CHAPTER 17

16.9K 337 3
                                    

MABILIS na pinapatakbo ni Doc Matteo na ang kotse niya habang si Cindy naman ay napapahagulhol na. Kahit papaano, naging close rin kasi sila ng Grandpa ni Doc Matteo. Kahit isang araw lang nangyari ang lahat ng iyon, pakiramdam ni Cindy ay naging malapit parin sa puso niya si Grandpa.

Nakarating na silang pareho sa ospital. Mabilis silang napatakbo papasok sa loob.  Lumapagas pa si Cindy kaya hinila siya Doc Matteo papunta sa emergency room.  Sobrang kinakabahan silang dalawa pero pagdating nila doon, nadatnan nila si Grandpa na kumakain ng spaghetti.

***

"Girlfriend? Nandito ka!" masayang sigaw ni Grandpa at lumapit siya kay Cindy.

"Lolo! 'Wag na po kayong gumalaw, ako na po ang lalapit sa inyo." Cindy said at niyakap niya si Grandpa. Isang mainit na yakap.

"Grandma? What happen?" tanong naman ni Doc Matteo sa grandma niya.

"Let's talk outside." sabi ni Grandma at sinundan naman siya ni Doc Matteo.

Sa isang mahabang upuan sa labas ng ER, parehong nakaupo si Doc Matteo at ang Grandma niya.  Hindi pa nakakapagsalita si Grandma pero naiyak na siya. It took her three minutes bago siya makapagsalita.

"You're Grandpa's body is deteriorating. Kanina bago namin siya isinugod dito, natagpuan namin siyang walang malay sa may kusina. I was so scared when I found him lying on the floor. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina," umiiyak na sabi ni Grandma.

Napayuko naman si Doc Matteo trying to fight his emotions. Alam niya kasi kung ano ang patutunguhan ng ganitong pag-uusap nila ng Grandma niya.

Alam niya sa sarili niya na mauuwi lang ito sa iyakan.

"Walang sakit ang Grandpa mo pero nanghihina na siya. You're a doctor and you know what it means. You're grandpa' slowly dy---"

"Grandma. Stop talking about death. Grandpa still strong at kita niyo naman sa kanya iyon. Hindi makakatulong sa kanya ang pagiging pessimist niyo."

"But iho..."

"Grandma, nakikita mo namang lumalaban siya 'di ba?" nangingilid luhang tanong ni Doc Matteo.

"Trust me, he'll be fine," dagdag niya at mapait lang na ngumiti.

"How about his wish? When will yoy grant it?" tanong Grandma niya pertaining sa kasal nila ni Cindy.

"This sunday." sagot ni Doc Matteo. Tumango-tango si Grandma.

"But Grandma, there's something you must know about our wedding."

"What?"

"It will be a fake wedding."

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon