#Dreamers (HER HAPPINESS)

1.5K 29 0
                                    

Ilang minuto palang akong nakakapagpahinga at nakakahiga sa kama ko nang biglang pumasok si jenny.

Nakangiti ito at agad agad na tumakbo papunta sa tabi ko "May ibabalita ako sayo! Isang magandang balita" Excited na sabi nito.

Nagtaas ako nang isang kilay saka ko sya tinalikuran "Wala ako sa mood marinig yan" Baka tsismis lang yan, Aba! Delikado rin kaya yun :)

"Uyyyyy..." Niyuyogyog nya ko pero di ko sya pinapansin....Hmp! Bala sya, basta ako matutulog nalang.

"Llian bumangon ka na muna kasi!" Iritang sabi nito.

Napairap ako "Anu ba kasi?! Kung tsismis lang yan! Wag nalang" Sabi ko.

"Hmmmmp!" Naiinis itong tumayo, Naramdaman ko pa ang biglaan nyang pagtayo "Akala ko pa naman interesado ka sa sasabihin ko tungkol pa naman ito kay steve franco?" Sabi nito dahilan para mapaupo ako sa kama ko.

"Ha? Si Austin?" tanong ko "Anung tungkol sakanya?" Excited na tanong ko pa.

Napairap sya saka nag cross arm "Wala...kalimutan mo nalang yun" Nakangusong sabi nito.

Sumimangot ako "Sabihin muna please?" Pamimilit ko pero ang loka di ako pinansin, Bumaba ako sa kama saka ko sya nilapitan "Uyy sorry na...." Pamimilit ko pa.

"Haist" Tumingin ito sakin "Pasalamat ka at di kita matiis" Sabi nito na nagpaliwanag sa mukha ko.

Ngumiti ako saka bahagyang lumayo sakanya para makagalaw sya "Yung balitang sinasabi mo tungkol sakanya? Anu yun?" tanong ko.

Napailing sya "Inlove ka talaga sakanya noh" Ngingiting sabi nito "Dumating na sya kanina pa, Nandun sya sa kwarto nya ngayun" Sabi nito.

"OMG! TALAGA?!" Nanlalaki ang mga matang naibulalas ko nalang , bat di nya sinabing ngayun sya dadating.

nagkibit balikat nalang ito at ngumisi saka umusog at tinuro ang bahagyang bukas pang pinto ng kwarto ko "Puntahan mo na!" Sabi nito.

Napasigaw ako dahil sa sobrang tuwa, Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto nya.....Grabe! Namiss ko sya, miss na miss ko na sya.

"YAAA AUSTIN!" Napatakbo ako papunta sakanya.

Nabigla sya sakin kaya na out of balance sya ng yakapin ko sya,Napahiga sya sa kama samantalang nakapatong naman ako sakanya.

"Sobrang namiss kita" Nakangiting sabi ko.

Natawa sya "Halata nga" Natatawang sabi nito.

Nag angat ako nang tingin para makita ko ang mukha nya "Ang daya mo! Dimo man lang sinabi na uuwi kana pala dito" Nakangusong sabi ko.

"Gusto lang naman kitang sorpresahan, pero mukhang ako ata ang mas nagulat" Sagot nito.

Natawa ako saka ko inabot ang labi nya ng labi ko "Salamat sa pag uwi dito ng maaga, nababagot na kasi ako dito" Sabi ko.

Napangiti sya at nang akmang hahalikan nya rin sana ako nang bigla namang pumasok si "Steve apo bakit hin----JUSMIYO MARIMAR!"

Agad kaming napatayo dahil sa sobrang gulat, Nakakahiya "Lola naman!bat dika man lang kumakatok!" Nagkakamot ng batok na reklamo ni Austin.

Napatingin ako sakanya pero agad din naman akong nag iwas ng tingin ng mapansin ko ang ayos nya F*cksh*t bat ngayun ko lang napansin na wala pala syang damit at tanging towel lang ang tumatakip sa pang ibaba nya....Argh! ang tanga mo llian! Nakakahiya tong ginawa mo! Dinaganan mo pa sya nang ganun ang ayos nya.

"Anung kumatok? Di na uso yun apo lalo na at bukas yang pintuan mo" Sagot ni lola saka nagtaas ng kilay "Mabalik nga tayo sa nakita ko kanina!" Napamaywang ito habang nakatingin samin, Napayuko naman ako sa sobrang kahihiyan "Di ba kabilin bilinan na namin sainyo na gawin nyo lang yun kapag kasal na kayo!" Sermon nito na ikinapula ng mukha namin.

"L-Lola naman!" Sabay na reklamo namin.

"Hay naku! Mga kabataan talaga masyadong mapupusok!" Umiiling na sabi nito.

Napakagat ako nang labi "Wa-Wala naman po k-kaming ginagawa lola!" Namumulang sabi ko.

Waaaaaaaah! Nakakahiya talaga ako! Kainis naman eh! Bat kasi ang tanga tanga mo llian?! Bat kasi pumatong patong kapa sakanya ng hindi mo man lang napapansin na wala pala syang saplot.

Napataas ito ng kilay "Eh anu yung nakita ko? Binibihisan mo sya ganun?" Sabi nito.

lalo akong namula sa sinabi nya....waaah matatanda talaga! "Hind--" Diko na natapos ang sinasabi ko nang biglang sumabat si Austin.

"---You got it lola!" Napakunot ako nang noo sa sinabi nya, Lumapit naman sya sakin saka ako inakbayan "Masyado kasi akong binibaby nitong girlfriend ko kaya pati sa pagbibihis ko nagpiprisinta na sya" Nakangising sabi nya.

Nanlaki naman ang mga mata ko at napanganga sa KAYABANGAN nya...Minsa talaga iniisip ko kung ano ang nagustuhan ko sa mayabang na 'to, Lalo atang lumakas ang hangin nya sa sandaling panahon na nagkahiwalay kami.

"Baby damulag!" pairap na sabi ko...Ang laki naman nyang baby! Tsk! Kung bakit kasi sobra akong naexcite makita tong tyonggo na 'to.

Kunot noo namang lumapit si lola samin saka pinalo ang kamay ni Austin na nakaakbay sakin, Natawa ako sa ginawa nya...Napaaray kasi si Austin, Masakit siguro haha karma attack! Tsk! "Hindi na kayo mga bata para maglaro pa ng manyika manyika at bahay bahayan!" Sabi nito.

"Sorry po lola" sabi ko.

Tumango lang ito saka na tumalikod "Bababa na ko, Sumunod ka kagad llian, ayokong nagtatagal kayo ng magkasama rito" Sabi ni lola bago lumabas ng kwarto.

Napatingin naman agad ako kay Austin "Binibihisan ha?!" Mataray na sabi ko.

Natawa sya saka inispread ang dalawang kamay nya "Bihisan mo na ako baby" Nang aasar na sabi nito.

Kinuha ko naman ang naabot kong unan at tinapon sa pagmumukha nya "Bihisan your face!" Pairap na sabi ko "Di porket my A-Abs ka gaganyan ganyanin mo nalang ako" Sabi ko pa.

"I love you...." Di nya pagpansin sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo!" Tumalikod na ko nang marinig ko ang pagtawag sakin ni lola "Bababa na nga ako! Sumunod ka nalang!" Sabi ko saka na ko tumakbo palabas ng kwarto nya.

Nakakahiya yung ginawa ko kanina pero natutuwa pa rin ako dahil nandito na sya.

"What took you so long?!" Inip na inip na tanong ni lola.

Ngumiti ako "May sinabi lang po ako" sabi ko.

napailing sya "Siguro binihisan mo pa sya" may pang aasar na sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko at napailing ng sunod sunod....Di nya pa ba nakakalimutan yun? Nag mememo plus gold siguro si lola.

STEVE AUSTIN FRANCO POV

Napapailing nalang ako habang inaalala ko ang mukha nya kanina, kung paano sya mamula dahil sa kahihiyan. I really cant believe na di nya na napansin ang suot ko.

Priceless na priceless ang mukha nya.

Haha sa simpleng kilos nya lang ng ganun ay lalo ko lang syang minamahal....Ang ganda ganda nya kahit anung gawin nya.

Napangiti ako pero agad din namang napawi yun ng maalala ko ang pag uusap namin ng papa nya.

Kaya koba?

Kaya ko bang protektahan sya?

Kaya ko ba?




Kaya ko bang mailayo sya sa kapahamakan?


Natatakot na mabigo ako! Natatakot ako na baka mawala sya sakin.


Mahal na mahal ko sya........

Mahal na mahal ko si llianizza guevarra.....

I Love you MR. SUPERSTAR 💯Where stories live. Discover now