CHAPTER 3

34.3K 589 46
                                    

NAGPALIT si Doc Matteo ng another suit. Kulay gray.

Palihim siyang lumabas sa may backdoor. Akala niya hindi siya mapapansin ng mga babae pero...

"WAAA! Doc Matteo! Please, notice us!"

Dali-daling tumakbo si Doc Matteo papasok sa kotse niya at agad niyang pinatakbo ang kotse niya.

Napahinga ng malalim si Doc Matteo and habang nagmamaneho siya ay biglang nag-ring ang phone niya.

"Hi babe?"

"Hey? Steffany? Napatawag ka?" Doc Matteo answered.

He smiled differently.

It was his girlfriend, Steffany.

And YES!

Doc Matteo really have a girlfriend.

Kaso ang hindi lang talaga niya pinaalam sa iba. Well gusto niya naman talagang ipangalandakan sa mundo na may girlfriend siya kaso, si Steffany, gusto niyang i-private nalang ang relationship nila.

Steffany was Doc Matteo's first love. College pa silang dalawa noon ng magkatagpo ang landas ni Doc Matteo at ni Steffany. Stefanny that time was very famous sa university nila while Doc Matteo was just a simple guy na mahilig mag-aral. Doc Matteo thought na malabong maging sila ni Steffany but after Doc Matteo gave roses to her ay parang magic na naging sila. Kaso, ang problema, ayaw ipaalam ni Steffany na sila ng dalawa. Kaya ang buong akala ng iba, SINGLE itong si Doc Matteo.

Pero.... hep! hep"

Huwag munang ma-disappoint ha?

"How are you my boyfriend?"

"I'm okay. How about you?"

"I'm quite busy e. Busy ako ng konti sa mini-business ko. But now, I'm here in a bar. Punta ka rito, please?" pa-cute na sabi ni Steffany.

"Sure. Saang bar 'yan?"

"Detergent Bar,"

"Okay. Copied. I'll be there in ten minutes," Doc Matteo said at agad nang niliko ang kotse niya.

After 10 minutes ay nakarating na siya sa bar na iyon, he was supposed to park it pero may biglang tumawid na babae sa daan causing for him to immediately stop his car, "Shit!" sigaw niya at bumaba siya ng kotse niya.

"Hey? Are you crazy?" sigaw niya sa babaeng umiiyak na nasa harapan ng kotse niya.

Nakatayo ito, magulo ang buhok, maikli ang shorts at parang hinalay ng tatlumpong beses.

"Whatever you want to do with your life, if you want to die, magbigti ka!" sigaw ni Doc Matteo, pinagkakaguluhan na sila ngayon ng mga tao.

Humikbi naman ang babae.

"If you want to die, not here in the road or kung gusto mo, tumalon sa tulay! Hoy! Pa'no kung nasagasaan kita? Ha? Speak up!" sigaw ni Doc Matteo.

Biglang ngumawa ang babae at lumapit sa kanya, "Niloko mo lang ako walang hiya ka! Sabi mo pa, mamahalin mo akong buo, pero anyare? Ang sakit sakit ng ginawa mo! Binigay ko sa'yo lahat ng gusto mo pati ng ang sweldo ko, binigay ko na! Humingi ka ng cellphone, binilhan kita! Humingi ng pambili ng breif, binigyan kita ng pera. Pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ako! Walang hiya ka!" sabi ng babae na pinagsusuntok ang dibdib ni Doc Matteo.

"What?" iyon nalang ang nasabi ng Doctor.

Maya-maya pa, nagsimula ng dumagsa ang mga tao, kanya-kaya silang kuha ng litrato at videos.

'Yung wala namang mga gadgets, nagsimula namang mag-bulong-bulongan.

"Niloko mo ko Kristoff! I hate you! I hate you!" umiiyak na sigaw ng babae kay Doc Matteo at maya-maya pa ay nag-ring ang phone niya. Si Steffany, tumatawag.

"Boyfriend? Where are you?"

"Actually, I'm already infront of the ba---" sabi ni Doc Matteo na hindi na natapos nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Si Steffany.

"Matteo? Sino ang babaeng 'yan?"

"Steffany, look--" hindi ulit natapos si Doc Matteo sa pagsasalita nang biglang ngumawa ang babaeng nasa harapan niya.

"Binigay ko sa'yo ang pagkababae ko! You were my first! Binutasan mo ako! Binigay ko sa'yo lahat pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ako. Ang sakit! Sakit! Sakit ng pagkabutas mo! Pero mas masakiy parin ang panloloko mo! Walang hiya ka! Hinayupak ka!"

"Matteo? What is this?" nangingilid luhang tanong ni Steffany.

Biglang nataranta si Doc Matteo.

Mag-e-explain pa sana siya kaso, "Steffany!" sigaw ni Doc Matteo ng biglang tumakbo si Steffany.

Hinabol niya ito, "Mali ang iniisip mo!"

"Matteo! All this time, akala ko ako lang! Ano 'yun? Joke lang lahat ng sinabi mo? Tapos binutasan mo pa siya? What the heck was that? I'm sorry Matteo but let's break!" sigaw ni Steffany at umalis na.

Naiwang basag ang puso ni Doc Matteo.

Pinanuod lang ni Doc Matteo ang first love at first girlfriend niyang lumayo sa kanya.

Nasaktan siya pero mas mataas ang lebel ng galit sa utak niya.

Hinawi niya ang mga taong humaharang sa daan.

Muli niyang hinarap ang babaeng muntikan na niyang mabangga.

Umiiyak parin ito.

Kinuha ni Doc Matteo ang bag nito at nilaglag sa lupa ang lahat ng laman.

Halos masuka ang mga tao nang mahulog ang dalawang used napkin ng babae na nakakabit pa sa panty nito.

Nandidiring kinuha ni Doc Matteo ang I.D. ng babae at nagtangis ang mga ngipin niya ng basagin ang pangalan nito, "Cindy Posadas,"

Hinarap niya ang umiiyak na babae, tinignan niya ito mata sa mata, "Cindy Posadas,"

"You have to pay for what you've done," Doc Matteo said at umalis na.

Naiwan si Cindy.

Biglang lumayas ang espiritu ng alak sa katawan ng babae.

"Jusko? Anong ginawa ko?" sabi ni Cindy at napatakbo nalang kaso napahinto siya ng biglang may sumigaw.

"Miss! 'Yung napkin at panty mo!" sigaw ng isang lalaki at napanganga nalang si Cindy.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon