CHAPTER 31

15K 248 10
                                    

WHILE Doc Matteo was driving papuntang Tagaytay, biglang inantok si Cindy. Maya-maya pa nakatulog siya sa balikat ni Doc Matteo.

"Kumakain ba siya ng puding?" tanong ni Doc Matteo pertaining sa malaking ulo ni Cindy. At first, medyo naiilang pa siya sa pagdantay ng ulo ni Cindy pero 'di naglaon ay hindi namalayan ni Doc Matteo na napangiti na pala siya in a very manly way.

Samantala, sa mismong venue ng fake wedding sa Tagaytay, kompleto na ang lahat. Si Doc Matteo na lang ang kulang at pati narin si Cindy.

"Saan na si Girlfriend ko?" tanong ni Grandpa kay Grandma.

"They're coming honey." plain naman na sabi ni Grandma kay Grandpa na kumakain na ng spaghetti.

"Yehey!" sabi ni Grandpa sabay talon na parang bata.

Napahinga naman ng malalim si Grandma. Actually, ayaw niya talagang pumunta rito sa fake wedding ng kaisa-isang apo niya. Hindi kasi maatim ni Grandma sa sarili niya na lokohin itong si Granpa. Kasi nga fake lang naman ang lahat ng ito 'di ba? At gagawin lang ito ni Doc Matteo for Grandpa's sake since ito ang last wish nito. Ang makita si Doc Matteo na ikinakasal.

"Where are they?" Badtrip na tanong ni Grandma sa wedding planner ng lumapit ito sa kanya.

"I-ko-contact ko pa po ma'am," natatarantang sabi ng wedding planner.

"Ba't ang tagal ni Girlfriend?" malungkot at parang bata na tanong ni Lolo kay Grandma.

"Papunta na sila honey. Papunta na." Pampalubag loob ni Grandma kay Grandpa.

"Matteo, where are you?" tanong ni Grandma sa isip niya habang nakatingin sa may entrance.

Naba-bother na kasi siya since paubos na ang food sa buffet plus dumating pa ang mga unexpected guest kagaya ng mga writer sa dyaryo, reporter sa telebisyon at pati na anf mga friends ni Grandma sa Zumba Class.

"Grabe ka ha, hindi mo sinabing kasal na pala ng apo mo." sabi ng isang friend ni Grandma sa kanya, "By the way, kasama ko pala ang mga constituents natin! Go girls!" sabi nito at napanganga na lang si Grandma ng isang batalyong matatandang babae na mahilig mag-zumba ang pumasok sa may entrance ng wedding venue.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon