CHAPTER 32

15K 240 3
                                    

"WE'RE coming, we're coming! Yes. Yes. Malapita na. Pwede ba? Could you stop hurrying us up?" sigaw ni Doc Matteo sa wedding planner na kausap niya sa telepono. Agad niyang binaba ang tawag at tinapon na lang iphone6s sa may window na siyang ikina-nganga ni Cindy.

Maya-maya pa, inihinto ni Doc Matteo ang kotse niya, tinanggal niya ang shirt niya at sinunod naman niya ang belt niya.

"A-anong ginagawa mo?" namumula at natatarantang sigaw ni Cindy kay Doc Matteo na kasalukuyang naghuhubad na.

"Nagbibihis na ako para sa kasal natin."

"Ano? At dito talaga sa gitna ng daan?" sigaw ni Cindy. Natulala siya bigla ng tumambad sa mukha niya ang semi-naked body ni Doc Matteo. No more pants.

"No, choice! Wala na tayong time. Hurry up." sigaw ni Doc Matteo kay Cindy sabay baba ng boxers. Bwesit na napapikit si Cindy and out no choice, nagbihis na rin siya.

"'Wag kang manilip, bwesit ka ba?" sigaw ni Cindy kay Doc Matteo.

"Tss. I'm not interested. You're not even seductive." sabi ni Doc Matteo at lumabas na ng kotse. Umusok na naman ang ilong ni Cindy.

After 2 minutes, natapos na si Cindy. Lumabas siya sandali para ayusin ang bra niya. Nang matapos niyang gawin iyon, ay pumasok na siya ng kotse, medyo nag-slow-motion naman ang mundo ni Doc Matteo nang makita niya si Cindy.

"Ang ganda ko no?" sabi ni Cindy with matching smile.

Umiling-iling si Doc Matteo para matanggal ang slow-motion effect na nararamdaman niya, "Nagmukha ka ng tao." he said to Cindy namula naman si Cindy sa inis.

Tatlong oras na silang nagt-travel pero hindi pa rin sila nakakarating sa Tagaytay. Medyo natataranta na rin si Cindy kasi for sure nag-aalala na si Grandpa sa kanila. 5:00 PM ang kasal nila at 4:49 na ngayon pero hindi pa rin sila nakakarating.

"Hindi kaya naliligaw tayo?" paranoid na sabi ni Cindy.

"Tss."

"So, naliligaw nga tayo?" naiiyak na tanong ni Cindy kay Doc Matteo.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon