CHAPTER 28

17.3K 295 7
                                    

PAREHONG naglalakad ngayon si Cindy at Doc Matteo sa may gilid ng daan kung saan nilalagpasan lang nila ang bawat estabilisyementong dinadaanan nila. Gabi narin kaya medyo kakaiba ang dating ng mga pinaghalong ilaw ng mga buildings, ng traffic lights, mga signboards na nagbibigay sa kanila ng napaka-romantic na scene not to think na nasa gitna sila ng syudad ngayon kaya parang nasa Korea 'yung setting nila.

Nakasunod lang si Doc Matteo kay Cindy ngayon, nasa likod siya nito habang nakapamulsa. Kung si Cindy ay nilalasap pa rin ang labi niya, si Doc Matteo naman ay wala na talagang maalala sa nangyari kanina except when Cindy landed on his Junior. Awkward ang feeling pero nag-iinit si Doc Matteo dahil doon.

Lakad lang ng lakad si Doc Matteo habang sinusundan si Cindy. At dahil nasa likuran siya ni Cindy ay hindi niya naiwasang mapatingin siya sa legs nito na naging dahilan upang mapalunok ng laway. Makalipas ang ilang sandali ay napailing-iling na lang siya, "Matteo, your hallucinating again."

Isang oras naring silang naglalakad at medyo nagkakahiyaan pa rin silang dalawa. Hanggang ngayon, lasap na lasap pa rin ni Cindy ang mga labi ni Doc Matteo. Hindi niya maintindihan pero panay ang pagdila niya sa labi niya. Ewan niya kung imagination lang niya ba ito pero pakiramdam niya, lasang lollipop ang labi ni Doc Matteo.

Maya-maya pa ay nagsalita si Doc Matteo, "Let's go home."

"Ay lollipop!" sigaw ni Cindy dahil sa labis na pagkabigla.

"Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat ha?" sigaw ni Cindy sa pagmumukha ni Doc Matteo.

Natawa si Doc Matteo ng may sarkasmo, "Huh? Sa gwapo kong 'to nagulat ka pa?"

Nainis si Cindy, "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka gwapo!" sigaw ni Cindy, aalisin na sana niya ang singsing kaso hindi niya nagawa, "Arrg! Bwesit!" sabi ni Cindy sabay walk out.

"Tsk." Iyon lang ang sabi ni Doc Matteo habang sinusundan pa rin si Cindy. "Why is she always angry with me?"

Habang pumutak-putak ang bibig ni Cindy, biglang may nakasalubong siyang may nakasalubong na lalaki.

"Cindy?"

"Blake?" nakangiting sabi ni Cindy kay Blake. Isang cute guy na dati niyang kaklase noong highschool. Nag-usap silang dalawa ni Blake pero agad din namang naputol ang usapan nila nang biglang hinigit ni Doc Matteo si Cindy.

"Let's go."

"Ano ba? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakitang may kausap ako ha?" sigaw ni Cindy pero hindi na siya nakapalag nang tuluyan na siyang hinila ni Doc Matteo.

"I hate it when your talking with other guys. I just have proposed to you remember that." Doc Matteo said at namula naman si Cindy kahit wala siyang naintindihan sa sinabi nito. Sumenyas na lang si Cindy kay Blake as a form of an informal goodbye.

Maya-maya pa, nakarating na si Cindy at Doc Matteo sa isang Japanese Restoraunt. Panay ang reklamo ni Cindy noong una dahil sa chopstick pero dahil gutom siya ay kumain na lang siya ng bonggang-bongga pampatanggal ng inis kay Doc Matteo.

"Hoy! Sabibin mo nga? Bakit mo'ko hinila kanina? Alam mo bang ang bastos-bastos mo? May kausap pa akong tao pero basta-basta mo na lang akong hinila? Ano 'yun? Joke?"

"Stop talking when your mouth is full."

"'Wang mo'kong ma-english english! Wala akong maintindiha--" hindi pa tapos si Cindy sa pagsasalita ay napahinto na siya nang may bigla nang lumapit na isang babae kay Doc Matteo.

"Hi? Ikaw 'yung wholesome at hot na doctor 'di ba?" Anito. "Pwede ba akong magpapicture sayo?" dagdag nito pero hindi man lang kumibo si Doc Matteo.

"Hoy! Kinakausap ka ng tao, ano ka ba!" ani Cindy. "I'm not talking to animals." Sagot ni Doc Matteo na buti na lang talaga at hindi narinig ng babae.

"Uhm? Are you his maid?" tanong ng babae.

Kumulo ang dugo ni Cindy, "Gago ka ba? Mukha ba akong katulong?" Sigaw ni Cindy habang tumitilamsik 'yung laway at kanina na nanggaling sa bunganga niya.

"Oh, sorry." sabi ng babae at bago pa sila magkasabunutan ni Cindy ay agad ng tumayo si Doc Matteo. "She's my soon to be wife and we're territorial with each other. Doc Matteo said at napanganga na lang ang babae sabay ngawa sabay walk-out.

Namula naman si Cindy. "A-anong territorial?"

"Tsk. Seach it on your dictionary." Ani Doc Matteo at mabilis namang hinanap ni Cindy ang meaning ng word na territorial at nang makita niya ang definition nito, "W-wala akong nagets."

Natawa bigla si Doc Matteo. "It means that I'm possesive with you and your possessive with me."

Tumango-tango si Cindy, "Ganun ba? Teka anong 'yung possessive?"

"Ewan ko sa'yo." sabi ni Doc Matteo at iniwan niya na lang si Cindy. He already paid the billa so wala na siyang problema. Naiinis siya kay Cindy. Ang bagal ng pick-up. Ang bagal maka-gets.

"Wedding nating sa susunod na araw 'diba?" Cindy said nang mahabol niya si Doc Matteo sa labas.

"Then?" Napahinto si Doc Matteo sa paglalakad.

"Uhm, wala lang," sabay silang naglakad ni Doc Matteo, "'Diba pagkatapos ng wedding natin, tapos na tayo?"

"Yeah." sagot ni Doc Matteo na tipid na tipid ang pagsasalita.

"Kahit tarantado ka, kahit sinisigawan mo ako, mami-miss kita." Cindy said it causing Doc Matteo froze at maya-maya pa ay nagulat na lang si Cindy nang bigla siyang yakapin ni Doc Matteo. Nagkaroon bigla ng giyera sa loob ng dibdib ni Cindy.

"Matteo? Ewan ko lang ha pero nanag-inip kasi ako kagabi." Cindy said na naging dahilan upang mapakalas si Doc Matteo sa pagkakayakap sa kanya.

"What dream?"

"Na hindi raw matutuloy ang kasal natin," sagot ni Cindy na siyang ikinakaba ni Doc Matteo.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon