#Dreamers (BONDING)

1.2K 19 0
                                    

Napangiti ako nang marinig ko ang mga hagikgikan nila, Nasa sinehan kami ngayun dahil napagpasyahan naming magkaroon muna ng kunting bonding dito.

Nakakatuwa dahil kahit sila beb nakuha na ang mga gusto nila, Grabe iba pala kapag pinapalibutan kami ng mga gwapong nilalang pakiramdam ko kapag nasa crowd kami maya maya magkakaroon ng race.

"Tsk! Diko maintindihan! Di naman valentines day ngayun pero bakit andaming sweets" Iritang sabi ng katabi ko sa kanan, nasa kaliwa ko naman si Austin.

Natawa ako "Maghanap kana kasi ng magiging girlfriend mo" biro ko sakanya.

Ayos na rin kami, Pati sila ni Austin ayos na rin, Pero minsan di talaga maiiwasan ang pagbabangayan nila.

"Dadating din tayo dyan" nakangising sabi nito sabay kindat sakin.

Loko talaga 'to hahaha "Basta wag kang lalagpas sa kalendaryo ha? Baka naman uugod ugod ka na dun ka palang magnonobya" Tukso ko.

Tumawa lang sya "Hahaha hintayin mo lang llian! Malay mo magulat ka nalang isang araw may babae na kong ihaharap sayo"

"Siguraduhin mo lang jerome WATER"

"What the...!! It's TUBIG not WATER!"

"Watever!"

Buong oras namin sa loob ng sinehan ay nag aasaran lang kami ni jerome, Ganun din naman ang ginagawa ng iba samantalang natutulog naman si Austin sa tabi ko.

Buti nalang nga at hindi naiingayan 'tong mga taong kasama namin rito eh, Lalo na si Austin, Ewan ko ba kung bakit parang puyat na puyat sya.

"Saan next destination natin guys?" Nakangiting tanong ni rose ann habang dikit na dikit naman si mike sakanya na tila aagawin ito ng iba.

Napailing nalang ako at napatingin kay Austin at jerome na nag uusap sa malayo, Anu na naman kaya ang pinag uusapan ng dalawang yun? Di man lang kami sinama.

Maya maya pa'y nabaling naman kay kyna ang atensyon ko "Kain nalang tayo" sabi nito habang hinihimas himas ang tiyan nya.

"Oo nga kain nalang tayo"pang sang ayon naman nung tatlo.

"Ganyan ba talaga kapag puro kayo inlove? nagiging pareho na kayong lahat ang hilig?"Natatawang tanong ko.

Lumapit naman sakin sila beb saka ako inakbayan "Di naman be, sadyang busog na busog lang 'tong mga puso namin--" Si rose ann sabay sulyap kay mike at kindat dito "Kaya tiyan nalang namin ang poproblemahin namin ngayun" Pagpapatuloy nya, Sinulyapan nya naman si kyna "Diba kyna?"

"Oo" si kyna naman ngayun ang nagsalita "Ganun pala yung feeling no? Kapag gusto ka rin ng taong mahal mo? Ang saya!" Sabi nito.

Napangiti nalang ako at napatingin kela mike at anthony na nakatingin din naman kela beb.....Masaya ako para sakanilang apat.

"masaya talaga mga beb" Nakangiting sabi ko nalang

Sana di na ito matapos, Yung masaya kaming lahat at walang pinopoblema, Sana wala na talagang gulo ang mangyari pa.

"Sige na mga beb, bumalik na kayo sa mga boyfriend nyo!"Pagtataboy ko sakanila.

"Di mo naman kami tinataboy nyan noh?" Pairap na sabi ni rose ann.

Natawa nalang kami "Baka kasi sabihin ng dalawa na inaagaw ko kayo sakanila"

"UY! Di ah!" angal nila "Alam naman namin kung ano ang turingan nyo sa isat isa" sabi ni mike habang nakatingin saming tatlo.

"Don't worry llian kahit anung oras pwedeng pwede mong hiramin si kyana sakin basta ba ibabalik mo lang sya agad" nakangiti namang sabi ni anthony, Kyana ang tawag nya kay kyna.

"Basta wag nyong paiiyakin 'tong dalawa ha? dahil kapag umiyak tong mga to dahil sainyo! Naku! Titirisin ko kayo ng buhay tsk!"pagbabanta ko.

Natawa nalang sila at sumaludo sakin "YES MAAM!"

Nagkakasayahan na kami ng biglang may umakbay sakin, pagtingin ko naman ay isang nakangiting anghel ang nakita ko.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ah? Gusto nyo na bang kumain?" Tanong nito.

"Oo nga tara na, kain na tayo" Si kyna na ang sumagot.

"Tsk! Basta talaga pagkain" si rose ann.

"Hoy! Rose ann baluyut corro! Anu bang magagawa mo kung gutom ang tao?"

"Bakit kyna cabrera cristobal tao ka ba?"

"Tigilan mo ko rose ann"

"Manahimik ka kyna"

Napakamot nalang kami ng ulo ng magsimula na sila ng away, Pinagtitinginan na tuloy kami...Buti nalang at hindi kami pinagsusugod ng mga tao dito....Duh! Ang gwagwapo kaya ng superstar na katabi namin ngayun haha

"Guys tama na" nahihiyang pagbabawal ko sakanya.

"SHUT UP!" Kyna/rose ann.

Napataas naman ako ng dalawang kamay "Relax mga beb! Pinagtitinginan na tayo oh? Gusto nyo bang ibush kayo ng mga fans nitong tatlo?" May halong pananakot na sabi ko.

Natahimik naman ang dalawa at nag ismiran nalang.....Hindi naman sila nag aaway, naglalambingan lang sila promise! Hehe


Alanganin lang silang inalalayan palayo sa isat isa nila mike at anthony, Maniwala kayo magkakaibigan talaga kami at yan ang way namin para magsabi ng I love you sa isat isa.

ganun namin kamahal ang isa't isa na parang kulang nalang magmurahan na kami.

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon