CHAPTER 30

15.9K 278 1
                                    

"YES. Yes. Yes," sabi ni Doc Matteo na puro lang 'Yes' ang sinasagot sa telepono. Cindy find it weird kasi hindi man lang nag-thank you o nag-goodbye si Doc Matteo sa kabilang linya. Control freak slash arogant talaga si Doc Matteo forever-- iyan ang sabi ni Cindy sa isip niya.

'Ganun ba kahirap para sa kanya ang mag-thank you at mag-goodbye?' weird na tanong ni Cindy sa sarili niya.

Papunta silang Tagaytay ngayon since doon ang magiging venue ng kasal nila. At oo, doon sila ikakasal mamayang hapon. 5:00 PM. Sunset time.

"Anong oras na?" tanong ni Doc Matteo na kasalukuyang nagmamaneho.

Hinanap ni Cindy ang tepepono niya para malaman kung anong oras na pero bago pa niya mahanap ang cellphone niya ay sinagot na ni Doc Matteo ang sariling tanong nito, "2:16 PM. Tss."

'Akala ko, ako ang tinatanong niya. Weird talaga siya.' sabi ulit ni Cindy sa isip niya.

"Oo nga pala, I hired some fake parents for you." sabi ni Doc Matteo.

"Ako ba kinakausap mo?" tanong ni Cindy. Baka kasi may nakikita si Doc Matteo na hindi niya nakikita. Mahirap pa naman mag-assume. Masakit.

"Sa tingin mo?" badtrip na sabi ni Doc Matteo. Umirap lang si Cindy.

Fake wedding. Fake parents. Fake preist. Fake bridesmaid, fake flower girls. Lahat ng maganap sa wedding nila ay fake. Walang totoo maliban sa hindi sigaradong nararamdaman ni Cindy para kay Doc Matteo.

Hindi siya sigurado pero kung pati ba ang nararamdam niya ay peke rin. Ito 'yung mahirap dito e.  'Yung relasyon nila, fake. Pero 'yung nararamdaman ni Cindy, totoong-totoo! Nakakaloka.

At isa pa sa nagpapagulo sa isip ni Cindy ay ang agreement nila ni Doc Matteo. Ang mismong agreement nila bawal ma-inlove sa isa't-isa.

At alam ni Cindy 'yun. At alam niyang masyadong maiksi ang two weeks para makaramdam siya ng something kay Doc Matteo pero bakit nung sinabi ni Grandma na layuan niya si Doc Matteo, bakit parang hindi niya kinaya? Bakit nung sinabi ni Doc Matteo na: "Grandma maybe don't want you to stay with me. Pero ako, I will never let go. But kung bibitaw ka, bibitaw rin ako." ay iba ang naramdaman niya? Kakaiba.

Pero minsan, iniisip na lang ni Cindy baka guni-guni niya lang ang lahat. Ayaw niyang mag-assume. Masakit 'yun! Nasaktan na nga siya pangloloko ng ex niyang si Kristoff, pati ba naman sa pag-aassume niya kay Doc Matteo? Kahit medyo luka-luka itong si Cindy, minsan, marunong din siyang tumimbang nga mga bagay-bagay.

"Nakakalito naman." Cindy said while scratching her head. Makati raw kasi.

"What made you confuse?"

"'Yung nararamdaman ko sa'yo."
wala sa isip at aksidenteng sabi ni Cindy at bigla niyang naitakip ang kamay niya.

Medyo natulala naman si Doc Matteo sa sinabi ni Cindy. Maya-maya pa, awkward silang nagkatinginan ni Cindy.

And for the first time in the history, first time namula ni Doc Matteo. Oh no!

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon