CHAPTER 34

15.1K 264 3
                                    

"WE'RE here." Doc Matteo said at agad niyang ibinaba si Cindy na naging dahilan upang bumagsak ang pwet ni Cindy sa lupa.

"Aray! Bwesit ka ba!" sigaw ni Cindy pero hindi kumibo si Doc Matteo. Lapot na lapot na silang dalawa ngayon pero sulit naman ang pagtakbo nila ng apat na kilometro kasi ngayon, kita na nilang pareho ang wedding venue.

It was located in a green garden where an overlook for Taal Volcano could be seen. Sunset narin kaya mas nagpapadagdag pa ito sa serenity ng lugar. Kakaiba. Kakaiba sa pakiramdam.

"Girlfriend!" sigaw ni Lolo sa isang upuan kasama ni Grandma habang kumakain ng spaghetti. Nginitian naman ito ng dalaga at kinawayan ng kamay.

Medyo nagulat si Doc Matteo kasi dumami bigla ang mga tao. Nagtaka si Doc Matteo pero hindi na lang niya iyon inalatintana. Ang gusto niya lang ngayon ay matupad ang hiling ng grandpa niya.

Unlike the usual wedding na maghihintay ang groom sa unahan at maglalakad naman ang bride in slow motion, sabay na naglakad si Doc Matteo at Cindy sa red carpet na para bang isang graduation ceremony lang.

They both passed Grandma at Grandpa at ngayon ay nasa harapan na sila ng pari.

"Umpisahan mo na." usal ni Doc Matteo sa fake na pari na mismong security guard ng clinic niya.

Biglang nagpawis ang pari, "Ano pong sasabihin ko sir?"

Napaface-palm si Doc Matteo sa sinabi ng security guard na umaaktong pari. Napanganga naman si Cindy. "Hindi ba siya nag-undergo ng briefing? Hindi ba siya na-inform?" daldal ni Cindy.

"Just say, 'you may kiss the bride'." sabi ni Doc Matteo sa pari na siyang ikinamula ni Cindy.

"Agad-agad?" gulantang na sabi ni Cindy.

"Tss. Granpa's watching us." sabi ni Doc Matteo. Napatingin naman si Cindy sa may likuran niya at nakita niya si Granpa na parang may senesensyas.

"He wants me to do the kiss." Doc Matteo said at namutla naman si Cindy.

"Just relax, we're not going to have sex. This is just going to be a kiss."

"Okay." kinakabahang kiss ni Cindy.

"Nahalikan na kita diba?"

Awkward na nagsalita si Cindy, "Smack 'yun hindi halik."

"Tss."

Pareho silang natahimik nang mag-'ehem' na si Father.

Bago magsalita ang fake na pari ay nagdasal na muna si Cindy. Hindi pa siya natatapos sa pagdadasal ay agad ng in-announce ng fake na pari ang kissing of the bride.

"You may kiss the bride."

And there, Doc Matteo's precious lips landed on Cindy's lips. It was a precious kiss. Passionate at punong-puno ng excitement na tipong napadilat pa si Cindy. At first, akala niya hindi niya magugustuhan ang halik na iyon pero 'di naglaon ay sumabay na si Cindy sa kumpas ng mga labi ni Doc Matteo.

It was their first official and semi-legal kiss. It was fake but it feels so real.

Natapos na ang halik kaso ngumunguso pa rin si Cindy.

"It's done." Doc Matteo said at napadilat naman si Cindy.

Grandpa is so happy right now napatalon-talon pa talaga siya na parang bata, lahat masaya, lahat nagpapalakpakan pero, nagbago ang mood ng atmosphere nang mula sa likuran nilang lahat ay may biglang babaeng sumigaw.

"Matteo!" That lady shouted at mabilis siyang tumakbo papunta kay Doc Matteo.

"I miss you." She said sabay yapos kay Doc Matteo at sabay halik sa mga labi nito. 

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon