CHAPTER 8

20.9K 389 7
                                    

SABAY at awkward na kumain si Cindy together with Doc Matteo. Sa isang mesa, awkward niyang sinusubo ang kanin.

"What's wrong with you? Don't eat the spoon!"

"H-ha? Ay sorry," sabi naman ni Cindy na lutang na lutang na talaga ngayon.

"I don't know why the NBI didn't include in your profile that you're a pervert."

"Anong sabi mo? Huh! FYI! Hindi ko sinadyang pumasok sa shower room mo! Kasalanan mo 'to e. Pinagising mo ako ng 3:30 AM kaya tignan mo, lutang na lutang ako ngayon!" sigaw ni Cindy.

Ngumiti ng pilyo si Doc Matteo, "It's okay. Tutal, magpapakasal din naman tayo. Wala rin namang araw na hindi mo makikita ang katawan kaya sige, enjoy! Pasok na ako. Wife," sabi ni Doc Matteo na siyang ikinamula ni Cindy.

Wife? Parang nakuryente yata si Cindy sa word na iyon.

Naiwan si Cindy sa condo unit ni Doc Matteo. Buong araw siyang nandoon sa loob. Kung hindi niya nililinis ang unit ni Doc Matteo, nanunuod siya ng TV o di kaya'y kumakain.

"Ang tagal naman niya," malungkot na sabi ni Cindy at hindi niya namalayan na naidlip na pala siya sa sofa.

At 9 PM, dumating na si Doc Matteo at nakita niya si Cindy na nakahilata na sofa. Sa isip niya, Cindy's like a dog na natutulog ngayon.

Nakita ni Doc Matteo na malapit ng malaglag si Cindy kaya agad siyang tumakbo papunta dito at agad itong sinalo.

Napatitig ng ilang saglit si Doc Matteo sa maliit na mukha ni Cindy. Hindi niya namalayan na two minutes na pala siyang nakatitig dito.

Maya-maya pa ay bigla niyang naibagsak si Cindy nang bigla itong nagising.

"Aray ko po!" Cindy moaned at sinapak niya lang si Doc Matteo.

For the first five days ganun lang takbo ng buhay nilang dalawa. Gigising si Doc Matteo ng 3:30 AM, mag-p-prepare si Cindy ng breakfast, aalis si Doc Matteo, hihintayin ni Cindy ang binatang doktor hanggang gumabi at paulit-ulit na madadatnan ni Doc Matteo na tulog na si Cindy.

Five days na silang magkasama pero para parin silang strangers. Kaonti lang alam ni Doc Matteo kay Cindy at ganun din naman si Cindy towards kay Doc Matteo. Madalang din silang mag-usap at kung nag-uusap man sila ay nauuwi lang ito sa sigawan, bangayan at matinding barahan.

One night, nadatnan ni Doc Matteo na tulog na tulog na si Cindy sa sofa at panay tampal sa balat nito na palaging dinadapuan ng lamok.

Nakaramdam ng kaonting awa si Doc Matteo kaya kinarga niya si Cindy paapsok sa kwarto niya.

Kinabukasan, 3:30AM, natagpuan nila ang parehong sarili nila na magkayakap sa isa't-isa.

"AAAHH!" sigaw ni Cindy.

"What the---shut up!" sigaw naman nu Doc Matteo.

"P-paano ako napunta dito?" Tanong ni Cindy na mabilis pa sa kidlat na nakatayo.

"Tss. Don't ask. Just leave," sabi ni Doc Matteo.

Lalabas na sana si Cindy kaso bigla siyang napahinto nang may sumagi sa isip niya, "Teka! Magkatabi tayong matulog, ibig sabihin--" naitakip bigla ni Cindy ang kamay niya sa dibdib niya.

"Tss. Stop assuming. Masasaktan ka lang. Hindi kita type at hindi ako magkakainteres sa'yo," sabi ni Doc Matteo at agad ng naghubad ng damit. Agad namang napatakip si Cindy mga mata niya.

"Today, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko kaya simulan mo ng ayusin ang sarili mo, 'yung tipong magmumukha kang tao," sabi ni Doc Matteo at agad ng lumabas si Cindy.

"T-teka? Hindi ako prepared," sabi ni Cindy kay Doc Matteo pero hindi man lang ito nakinig at pumasok na sa shower room.

Namula naman si Cindy nang makita niya ang butt ni Doc Matteo. "Shet, ang pula," sabi ni Cindy at napailing-iling nalang.

Nagprepare na si Cindy ng agahan ni Doc Matteo. Kumain ito at umalis. Hindi man lang nag-thank you.

Naiwan si Cindy sa loob ng condo unit. Pakiramdam niya ang puti-puti na ngayon since pang-anim na araw na niyang nakakulong dito ngayon. Fully air conditioned e.

Okay naman siya dito kasi alam niya namang may mahihita siyang sweldo kaysa naman doon sa isang mall kung saan isa siyang cashier na palaging putok ang blush on niya at parang bruha siya eye-shadow niyang kulay blue. Okay dito sa loob ng condo unit ni Doc Matteo since hindi kagaya sa mall, palagi siyang may charge. Minsan nga 10 pesos lang ang nauwi niya sa sweldo niya. Luging-lugi siya sa pamasahe.

No worries naman ang mga magulang ni Cindy. Wala naman 'yung pake sa kanya ever since nag-18 siya. Labing anim kasi silang magkakapatid. Lahat graduate na. 'Yung iba may magagara ng trabaho, siya nalang talaga ang papetiks-petiks nalang.

Pa'no ba naman kasi, pinag-aral siya ng ate niya kaso hindi siya nag-seryoso dahil mas inatupag niya muna ang pagtuklas kung mayroon bang forever o wala. 'Yun! Minahal niya si Kristoff. Pinerahan siya. Iniwan. Nasaktan. Natagpuan si Doc Matteo.

"Paano ba 'to i-on?" tanong ni Cindy sa sarili tinutukoy niya ang isang flat screened TV na may laking 86" (inches). Kasing lapad ng isang blackboard. Anim na araw na siya dito pero hindi pa niya ito nabubuksan.

"Ay bading!" sabi ni Cindy nang biglang nag-on ang TV. Doraémon ang palabas. Nag-enjoy naman siya. Inabot ng 30 episodes si Cindy bago siya makatulog.

Maya-maya pa, dumating na si Doc Matteo, "Get up. Ipapakilala kita sa mga friends ko,"

"Ay bading!" sabi ni Cindy nang makita niya ang napaka-wholesome na mukha ni Doc Matteo na nasa harapan lang ng mukha niya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

"Lowbat ako. Wala akong charger,"

"Bakit hindi mo sinabing walang charger ng mabilhan kita?"

"Nakakahiya na e."

"Wow? Alam mo palang mahiya?" sarcastic na natawa si Doc Matteo.

Padabog na tumayo na si Cindy. Kumuha ng gamit panligo. "Bwesit!" pagmumura niya.

"Oops! Saan ka pupunta?"

"Maliligo. Bakit? Gusto mong sumama?" sabi ni Cindy na papasok na ng kwarto.

Natawa si Doc Matteo ng napakapilyo, "No of course. I'm not even interested with your prematured breast."

"Hoy! Sumusobra ka na ha?"

"Tss. You're not allowed to take a bath there."

"E saan mo ako papaliguin? Sa langit? Tanga ka ba?"

"Tsk. Pumunta ka sa labas ng condominium, may libreng paligo ang isang TV station doon."

"Fine!" sigaw ni Cindy at pumunta na sa may pintuan.

"Arg! Pa'no 'to buksan?" naiinis na sabi ni Cindy. Nilapitan siya ni Doc Matteo at tinulungan itong mabuksan ang pinto. Kinindatan ni Doc Matteo si Cindy. Naiinis namang umalis si Cindy. "FYI, hindi ka gwapo pwe!" sigaw ni Cindy.

***

Doctor Matteo's Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon