CHAPTER 4

31K 521 37
                                    

SA sobrang kalasingan, nakatulog si Cindy sa isang basurahan. Umaga na ng madatnan niya ang sarili niya na nilalangaw na.

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ni Cindy sa sarili niya at tumayo na.

"Aray!" daing niya nang biglang sumakit ang ulo niya. May hungover pa kasi siya. Tatlong bote ng hard drink ang nainum niya kagabi.

Siya si Cindy Posadas. Cashier siya sa isang mall dati. Ngayon, palaboy-laboy nalang siya. Okay naman siya. Disente naman. Maganda. Magaling makihalubilo sa iba. 'Yun nga lang, baliw-baliwan ang babaeng ito. Luka-luka.

Kagabi, nadatnan niya ang boyfriend niyang si Kristoff na may kasama sa kama sa loob ng kwarto ng bahay na inuupahan nila. Live in kasi sila at aminado si Cindy na mahal na mahal niya si Kristoff ngunit nang makita ni Cindy ang masaklap na pangyayaring iyon ay agad niyang kinuha ang takore na may lamang kumukulong tubig at inihagis niya iyon may Kristoff pati na sa babae kakama nito kagabi.

Dalawa ang problema ni Cindy ngayon. Una, parehong nasa ospital si Kristoff at ang babae nito na mukhang 50-50 ngayon ang buhay dahil pareho itong nagtamo ng second degree burn sa parehong PRIVATE PARTS nito.

Ang ikalawa niyang problema ay ang lalaking pinagbatuhan niya ng galit.

'Yung lalaking gwapo!

Si Doc Matteo!

Hindi kilala ni Cindy si Doc Matteo pero nangangatog na siya ngayon sa kaba nang maalala niya ang sinabi ni Doc Matteo kagabi, "Cindy Posadas, you have to pay for what you've done."

Kahit walang humahabol kay Cindy ay bigla siyang napatakbo mula sa pagkakahiga sa basurahan.

Paranoid din kasi itong si Cindy at madaling tablan ng imaginations niya.

"Kailangan kong umuwi sa probinsya." paranoid na sabi niya sa sarili niya. Pakiramdam niya kasi, may papatay na sa kanya ngayon.

"Ay napkin!!"

Biglang napahinto si Cindy nang may mabangga siyang bata na may tumutulong uhog at sipon sa ilong.

"Ate, pahingi ng piso."

***

SA kabilang dako, problemadong-problemado ngayon si Doc Matteo. Sa araw kasing ito ay dapat ipapakilala na ni Doc Matteo si Steffany sa grandparents niya as fiancé kaso, minalas yata si Doc Matteo kasi kaka-break lang nila kagabi.... nang dahil kay Cindy.

"Nasaan na ang pinagmamalaki mong fiancé Matteo? Naiinip na kami ng grandpa mo." sabi ni Grandma kay Doc Matto na nakaupo ngayon dito sa salas ng mansyon ng mga Grenier.

"Just wait grandma, kino-contact ko pa siya." natatarantang sabi ni Doc Matteo tapping his phone for the 100th time.

"Sumagot ka Steffanny. Please," sabi ni Doc Matteo at maya-maya pa...

"The number you have dialed is either on attended or out of coverage area. Try to call her later."

"Pushangala kang operator ka! Si Cindy ang hinahanap ko, hindi ikaw!" sigaw ni Doc Matteo na natataranta na.

"Matteo, kung hindi mo maipapakita ang finacé mo sa loob ng 30 minutes, mapipilitan kaming maghanap ng maipapakasal sa'yo."

Biglang nanghina ang katawan ni Doc Matteo sa sinabi ng grandma niya.

Bigla namang natawa ang grandpa ni Doc Matteo at sinenyasan itong lumabas na.

Dali-daling lumabas si Doc Matteo ng mansyon at mabilis na pinaharurot ang sasakyan niya.

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon