#Dreamers (THE SUPERSTAR FEELINGS)

1.3K 26 0
                                    

Anu ba yan, settle na lovelife ni rose ann at mike....Masaya na sila at alam na ng publiko.

Haha lipat muna tayo sa natitirang dalawa, kay kyna at anthony hihihi exciting.

Vote and comment:)

----***----

Hey! It's me...Kyna cristobal :)

Nagbabasa ako ng wattpad sa kwarto ko nang biglang pumasok ang pinakamaganda kong pinsan si Francis Ian Garcia.

"Kyna...." Umupo sya sa kama saka ako kinalabit.

Kunot noo ko naman syang hinarap "Bakit?" Malumanay na tanong ko.

"May bisita ako sa labas, Tara pakilala kita" yaya nya.

Napairap ako "Wag na....Magbabasa nalang ako dito" Walang ganang sagot ko.

"Grabe ka naman, pogi kaya 'tong pakikilala ko sayo" tila kinikilig pang sabi nya "Tara na kasi" pamimilit nya.

Sinubukan nya kong hilain patayo pero nagpabigat ako at pilit hinihila ang kamay ko mula sa panghihila nya....Aba! Buti nalang at mas malambot pa ito kesa sakin haha.

"A.Y.O.K.O" Madiing pangtanggi ko "Hindi ko kailangan ng gwapo ok!" Kahit kailan talaga mapilit sya, Nakakainis na kaya! Parehong pareho sila ng bestfriend nya si Anthony abuan....Oo magbestfriend sila kaya wag na kayong magtaka kung bakit kilala ko na yun noon pa man nung di pa sya sikat.

Ang yabang kaya ng anthony na yun *sigh* pero kahit may pagkagaspang ang ugali nya....Nagustuhan ko pa rin sya, ang Tanga kasi nitong puso ko eh! Di umiwas ng panain sya ni kupido.

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang maarteng tawa ng pinsan ko "Oo nga pala, Dimo na nga pala kailangan ng gwapo dahil may Anthony abuan kana haha" Tawa nya.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa mukha ko....Kainis! "Kuya diko na sya gusto ok?!" Inis na sabi ko.

Ngumisi sya "Talaga lang ha? Alam mo kyna my dear di porket binasted ka nya noon ay dimo na sya gusto, Aba! Kala mo ba  diko alam na ikaw ang number one fun ng bestfriend ko" My ghad!

"Hindi nya ko binasted!" Nag iwas ako ng tingin "Oo umamin ako noon na gusto ko sya pero pinagsisihan ko na yun" Noon kasing di pa sya sikat ay umamin na ko na gusto ko sya, pero ang loko iniwasan ba naman ako at ang pinaka worse pa dun ay yung pinamukha nya sakin na di nya ko magugustuhan ever! Ang sama talaga nya.

"Wag bitter kyna"Natatawang sabi nya.

Sinamaam ko sya ng tingin at binato ng unan na agad din naman nyang nasalo "Walangyo! Pinsan kita pero ikaw pa tong dinidiin ako pabalik sa nakaraan" Inis na sabi ko.

Tumawa lang sya at kumaripas ng takbo papunta sa pinto ng kwarto ko "Bitter kyna" tukso nya sabay pihit ng seradora.

"Argh shut up!" Binato ko ulit sya ng unan pero bago pa ito lumapit sakanya ay agad na syang nakalabas.

Kainis!

---***---

Tanghali na ng makaramdam ako nang gutom kaya Lumabas na ko ng kwarto ko at dumiretso sa kusina.

Tahimik yung bahay pagbaba ko palang ng hagdan, mukhang umalis yung magaling kong pinsan.

Kunot noo kong tiningnan ang maliit na notes na nakadikit sa ref. Namin, Kinuha ko ito at  binasang maigi Couz aalis muna ako, don't worry nandyan naman si Anthony para ipagluto ka :)

"Oh my Ghad!!" Nanlalaking matang naibulalas ko.

Sh*t pinlano nya to! Napaka talaga ng pinsan kung yun, pasalamat sya at love ko sya hmmmp! But wait! Sabi nya nandito daw si anthony.

Oh my ghad! Ibig sabihin umaalialigid lang yun dito?! Ghad! Ayoko syang makita lord please lang.

"Bumaba kana pala" Nanigas ako, Buhay na buhay pa rin yung pakiramdam kapag malapit sya sakin.....Boses nya palang, napapahinto na nya ang ikot ng mundo ko.

Unti unti ko syang hinarap, sh*t may anghel! Nakasandal sya patagilid sa pinto ng kusina habang mataman akong tinitingnan.

Natutunaw ako sa mga titig nya kaya ako na ang umiwas ng tingin "A-Ahh oo kanina pa" Sabi ko "s-sige babalik na k-ko sa k-kwarto ko" Naglakad na ko patungo sakanya, Gustuhin ko mang wag mapalapit sakanya ay wala akong magagawa, isa lang naman kasi ang labasan dito, di naman pwedeng sa bintana ako dumaan diba.

Haist! Bakit ba kasi ganito, bakit naaapektuhan pa rin ako? "Kyna wait" Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko.

Bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko kapag nadidikit ako sakanya O kaya matamaan ko lang kahit kaunting

balat nya....Isa lang ang ibig sabihin nito.

Mahal ko pa rin sya.........

Napakagat labi muna ako bago ko sya tiningnan "A-Aakyat na ko sa kwarto ko!" Matigas pero nanginginig na sabi ko.

Binawi ko na ang braso ko sakanya saka ko na sya tinalikuran....Tama na yung nagpakatanga ako noon.


"Kyna!" Tawag nya sakin pero mas pinili ko nalang na wag yun pansinin.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ulit ang kamay ny sa braso ko, pero this time marahas na nya akong iniharap sakanya.

"Anu ba!" Protesta ko at pilit ko syang tinutulak palayo.

Kumunot lang ang noo nya at malungkot akong tiningnan "I-Im sorry...." halos pabulong nyang sinabi saka sya may pinunasang kung ano sa magkabilaang pisngi ko "Sorry nasaktan kita ulit...." Sincere na sabi nya.

Umiiyak na pala ako, pucha! Bat diko yun napansin!

Tiningnan ko lang sya at di nagsalita....Di na rin ako nagprotesta ng bigla nya kong yakapin.

Gaano na ba katagal mula nang maramdaman ko ulit ang mga yakap nya.....Ang tagal ko na palang nagtitiis bilang isang fan nya lang, Ni diko naramdaman na napapagod na pala ako.

"Naalala mo nung sinabi mong mahal mo ko?" Stupid! Panu ko yun makakalimutan! Winasak mo ang puso ko nun diba?! "Akala mo wala akong pakialam sayo pero ang totoo lumulundag na sa tuwa tong pesteng puso ko" Pati puso ko anthony lumulundag na rin ngyun, parang gusto na nga nyang lumabas dahil sa mg naririnig ko "Ang saya ko nun, Akalain mo yun gusto rin pala ako ng babaeng ginusto ko sa matagal na panahon" Gusto nya rin ako? Tama ba tong mga naririnig ko? Gusto nya rin ako.

Humiwalay sya sa yakap sakin saka muling pinunasan ang mga luhang tuluyan na namang pumatak mula sa pisngi ko "Pero sinaktan moko?" Di makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti sya saka ako hinalikan sa noo at muling niyakap "Dahil gusto kong maging successful muna bago ako umamin sayo at believe me hindi ko intensyong saktan ko O iparamdam sayo na di kita magugustuhan kailanman....Dahil Noon pa mang unang pagkikita natin baliw na baliw na ko sayo kyna cristobal" Bulong nya sa tenga ko.

Napapikit ako, kung panaginip lang ito sana wag na kong magising....pakiramdam ko nasa isa akong paraiso kung saan kasama ko ang aking prinsepe.

"M-Mahal na mahal din kita...." Bulong ko rin.

Lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin nang marinig nya ang sinabi ko....Alam ko natuwa sya doon "Akala ko diko yan maririnig mula sayo, Akala ko kapag bumalik ako sa buhay mo huli na....Akala ko may iba na" Bulong nya.

"Kahit kailan walang nakapalit sayo dito sa puso ko"

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang