CHAPTER 19

16.9K 302 3
                                    

ON THE OTHER HAND, parang nasa ibang planeta naman si Cindy at si Granpa, "Sayaw girlfriend, sayaw girlfriend!" pakanta-kantang sabi ni Lolo kay Cindy na sumasayaw ngayon ng Hawaiian dance sa harapan niya with matching XV Gensan moves.

"Lolo, parang ayaw ko na po," sabi ni Cindy habang sumasayaw parin ngayon. Pinagtitinginan na siya ng mga tao mula sa kabilang building since para tanga ang ginagawa niya ngayon. Utos kasi iyon ni Grandpa sa kanya--ang sumayaw na parang baliw.

"Sayaw girlfriend! Sayaw! Hehehe. Joke lang girlfriend. Alam kong pagod ka na."

"Hehe. Thank you po Lolo." sabi ni Cindy at hiningal siyang umupo katabi ni Lolo sa kama.

Nginitian niya si Grandpa but too late she realized, tulog na pala ito habang nakaupo.

"Ambilis naman niyang makatulog." Napangiti ng mapait si Cindy at inayos niya ang pagkakahiga ni Grandpa.

Medyo malungkot si Cindy ngayon. Kanina kasi, may pumasok na doktor dito sa private room ni Grandpa telling her na kailangan daw ng mahabang pahinga si Grandpa. Base raw kasi sa mga previous check ups nito, humihina na raw ng humihina ang katawan ni Grandpa, kaya si Cindy, talagang nalungkot siya.

Maya-maya pa, biglang nagbukas ang pinto, pumasok si Grandma. Nagkatinginan silang dalawani Cindy.

"Magandang hapon po Grand---"

"Get out."

Hindi pa tapos si Cindy sa pagbati niya ay pinapalabas na siya ni Grandma. Siyempre, na-shock si Cindy at the same time ay nasaktan din siya.

"Pero Grandma, sabi kasi ni Lolo dito raw muna ako sa tabi niya---"

"Don't call me Grandma, fake lang naman ang relasyon mo sa apo ako 'di ba?"

"G-grandma, baka marinig po ni Lolo." kinakabahang sabi ni Cindy.

"Cindy, ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. From now on, I want you to stay away from my Grandson."

Parang nabingi si Cindy sa sinabi ni Grandma sa kanya. Hindi niya maintindihan pero parang bumigat ang loob niya.

Stay away from Matteo?

Bakit pakiramdam niya, hindi niya kayang gawin 'yun? Damn!

"S-sige. Aalis na po ako." Cindy said at lutang na lutang siyang umalis sa kwartong iyon.

Mabigat ang bawat hakbang na tinatahak niya.

Lumabas siya ng ospital.

Naglakad siya na parang G.R.O ang dating.

Maikli ang shorts. Pula ang lips na parang mina-rinate sa atswete magdamag.

Magulo ang buhok.

Magulo ang isip.

Lakad lang ng lakad si Cindy.

Hindi niya rin alintana na gabi na at malaki ang tendency na ma-hold up siya.

Para kasing ang laki ng epekto ng sinabi ni Grandma sa kanya.

Pakiramdam niya, may mali.

"Stay away from Matteo? Bakit parang hindi ko kayang gawin 'yun?" sabi ni Cindy sa sarili niya.

"What did you say?"

Itinaas ni Cindy ang mukha niya at nakita niya ang nakapagwapong mukha ni Doc Matteo.

Namula siya.

Nag-init ang pisngi.

Nagkatitigan sila ni Doc Matteo.

Biglang nagkaroon ng giyera sa loob ng dibdib niya.

"C-cindy!" sigaw ni Matteo nang makita niyang na-out of balance si Cindy habang naduduling ang mga mata. Oh no!

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon