#Dreamers (SURPRISE!!!)

1.5K 25 0
                                    

Sa pang pitong araw ko dito sa ospital ay sinabihan nako ng doctor na pwede na raw akong lumabas, So it means pwede na rin kaming bumyahe papuntang hacienda.

"Sasama ka ba talaga kay tita?" Tanong ni rose ann.

Tumango ako "Oo..." Gusto ko na rin naman kasing magpahinga muna "Magkita nalang tayo kapag pumunta na kayo dun" Nasabi din kasi nila na dadalo daw sila ng fiesta doon, Natuwa nga ako eh! Ngayun lang kasi nila tinanggap ang imbitasyon ko.

"Sige na nga...pero ingat ka sa byahe ha?" Sabi nya.

"Wag kang maglililikot sa byahe kawawa naman si tita" Sabat ni kyna.

"Grabe 'to!Anung tingin mo sakin bata?!" Natatawang sabi ko.

Natawa din silang dalawa "Parang ganun na nga" Sagot ni kyna.

Napairap ako....Grabe sila.

"Aalis na nga ako, pinagtutulungan nyo pa  ko" nakangusong sabi ko

"Mamimiss ka Lang namin beb" sagot ni kyna.

"Mamimiss ko rin kayo... "

---****----

"Llian bukas nalang tayo  bumyahe ok?  Gusto ko kasing maayos na talaga yang lagay mo bago kita ilabas dito?" Sabi ni mama nung bandang hapon na....kaya pala nagtataka ako Kung di pa kami umaalis, bukas pa pala kami babyahe.

Tiningnan ko si mama, Nag aayos na ito ng mga gamit ko "Ma?" Tawag ko sakanya.

Tumingin ito sakin saka ako nginitian "why sweetie? May gusto ka ba?" nakangiting tanong nito.

Umiling iling ako "Wala po ma" Nag iwas ako nang tingin "Itatanong ko lang po sana kung hanggang kailan tayo mamamalagi sa hacienda nila jerome at Austin" Ilang araw/week/month kaya akong absent nito? Hmmmm Patay grades ko huhuhu

"Pagkatapos ng fiesta, babalik agad tayo dito" Nakangiting Sabi nito.

Napatango ako....3 o 5 linggo pala akong absent nito, :) matagal tagal ko rin palang di makikita si Austin.

Napasimangot ako, kung sana di sya busy siguro makakasama pa sya sakin.

Tok! Tok!

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, Kumunot ang noo ko.........Wala na kong inaasahang bisita!,Sino naman kaya Ito?

Tiningnan muna ako ni mama bago nya binuksan ang pinto, kahit sya ay nagtataka din pero nang buksan nya ang pinto....Dun naman pumasok ang TATLONG pamilyar na tao. 

Tatlo silang biglang pumasok ng kwarto habang may mga suot na headband at rabbit pa ang design.....Gumigiling pa sila sa harap ko na lubos Kong ikinatuwa.

"O ANG GALING
GALING MONG
SUMAYAW GALING
MONG GUMALAW
TOTOY BIB---"

Napahalakhak ako pati si mama sa ginagawang kalokohan ng tatlo sa harap ko "Tumigil na kayo guys....Sumasakit na tyan ko sa kakatawa"Natatawang sabi ko.

Kung nandito siguro sila beb, tiyak naninigas na yung mga yun sa kilig.

Umayos na sila ng tayo saka sabay sabay na nagkamot ng ulo "Sabi kasi samin ni manager Laughter is the  best medicine kaya pinapatawa ka namin ngayun" Nahihiyang sabi ni Austin.

"Para siguro kaming sira dito" Namumulang sabat ni anthony.

Natawa ako lalo sa mga itsura nila, Halatang hiyang hiya sila sa sarili nilang kagagawan pwera nalang kay mike na mukhang enjoy na enjoy pa.

"Ang saya! Isa pa!"Tumatalon na sabi nito.

Sinamaan naman sya nang tingin nung dalawa "Shut up mike" Sita ni anthony.

Natawa si mike "Anu ba kayo mga bro! Pinapasaya nga natin si llian diba? Bat ang kj nyo...." Nakasimangot na sabi nya.

Sinapok naman sya ni Anthony "Palibhasa kasi ikaw ang nagplano nito! Argh! Dapat di kana namin sinunod...bwisit!!" Inis na sabi nito.

Napahawak naman si mike sa bahaging sinapok ni anthony "Bakit? Masaya naman ah! Saka natuwa naman si llian dun" nakangusong sabi nya.

"Guys tama na....Natuwa ako, thanks sa performance nyo" Tuwang tuwang sabi ko.

Ngumiti sila at nang akmang yayakapin nako ni mike saka naman humarang sa harapan ko si Austin "Subukan mo!" May pagbabantang sabi nito.

Napasimangot lang si mike at nagkamot ng batok "Parang yakap lang! Damot!" Pagmamaktol pa nito.

Napapailing nalang ako sa mga kalokohan nila....Grabe talaga kapag nagsama tong tatlo.

"Wag mo nalang pansinin ang mga bugok na yan..." Bulong ni Austin sakin.

Napatingin ako sakanya saka ngumiti "Akala ko ba di ka makakapunta ngayun?" Tanong ko.

"Basta para sayo...Magiging posible ang imposoble" Sabi nya sabay kindat.

Kinilig ako----este natuwa ako "Wag mo nga akong pakiligin! Baka mamaya di na ko makaalis" sabi ko.

Natawa sya "I love you...." Bulong nya.

Lalong lumapad ang ngiti ko "Mahal din po kita" Nakangiting sabi ko sabay pisil sa ilong nya.

"EHEEEM!" Napatingin kami sa dalawa.

Nakacross arm silang dalawang nakatingin sakin "Di ba pwedeng wag muna kayong maging sweet kapag nandito kami, Pati kami nilalanggam sainyo" Reklamo ni Anthony.

"Oo nga naman!O.P ako" Pagmamaktol naman ni mike.

Natawa ako "Sorry guys"Natatawang sabi ko saka ako tumingin kay austin na nakangiti rin ngayun "Ang sweet kasi nitong kaibigan nyo" Sabi ko.

"Sinasabi ko lang kung gano kita kamahal" Sabat naman ng nasa tabi ko.

Tiningnan ko sya saka siniko sa tyan, Napa-aww at napatawa naman sya sa ginawa ko "Cheesy mo" Ngingiti ngiting sabi ko.

"Sayo lang" Sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

Namula ako sa ginawa nya kaya Bahagya ko syang tinulak....Nakakahiya sa dalawa "Tumigil ka Austin" Awat ko sa kalokohan nya.

Napabuntong hininga nalang yung dalawa saka tumalikod "Susundan nalang nga namin si tita sa labas! Baka maraming dala yun" Sabi ni Anthony.

"Oo nga, O.P kami dito"May pagmamaktol na sabi ni mike.

Natawa nalang ako habang nakatingin sa dalawang palabas na nang kwarto, Di ko man lang napansin na nagpaalam pala si mama na lalabas lang.

"Di kaya sila pagkaguluhan sa labas?" Tanong ko kay Austin.

Niyakap nya lang ako ng patagilid saka isinandal ang ulo nya sa gilid ng ulo ko "Let them....Bahala sila sa buhay nila" Sagot nya.

"Napakasama mo talaga sa kanila" Nakangusong sabi ko.

"Kasalanan ko ba kung ikaw lang ang inaalala at buhay ko" Sagot nya na ikinangiti ko.

"Bat ka ganyan?" Tanong ko.

"Alin?" Sabi nya habang inaamoy amoy ulit ang buhok ko...seriously anu bang meron sa buhok ko?

"Stop being so sweet Austin, baka masanay ako....."

Baka dumating ang araw na hanap hanapin ko 'to....diko naman hawak ang hinaharap, baka mamaya maghiwalay na naman kami.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now