CHAPTER 22

16.7K 293 8
                                    

NAKAUWI na si Doc Matteo at Cindy sa condo unit nila. Siyempre, habang nasa kotse sila kanina, hindi silang masyadong nagsasalita since na-o-awkward sila sa isa't-isa.

Pinagbuksan ni Doc Matteo si Cindy ng pinto. First time 'yun at kinilig naman si Cindy dun. Humaba bigla ng 45 kilometers ang buhok niya.

As usual, bilang fake girlfriend ni Doc Matteo, pinagluto niya ito ng hapunan. Masarap 'yung niluto ni Cindy. Pinaghirapan at pinagpaguran niya. Kung ano ang niluto niya, simple lang naman. Itlog at hotdog.

Kinain naman 'yun ni Doc Matteo with love, sabi pa nga niya masarap daw e. Kaya si Cindy, ang dating 45 kilometers na buhok naging 450 kilometers na.

"Goodnight." Doc Matteo said.

Namula si Cindy, "Goodnight too. Sweet dreams." sabay lock ng pinto sabay talon sa kama kasi kinikilig. At oo! Sa kwarto ni Doc Matteo matutulog si Cindy ngayon!

After two hours, pareho silang hindi makatulog. Tinalo pa nila ang mga grade 7 students na mag-jowa na! Basta, nahihirapan silang matulog kasi iniisip nila ang isa't-isa. Napapangiti pa nga sila e.

Akala nilang dalawa, hindi na sila makakatulog pero bandang 1:00 AM ng madaling araw, nakatulog na si Cindy. Makakatulog narin sana si Doc Matteo na kasalukuyang nakahiga sa sofa pero hindi na niya nagawa nang may biglang nag-doorbell sa pinto ng unit niya.

Mabilis siyang bumangon.

Hindi niya alam kung sino ang nasa labas pero nang buksan ni Doc Matteo ang pinto ay mabilis siyang niyakap ng isang babae.

"I miss you!"

It was Steffany. His ex-girlfriend.

***
 

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon