CHAPTER 9

19.4K 403 5
                                    

NATAPOS na sa pagligo si Cindy. Muli na siyang bumalik sa unit ni Doc Matteo.

"Ready ka na?" tanong ni Doc Matteo na bihis na bihis na.

"Ready? Kita mong hindi pa nga ako nagpapanty, ready? Bwesit ka ba?" sigaw ni Cindy.

Naka-towel lang si Cindy ngayon kaya pumunta pa talaga siya sa kusina para makapagbihis ng maayos.

When all are set, naunang bumaba si Doc Matteo papuntang parking area.

"Bwesit talaga siya? Saan na ba 'yung kotse niya?" naiinis na taong ni Cindy sa sarili niya habang iniisa-isang tinignan ang bawat bintana ng kotse dito sa parking area.

Maya-maya pa ay may biglang bumusina sa kanya.

"Aaa!" sigaw ni Cindy.

Naglakad siya papunta sa mismong kotse na bumusina sa kanya, "Balak mo ba akong patayin sa kaba?" sigaw ni Cindy at pumasok na siya sa kotse ni Doc Matteo.

"Malay ko bang tanga ka," sabi ni Doc Matteo at wala namang nagawa si Cindy kundi sabunutan ang sarili niyang buhok.

While kasama ni Cindy si Doc Matteo sa loob ng kotse. Wala siyang magawa kundi manahimik nalang. Inis siya kay Doc Matteo. Magaling kasi ito mambara at higit sa lahat, sadyang kumukulo lang talaga ang dugo niya sa doctor na ito. Maya-maya pa ay nakarating sila sa isang Japanese Resto.

"Japanese? 'Di ba sinabi ko sa'yong hindi ako marunog mag-chopstick?" sigaw ni Cindy kay Doc Matteo.

"Alam mo bang ang sakit-sakit mo sa tainga? Can you shut for an hour? Please lang?" naiiritang sabi ni Doc Matteo.

Pumasok na sila sa Japanese Resto. Sa second floor, sa ikatlong table ay nakita ni Cindy at tatlong naggwapuhang nilalang na mukhang may kasamang mga girlfriend.

Na-concious bigla si Cindy sa pagmumukha niya dahil sa ganda ng mga girlfriend ng kaibigan nitong si Doc Matteo.

"Kailangan ba talaga 'to?" tanong ni Cindy kay Doc Matteo.

"Yeah. Sipsip ang mga 'to sa grandparents ko kaya kailangan natin 'tong gawin."

"Eh pa'no 'yung ex girlfriend mong si Steffany?"

"Hindi nila kilala 'yun. Hindi nila na may girlfriend ako DATI," sabi ni Doc Matteo na in-emphasize pa talaga ang word na 'DATI' nang sagayon ay makaramdam ng kaonting konsensya si Cindy.

"Coil your hands in my arms," Doc Matteo demanded.

"Ha? Hindi ko gets. Tagalugin mo!"

Napa-facepalm si Doc Matteo, "Sabi ko, ilagay mo ang kamay mo sa braso ko," sabi ni Doc Matteo at ginawa naman niya ang inutos sa kanya ni Doc Matteo.

Finally, nandito na silang pareho sa table ng tatlong kaibigan ni Doc Matteo.

"So, is this your maid?" sabi ni Xian. Natawa silang lahat except Cindy.

"Ofcourse I'm joking pareng Matt, upo na kayo."

Nagsimulang mag-chikahan ang lahat except ulit kay Cindy na panay lang ang hawak sa cellphone niya kung saan nakabukas lang ang MERRIAM DICTIONARY in-case wala siyang maintindihan.

"Cindy, right?" tanong naman ni Gerald.

"Ano daw?" tanong ni Cindy kay Doc Matteo. Napa-facepalm ulit si Doc Matteo.

"Yeah Cindy's her name," sagot naman ni Doc Matteo.

Nakatanggap ng samu't saring compliments si Doc Matteo para kay Cindy. Kagaya ng maganda si Cindy at bagay silang pareho. Nasiyahan naman kahit papaano si Cindy but what struck Cindy the most is when Atom, one of Doc Matteo's friend asked her about her status in life.

"So anong natapos mo?"

"Hindi ako nakapagtapos ng college e," nahihiyang sagot ni Cindy.

"Ohh," parehong napa-ohh ang mga kaibigan ni Doc Matteo.

"Baka naman poor sila that's why hindi na siya nag-aaral," sabi ng girlfriend ni Atom at natawa silang lahat.

"Just joking," sabi pa nito.

Medyo na-hurt si Cindy sa sinabi nito. Tumahimik nalang siya at napayuko.

"So, Cindy anong trabaho mo ngayon?" tanong ng girlfriend ni Gerald.

"Dati akong cashier ng mall," sabi ni Cindy at napatigil silang lahat sa pagkain except kay Doc Matteo kasi wala naman talaga siyang pake sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Kain lang siya ng kain.

"You mean, you are working in a mall? Anong mall?" tanong naman ng girlfriend ni Xian.

"Rising Star Mall," sabi ni Cindy.

"What? Mall 'yan ng dad ko," sabi ng Girlfriend ni Xian, "Oh my gosh. This is hilarious, I can't believe that Doc Matteo's girlfriend will be just like this," bulong nito sa mga kaibigan ni Doc Matteo.

Medyo na-hurt na talaga si Cindy kaya tumayo na siya. "Excuse me,"

Lumabas na si Cindy. Naiwan parin si Doc Matteo na kumakain parin.

"Where is she?" tanong ni Doc Matteo at weird lang siyang tinignan ng mga kaibigan niyang si Gerald, si Xian at si Atom pati na ang mga girlfriends nito.

***
"WHERE are you going?" sigaw ni Doc Matteo na hinahabol si Cindy.

"Ayoko na! Kung puro lang naman pala panglalait ang matatanggap ko d'yan sa mga kaibigan mo, magbabayad nalang ako sa mga damages na naibigay ko sa'yo!" naiiyak na sigaw ni Cindy.

"Tss. Do you think you can really pay it? Mababayaran mo ba ng pera ang paghihiwalay namin ng girlfriend ko?"

Napahinto si Cindy sa sinabi ni Doc Matteo. Hinarap niya si Doc Matteo at lumuhod siya sa harapan nito.

Maya-maya pa, naiyak na talaga si Cindy, "Sorry! Sorry kasi dahil sa'kin nagbreak kayo ng girlfriend mo! Sorry kung umutang ako sa'yo! Sorry kung hindi ko na-meet ang standards ng mga kaibigan mo! Sorry!" napahagulhol si Cindy, "Sapat na ba'to? Kasi kung hindi, handa akong magpa-rape sa'yo! Sige go! Rape me! Just rape me!" umiiyak na sigaw ni Cindy na pinagtitinginan na mga tao ngayon.

Maya-maya pa ay hinila ni Doc Matteo Cindy patayo, "Do you think your sorry will be enough? And do you really think that I care about the standards of my friends? Paki ko sa kanila? All I want you to do is to pay me for all the damages that you have done on me by marrying me," sabi ni Doc Matteo kay Cindy. "Gets?"

Natulala si Cindy.

"One more thing, 'wag ka ngang umiyak, nawawala ang ganda mo," sabi ni Doc Matteo at umalis na. Biglang nahimasmasan si Cindy. Namula bigla ang parehong pisngi niya.

"N-awawala ang ganda ko? I-big sabihin, nagagandahan siya sa'kin?" nauutal na sabi ni Cindy sa sarili niya. Biglang nagkaroon ng giyera sa loob ng puso niya.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon