayun sakin "Uy kuya! Juice ba ang pinakamalakas nyong alak dyan?" kunot noong tanong ko.

Di ako nito sinagot kaya nainis ako "Hoy! Bastos ka ah! Gusto mo bang isumbong kita kay mike! Aba! di uso pipi dito tyong!" Inis na sigaw ko sakanya.

Buti nalang di ako napapansin dito, Ayoko namang palayasin dito dahil lang sa bartender na 'to Hmmmp! Diko pa man din nakikita si mike.

"hoy! Magsalita ka nga! Kainis 'to! Isusumbong talaga kita kay mi---" Diko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita at humarap sakin.

"What miss?" Nakangising humarap ito sakin.

Napanganga ako at nanlaki ang mata sa gulat "Oh my~~~~" Napatayo ako habang nasa bibig ko ang isang kamay ko.

OMG! Totoo ba to? Nakikita ko talaga sya sa harapan ko? Pucha!,nakakahiya yung pagsigaw sigaw sigaw ko sakanya.

Waaaaah! Lupa lamunin mo na ako huhu "Natameme ka ata?" Nakangisi pa ring tanong nito.

Napakagat labi ako "H-Hmm ano k-kasi a-ahhh" napakamot ako ng batok.

Anung gagawin ko pucha!!! Nakakahiya talaga......Pero mas lalo akong nahiya nang tumawa sya, No! Humagalpak pala sa tawa "Hahaha nakakatawa ka! Sa ganda ng likod ko napagkamalan mo pa akong bartender hahaha" Natatawang sabi nya habang nakahawak pa sa tyan nya.

Namula ako OMG! Yung mahal na mahal at Idol kong artista nakakausap ko ngayun at pinagtatawanan ako Waaaaah! Lupa kunin mo na ako.

"Sorry...." Nasabi ko lang sabay tanggal ng coat ko at takbo sa dance floor.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Onde as histórias ganham vida. Descobre agora