CHAPTER 24

16.6K 325 7
                                    

"NANDITO kaya siya?" tanong ni Cindy sa sarili niya. Nandito ngayon si Cindy sa tapat ng mansyon ng mga Grenier. 2:30 AM na ng madaling araw at sinadya na talagang pumunta rito. Paggising niya kasi kanina, wala na si Doc Matteo sa sofa. Nakaramdam ng pag-aalala si Cindy kaya pumunta siya rito.

"Wow." Nalula bigla si Cindy sa matayog na gate na yari sa gold. "Ang yaman talaga nila."

Maya-maya pa, "Ma'am pasok daw po kayo." sabi ng isang maid.

"Ay bading!" sabi ni Cindy nang kusang nagbukas ng gate. Pumasok na siya at nagsara naman ang gate. Papasok palang si Cindy sa main entrance ng mansyon ay bigla siyang kinahulan ng aso.

"A-te, ba't niya po ako kinakahulan?" tanong ni Cindy sa maid.

"Ay ganyan po talaga 'yan kapag nakakakita ng engkanto. Dito po tayo." sabi ng maid at napanganga naman si Cindy. "So, engkanto ako, ganun?" sabi ni Cindy sa isip niya.

Nang makapasok na siya sa mansyon, "Why are you here?"

"Ay may nagsalita?" sabi ni Cindy na parang tangang hinahanap kung sino ang nagsalita. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya si Grandma na kasalukuyang bumababa ng hagdan.

"Hinahanap ko lang po si Matteo," nakayukong usal ni Cindy nang makarating si Grandma sa harapan niya.

"So you're still with him?"

"Opo kasi..."

"Shut up. Wala kang karapatang magsalita." sabi ni Grandma at napanganga naman si Cindy.

"May martial law ba rito?" tanong ni Cindy sa maid pero hindi ito nagsalita.

"Kidney."

"Cindy po Lola, hindi po kidney."

"Whatever. So Cindy, how much do you want para lubayan mo na ang apo ko?"

Hindi naman na-gets ni Cindy sinabi ni Lola kasi medyo na-star-struck siya sa isang chandelier na yari sa dimamods na nakasa kisame ng manyson.

"Ahh, tubig lang po." nakangiting sabi ni Cindy.

"I said, how much do you want para lubayan mo na ang apo ko?" sigaw ni Grandma.

Nasaktan naman si Cindy kaya napayuko siya, "Mga one million po okay na. Hehe." sabi ni Cindy na siyang ikinanganga ni Grandma.

"Are you kidding me?"

"Eh?" nakangising sabi ni Cindy. "Oh 'di ba po? Nagulat kayo sa hinihingi ko? Pero kung sakaling bibigyan n'yo po ako ng isang milyon, hindi ko rin naman 'yun tatanggapin kasi sa maniwala man kayo o hindi.... cliché o unique, may mga bagay pong hindi nabibili ng pera. Maaring fake lang po kami ni Matteo pero nangako po kasi ako sa kanya na tutulungan ko siya tuparin ang hiling ni Lolo. Ang hiling niyang makitang kinakasal si Doc Matteo. At kapag natupad 'yung hiling niya, matutuwa si Grandpa at 'yung tuwa niyang 'yun, hindi 'yun kayang tumabasan ng pinaghalo-halong halaga ng kahit ano mang ginto o diyamante na nasa mansyon niyo." Ngumiti si Cindy.

"Alis na po ako." sabi ni Cindy at umalis na siya.

Pag-alis niya, natulala Grandma at maya-maya pa ay unti-unting pumatak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon