CHAPTER 21

17.1K 323 6
                                    

SA WAKAS, tapos narin ang madramang nangyari kay Cindy sa loob ng resto. Pa'no ba naman kasi, matapos niyang mabilaukan, naibulwak niya bigla ang ang laman ng lalamunan niya sa mukha ng isang babae.

"Hey? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong ni Doc Matteo kay Cindy. Nandito sila ngayon sa tapat ng isang beach. Napadaan sila dito kanina kaya huminto sila dito. Pareho silang nakatingin sa isang malawak na karagatan kung saan makikita ang repleksyon ng buwan pati na ang repleksyon ng citylights.

Umiling-iling si Cindy at ngumiti lang ng mapait. Hindi niya alam kung ano sasabihin niya kay Doc Matteo na pinalayo siya ni Grandma sa kanya.

Maya-maya pa, biglang nag-ring ang telepono ni Doc Matteo. It was his Granpa, calling him.

"Yes Grandpa? Si Cindy? Okay."
"Grandpa wants to talk to you." Doc Matteo said at nagtataka namang tinanggap ni Cindy ang telepono.

"Girlfriend? Ikaw na ba'to?"

"Opo lolo." nakangiting sabi ni Cindy.

"Yehey! Ah, girlfriend? Pwede ba akong humingi ng pabor sa'yo Girlfriend ko?"

"Pabor? Ano po 'yun Lolo?"

"Pwede mo bang mahalin si Matteo ng buong-buo?"

Natigilan si Cindy. Napatitig siya kay Doc Matteo na clueless sa panag-uusapan nilang salawa ni Grandpa. Nagliyab sa init ang parehong pisngi ni Cindy nang magkatinginan silang dalawa ng binatang doktor. Agad naman niyang ibinaling ang tingin niya sa lupa para mawala ang intimidation na nararamdaman niya.

"Sana kahit mawala ako Girfriend, sana nandiyan ka parin para sa kanya. Mapapangako mo ba 'yun girlfriend ko?"

Biglang bumigat ang pakiramdam ni Cindy.

Ipinikit niya ang mga mata niya, "Pinapangako ko po Lolo." Cindy said at hindi niya namalayang may tumulo na palang luha mula sa mga mata niya.

Maya-maya pa, ibang boses na ang nagsalita sa kabilang linya, "Your still with my grandson? How many times should  I tell you na layuan mo na siya?"

It was Grandma. Hindi naman nakapagsalita si Cindy at mabilis namang kinuha ni Doc Matteo ang telepono mula sa kanya. Hindi alam ni Cindy kung ano pa ang dinugtong ni Grandma sa kabilang linya na ngayon ay pinapakinggan na ni Doc Matteo.

Maya-maya pa, napaiyak na talaga si Cindy pero napahinto siya sa pag-iyak ng bigla siyang niyakap ni Doc Matteo.

"Grandma maybe don't want you to stay with me. Pero ako, I will never let go. But kung bibitaw ka, bibitaw rin ako. It will be all up to you." Doc Matteo said that made Cindy cry harder.

Maya-maya pa ay nagsalita si Cindy.
"Hindi. Hindi ako bibitaw." She said and Doc Matteo immediately hugged her.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon