#Dreamers (VISITORS)

1.6K 36 1
                                    

Nagtimpla lang ako nang juice at nagluto ng pop corn sa microwave para kela Austin.

Napaka talaga ng lalaking yun, Palayasin ba naman ang mga bisita nya....Minsan na nga lang bumisita yung dalawa dito.

Hinihintay ko nalang tumunog ang microwave nang biglang may yumakap sakin mula sa likod ko.

"Austin...." Napangiti ako, Napakapilyo talaga ng lalaking 'to "Bat mo iniwan yung dalawa dun?" Tanong ko sakanya.

"Tsk! Hayaan mo sila!" Inis na bulong nito "Akala ko pa naman masosolo na kita kapag inalis kita sa field trip na yun! Yun pala hindi! Bat kasi ngayun pa sila pumunta dito" Dagdag nya pa.

Hinarap ko sya saka bahagyang kinurot sa ilong "Ikaw talaga! Minsan na nga lang pumunta dito yung mga yun, Pinapalayas mo pa!" Saway ko sakanya.

Ngumiti rin ito saka ako hinalikan sa noo "Alis nalang tayo?" Paanyaya nito.

Kinurot ko sya sa tagiliran kaya Napakalas sya ng yakap sakin "Sakit nun ha?" Natatawang sabi nito.

"Puro ka kalokohan" Natatawang sabi ko "Balikan mo na nga sila doon" Nakakahiya 'tong lalaking 'to...Mang iwan ba naman ng bisita.

Hay naku! Kung diko lang mahal 'tong taong 'to eh.

"Ayaw! dito lang ako" Pagmamaktol nya.

Sinubukan nya kong yakapin ulit pero umiwas ako "Umayos ka Austin..." Natatawang sabi ko.

Ngumisi lang sya "Kiss mo muna ako" Nakangusong sabi nya.

Umiling iling ako "Ewan ko sayo!" Tumalikod na ko sakanya saka kinuha ang mga popcorn na niluto ko "Bumalik ka na dun Austin" Utos ko sakanya na di nya sinunod.

Pasaway talaga 'to......"Sabay na tayo" Pangungulit nito.

Hinarap ko ulit sya "Bat ba ang kulit kulit mo"

Ngumisi lang sya saka ulit lumapit sakin "Bat ba ang ganda ganda mo?" Tanong nya rin.

"Puro ka talaga kalokohan" Ngingiting sabi ko.

"Sayo lang...." Nakangising sagot nya.

Napailing nalang ako....Ang tigas tigas ng ulo ng Superstar na 'to.

---***---

"Nga pala grand opening ng bar ko bukas....Sana makapunta kayo" Sabi ni mike.

Ngumuya lang ako ng pop corn at si Austin na ang sumagot "Susubukan namin makapunta, Anung oras ba?"

" 7 in the evening pre"Sagot nito.

Gabi pala...Hmm? Pwede naman siguro yun kasama ko naman sya.

"Sige, Pupunta kami" Sabat ko.

"Talaga?" Nagningning ang mga mata nito.

Tumango tango ako "Oo" Minsan lang naman na may nag imbita sakin na dumalo sa grand opening ng isang bar.

Napatingin naman sakin si Austin "Bar yun llianizza" Nakataas ang dalawang kilay na sabi nya.

Ngumiti ako "Ayos lang...Kasama naman kita dun diba?" Panatag naman ang loob ko dahil alam ko na di nya ko iiwan at hahayaan doon.

"Pero may mga lalaki dun" Giit pa rin nito.

Hinawakan ko lang sya sa kamay...His being possesive again but it's cute :) "Pumayag kana...Minsan lang naman mag invite tong si Mike" Panlalambing ko.

Napatingin naman ako sa dalawa na halatang nagpipigil ng tawa "Grabe steve! Di mo bagay mag drama haha nakakasuka paksh*t!" Di napigilang bulalas ni Anthony.

Natawa na rin ako......Parang di sila mga artista kung magsalita.......haaay Kung sabagay puro performance at guesting palang pala ang nagagawa nila.

"Mga ulol!" Inis na singhal naman nya sabay tapon ng isang unan sa mga ito.

Natawa kami pareho........"Ngayun alam ko na kung saan nakuha ni Austin lahat ng kalokohan nya" Natatawang sabi ko.

"Di naman! Kami kaya ang nagmana dyan" Giit ni mike.

Sinamaan lang sya ng tingin ni Austin "Wag mo nga akong ipahiya kay llianizza!" Angal nya.

Napailing lang sila "Grabe! Ganyan pala sya kapag inlove" Sabi ni Anthony.

Napangiti ako....Ganyan talaga sya kapag inlove lalo na sakin hahahaha sana di na sya magbago, Sana akin lang sya hanggang sa huli.

"Possesive pala ang isang Steve franco" Si mike....Tumango tango pa ito na parang isang trivia ang nalaman nya.

"Tsk! Possesive at selfish talaga ako para sa babaeng mahal ko...Kaya subukan nyo lang gustuhin ni buhok nito para di na kayo sikatan ng araw!" Banta nya na nagpangiti sakin at lalong nagpahalakhak sa dalawa.

"Opo boss" Natatawang sagot nila mike at anthony sakanya.

"Good" Ngumisi ito saka humarap sakin.

"Napaka pilyo mo talaga!" Umiiling na sabi ko.

"Sayo lang..." Sagot nya.

Napairap ako...Lagi nya nalang sinasabi ang line na yan! Tsk! Pinapatay ata ako nito sa kilig haha

"I love you...." Bulong ko sa tenga nya....Mahina lang na bulong yun para di marinig nung dalawa.

Napangiti sya saka lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko "Mas mahal kita" Sagot nito na nagpangiti sakin lalo.

---***----

Anu dreamers? Wala bang comment O like dyan? :)) para naman lalo akong mainspired.

Nga pala dreamers :) sabi ng mga mababait kong kaklase na bitter daw ako, Kaya siguro walang sweet sa mga gawa ko hihi.

Dream_Secretly :)

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now