CHAPTER 12

18K 385 6
                                    

GABI na pero hyper na hyper parin si Grandpa. Lahat na yata ng playground ay napuntahan na nila sa araw na ito. Mula sa slides, sa swings, lahat na-try ni Grandpa ngayong araw na ito.

Habang hinihintay ni Cindy na matapos si Grandpa sa pagbabasketball dito sa loob ng Timezone sa isang mall, hindi niya namalayan na naidlip na pala siya at maya-maya pa...

"Hey? Cindy! Cindy! Nasaan si Grandpa?"

Mabilis pa sa kidlat ay naidilat ni Cindy ang mga mata niya.

"Bakit ba?" naiinis na sabi ni Cindy. Si Doc Matteo lang pala.

"Where is Grandpa?" natatarantang tanong ni Doc Matteo.

"Naglalaro ng basket---" nahinto si Cindy nang makita niyang wala na si Granpa doon platform ng basketball game.

Napasingha si Doc Matteo, "I told you na bantayan mo siya at mag-g-grocery lang ako! Look! Nasaan na si Grandpa ngayon?" sigaw ni Doc Matteo.

Magsasalita pa sana si Cindt pero hindi na niya nagawa nang mabilis na tumakbo si Doc Matteo palabas ng Timezone.

Natataranta namang napatayo si Cindy at lumabas narin ng Timezone.

"Lolo! Saan na kayo?" sigaw ni Cindy na umiiyak na. Halos nalibot narin kasi niya ang buong SM pero hindi niya parin nakita si Grandpa.

Samantala, nasa loob naman ngayon si Doc Matteo ng CCTV area. Pi-nlay back lahat ng kuha sa Timezone at nakita niyang lumabas na pala si Grandpa ng mall.

"Thanks," sabi ni Doc Matteo sa officer na nakatoka sa CCTV area at mabilis na lumabas.

While tumatakbo si Doc Matteo, nakita niya si Cindy.

"Saan na si Lolo?" umiiyak na tanong ni Cindy.

"Lumabas na siya," usal ni Doc Matteo kay Cindy at pareho silang lumabas ng mall.

Nilibot nilang pareho ang parehong paningin sa labas ng mall pero hindi nila nakita si Grandpa.

Maya-maya pa, tumunog ang cellphone ni Doc Matteo.

Grandma Calling....

Nataranta si Doc Matteo, pakiramdam niya, guguho na ang isip niya. Kinausap ni Doc Matteo si Grandma trying his best to keep calm.

Samantala, si Cindy naman ay napahagulhol na talaga pero bigla siyang napahinto sa pag-iyak nang may biglang nagsalita sa likuran niya.

"Uwi na tayo, girlfriend. Antok na ako."

"Lolo?" sabi ni Cindy nang makita ang taong nagsalita sa likuran niya. Niyakap niya si Lolo nay may dala-dalang spaghetti.

Kumalas si Cindy sa pagkakayakap kay Grandpa, "Lolo! Saan po kayo nagpunta? Alam n'yo bang nag-alala kami sa inyo?"

"Pumasok na ako sa kotse. Ang tagal niyo girlfriend e. Akala ko nag-date pa kayo. Hehehe," sabi ni Cindy na kinakamot ang ulo.

Nang makita ni Doc Matteo si Grandpa ay mabilis niya itong niyakap. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Granpa.

Makalipas ang ilang sandali ay kumalas na si Doc Matteo, "I told you not go anywhere, bakit ang tigas ng ulo niyo!" galit na sabi ni Dic Matteo.

Nalungkot naman si Grandpa bigla.

"Ano ka ba! Bakit mo ba pinapagalitan si Lolo! Kita mong okay na siya 'diba?" pagsisingit ni Cindy.

"Tssk." sabi naman ni Doc Matteo at muli niyang ibinalik ang telepono sa tainga niya, "Hello? Grandma? Yes. Grandpa is fine," sabi naman ni Doc Matteo sa kabilang linya.

Tumalon-talon si Lolo na parang bata, "Tignan mo girlfriend! Nanalo ako ng maraming spaghetti! Bibigyan kita ng isa, girlfriend," sabi ni Lolo.

"Sige po Lolo, pero okay lang po ba na sa condo na natin 'yan kainin?" tumango naman si Granpa at pumasok na sila sa kotse ni Doc Matteo.

"Lolo, dahan-dahan lang po sa pagkain," sabi ni Cindy habang inaalayan ni Cindy si Grandpa na kumain ng spagetti dito sa backseat ng umaandar na kotse ni Doc Matteo.

Maya-maya pa, natapos narin ito sa pagkain at agad namang nilinis ni Cindy ang gilid ng bibig ni Grandpa.

"Girlfriend?"

"Hmm? Bakit po?"

"Grandpa, stop talking. Pagod na kayo." sabi ni Doc Matteo na kasalukuyang nagmamaneho.

"Hayaan mo nga siyang magsalita!" sigaw naman ni Cindy at muli niyang hinarap si Granpa, "Ano po 'yun lolo?"

"Girlfriend? Pwede mo bang ipangako sa'kin na aalagaan mo ng maigi ang apo ko? Na kahit wala ako ako ay mamahalin mo parin siya?"

Natulala si Cindy pero makalipas ang ilang sandali ay mabilis naman siyang nagsalita, "Lolo! 'Wag nga po kayong magsalita ng ganyan! Hindi po kayo mawawala! Nakakanis kayo ah!" naiiyak na sigaw ni Cindy kay Grandpa. Nakinig naman si Doc Matteo sa usapan nila.

"Girlfriend, mahal na mahal ko apo ko. Hindi niya ako binigo kahit isang beses. Girlfriend sana mahalin mo siya habangbuhay ah? 'Wag na 'wag mo siyang sasaktan," sabi ni Lolo at biglang naiyak si Cindy habang si Doc Matteo ay nagpipigil lang ng luha.

"Pangako ko po 'yan lolo." Cindy said though alam niyang imposible ang hinihingi ni Grandpa kasi in the first place, hindi naman talaga sila ni Doc Matteo. Walang namamagitan sa kanila. They were just fake.

Napatingin si Cindy kay Doc Matteo sa rear view mirror. Nang magkatagpo ang paningin nila, unang umiwas si Doc Matteo.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon