CHAPTER 14

17.9K 369 3
                                    

FIRST time ni Doc Matteo na masampal siya ng isang babae. Hindi niya maintidihan si Cindy kung bakit ganun ito kung mag-react matapos niya iyong halikan. 'Yung iba nga, kulang nalang ay magpa-rape na sa kanya. It just really prove na may mga bagay na hindi niya kayang makuha ng ganun kadali. And of those few is Cindy.

"Hindi naman marunong humalik," Doc Matteo said at pumahik nalang siya sa hagdahanan since out of order 'yung elevator. Parang CR lang ang peg.

Samantala, nasa may kusina naman si Cindy ngayon. Mas nauna siyang pumanhik kaysa kay Doc Matteo.
Nakatingin siya sa isang salamin at pinagmamasdan niya lips niya.

Chini-check niya kung namamaga ba.

Kinakabahan hinawakan ni Cindy ang parehong labi niya, "Infairness, ang lambot ng lips niya." sabi pa ni Cindy reminiscing the moment when Doc Matteo kissed her.

Well, hindi naman talaga iyon ang first kiss niya pero nabigla lang talaga siya kanina kaya nasampal niya si Doc Matteo.

"So, it was your first kiss?"

"Ay butiki!" Napatalon si Cindy nang marinig niya ang boses na iyon. Nandito na pala si Doc Matteo.

Awkward na humarap si Cindy sa kanya, "Hindi ah!" sabi ni Cindy. Si Kristoff naman talaga kasi ang first kiss niya e.

"Okay," tumango-tango si Doc Matteo.

"Goodnight," sabi ni Doc Matteo na siyang ikinapula ni Cindy. First time mag-goognight ni Doc Matteo sa kanya.

"E ikaw? Siguro first kiss mo 'yun noh?"

Namula si Doc Matteo at saglit na natulala.

Humagalpak naman sa pagtawa si Cindy, "Sabi ko na nga ba e."

"It's not my first, hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan 'yun. At higit sa lahat, isa sa pinakamapaklang lips 'yung sa'yo sa lahat ng lips na nahalikan ko."

Namula sa inis si Cindy ng mawala si Doc Matteo sa paningin niya pero nang Cindy pero bigla niyang maalala 'yung halik ni Doc Matteo sa kanya, nawala 'yung inis niya. Hindi siya sure pero pakiramdam niya, kinikilig siya. Napapatalon pa nga siya.

"By the way Cindy---"

Napahinto sa pagtalon si Cindy nang makita niyang bumalik pala si Doc Matteo. Para siyang kriminal ngayon na na-caught in act sa salang KILIG.

"What are you doing? But ang lawak ng ngiti mo?"

"Ha? Wala nag-e-excercise lang ako. Smile excercise." sabi ni Cindy at parang tanga niyang piner-form 'yung smile exercise na sinasabi niya.

"Tss. Mukha kang tanga." sabi ni Doc Matteo. Na-badtrip ulit si Cindy.

"By the way, this your compensation for the whole week as my wife. Dapat 35,000 'yan, kaso may utang ka sa'kin kaya kinaltas ko na." sabi ni Doc Matteo at ibinigay niya kay Cindy ang isang sobre.

Umalis na si Doc Matteo, naiwan si Cindy. Napatalon ulit siya nang makita niya ang limpak-limpak na salapi! Pakiramdam niya, mayaman na siya sa, 21,000 pesos.

"Mas malakit pa 'to ng isang buwan sa na sweldo ko sa pagiging cashier! I love you talaga Doc Matteo!"

"Kahit masungit ka, I love you parin!" sabi ni Cindy.

"What did you say?" tanong ni Doc Matteo at napanganga nalang siya nang makita niya ang binatang doktor na wala ng shirt. Shet!!! 'Yung abs!

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon